Pag-ibig

698 4 0
                                    

Ang dami ng nasabi tungkol sa iyo
At marami na din akong narinig
May iba na nakakakilig,
Ang iba naman ay mapait na ang himig.

Ngunit dumating ka sa buhay ko
Naisip kong subukan ulit at kulayan naman ang aking mundo
Sinubukan kong tanggapin ka sa aking sistema.
Oo, sya na binigyan ako ng halaga.
Sadyang napaka maimpluwensya mo,
Pinakilig mo ako noong siya ay pinasok mo sa aking paraiso.

Sa pagdating mo, naging masaya ako.
Sa araw at gabi, walang mapagsidlan ang kasiyahan ko.
Patagal ng patagal at paunti-unti
Ang loob ko sa iyo ay nahuhulog ng walang pasabi
Lagi-lagi na kitang hinahanap at nagkakagaanan na tayo ng loob
Nagustuhan kita at tama ang iyong kutob.

Hinayaan ko na mahulog ako sa iyo
Hinayaan ko na paniwalaan ang mga sinasabi mo
Hinayaan ko na malunod sa pagmamahal na pinaramdam mo
Kasabay ng pagtitiwala na ako ay mahalaga, gaya ng sabi mo.

Araw-araw pinapadama mo sa akin na espesyal ako
Hindi ka pumapalya na pasiyahin ang aking puso
Kasiyahan na ikaw lang ang nagbibigay
Kasiyahan na unti-unting bumuo sa aking pagkatao
Pagkataong minsan ng nagduda sa pagmamahal.

Nakuha mong palambutin ang puso kong naging bato
Oo, dahil pa rin sa idinulot ng pagmamahal na sinasabi mo
Dahil isang araw, nanamlay ka na lang bigla
Pagpaparamdam mo ay unti-unting nawala
Nakuha ko na
Natanggap ko na
Ako ay pinaibig mo lang at ikaw ay isang paasa.

Ilang beses mo akong pinaasa,
Na may isang taong handang sa akin ay magmahal ng totoo.
Ngunit kasabay ng pag-aasam ko, ilang beses din akong nadapa
Kasabay ng pagkapako ng iyong mga pangako.

Pangako na ako ay iyong papansinin
Pangako na ako ay iyong mamahalin
Pangako na ako ay iyong pasisiyahin
Mahal, bakit?
Bakit mo ako pinaasa?
Bakit mo ako pinaasa sa lahat ng iyong mga pangako?
Ibinigay ko naman ang puso ko, pero bakit ikaw pa rin ay tumakbo?
O sadyang umasa lang ako na lahat ng iyon ay totoo?
Dahil naniwala ako na may susukli kapag nagbigay ako ng buo.

Buo ang binigay na panahon, pero sinuklian ng walang atensyon.
Buo ang binigay na tiwala, pero sinuklian ng pagdududa.
Buo ang binigay na pag-asa, pero sinuklian ng pagdurusa.
Buo ang binigay na pagmamahal, pero sinuklian ng isang pag-ibig na hangal.

Nakakapagod.
Nakakapagod na ang sumubok, umasa, umibig, madapa, bumangon at magmahal muli.
Paulit-ulit na lang.
Ayoko ng gumapang.
Mahal, pakiusap itigil na natin ang kilig
Magpapahinga na muna ako sa tinatawag na PAG-IBIG.


-sheng12

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon