KATAPUSAN

102 1 0
                                    

Katapusan na nga ba ng ating pagkakaibigan?
O katapusan na ng ating paglalandian?
O baka naman katapusan na ng aking kahibangan.
Saan nga ba tayo nagsimula,
Upang katapusan ay kahantungan?
Katapusan nguni't mayroon nga bang nasimulan?
Tila ba kay gulo ng ating usapan.
Usapan na tayo ay magkaibigan lamang.
Nguni't bakit ako ay lumagpas sa binigay mong harang,
At umasta na tila ba isang hibang.
Kahibangan nga ba ang umasa?kahibangan nga ba ang nadarama?
Kahibangan nga ba ang ibigin ka?
Kasi kung ito'y isang kahibangan,
Ayoko ng bumalik sa aking katinuan.
Sadyang kay bilis ng panahon,
Bakit kailangan agad natin itong wakasan?
Magiging alaala na nga lang ba,
Ang mga pinagsamahan nating kay saya.
Kukupas na lang ba mga litratong kay tingkad sa saya.
Itatago na lang ba mga bagay na iyo at saki'y nagpapaalala,
Na minsan sa maling pagkakataon ikaw at ako ay naging isa.
Tanggap ko na ako'y masasaktan na naman.
Kaya ikaw ay handa ko ng takbuhan,
Ikaw ay handa ko ng talikuran,
Ikaw ay handa ko ng kalimutan.
Pero makulit itong puso't isipan,
Sapagkat nagkaisa sila na manatili sayong tabihan.
Tabihan ka sa oras ng 'yong kalungkutan,
Tabihan ka sa oras ng 'yong kasiyahan,
Tabihan ka hanggang sa ako'y iyong kailangan;
Tabihan ka at magbigay sa oras ng iyong pangangailangan.
Pangangailangan na handa kong ibigay mag paulit-ulit man.
Akala ko sapat na ang mga ginagawa ko upang ako ay hindi mo maisip na iwan.
Ngunit ako ay nagkamali,
Sapagkat ang pag iwan sakin ang tamang gawin,
Upang mga pagkakamali ay maitama natin.
Unti-unti ang pagbabago ay nararamdaman ko.
Pagbabago na guguho ng mundo ko,
Pagbabago na uupos sa buong sistema ko,
Pagbabago na ikasasawi ko.
Sapagkat ang isang tulad mo,
Ay di nararapat sa isang tulad ko.
Ang mga paa ay nagsimula lumakad,
Sa direksyon na kung saan tayo ay nararapat.
Ang ating mga landas ay maghihiwalay na.
Direksyong tatahakin ay magkaiba.
Ako na patungo sa pagdudusa at pag iisa,
At ikaw na patungo sa kanya.
Sa kanya na tunay mong sinisinta,
Sa kanya na sayo'y tunay na nagpapasaya,
Sa kanya na tunay mong kailangan,
At sa kanya na tunay sayo'y may-ari na.
Pagkat sa inyong dalawa ako'y isang epal lamang,
Na gumulo sa mahaba niyong pinagsamahan.
Ngunit bakit pa kailangang magbitiw tayo ng pangako sa isa't isa,
Kung ang katapusan ay nalalapit na?
Pangakong di mo ako iiwanan,
Pangakong lagi kang nandiyan,
Pangakong di mo ako bibitawan,
Mga pangako mo sakin,
Umaasa pa ding ito'y tutupadin.
Ano kayang aral ang makukuha natin sa isa't isa?
Yan ang tanong na tumatakbo sating isipan.
Aral na makukuha satin ay alam ko na.
At yun ay wag magmahal ng may mahal ng iba.
Wag pairalin ang karupukan,
Upang pagkakaibigan ay di na mawala pa.
Wag bigyan ng kahulugan ang pagiging sweet sa isa't isa.
Patayin kung may nadarama na.
Sa dami ng aral na makukuha sating dalawa,
Ay di ko na magawang isa-isahin pa.
Basta ang mahalaga,
Tayo ay natuto na.
Upang pagkakamali ay di na maulit pa.





(A.N: "promises are not really made to be broken, it is rather meant to be broken" wala lang naisip ko lang yang bigla. Hahaha)

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon