Panyo

243 4 0
                                    

Sana ang ngayon ay noon
Sana ang umaga'y maging dapit-hapon
Sana bumagal ang panahon
Nang maharap ko ang bagong hamon.

Akala ko totoo ang ngayon
Pero kasinungalingan lang pala iyon
Binulag ako ng panahon
Sa pag-aakalang babalik ang noon.

Gusto kong bumalik sa nakaraan
Tumakbo pabalik sa kanyang kandungan
Ngunit baka makita ko ang aking kinatatakutan
Na ikasawi ng aking pusong sugatan

Itinadhana ang tadhana
Ngunit naaalala ko pa rin ang kanyang maamong muka
Saksi ang aking panyo sa aking pagluha
Saksi ang aking panyo sa kanyang pagsinta.

Tuwing dadalhin ko ang panyong iyon
Dala ko rin ang noon
Nakakapagod ang alaalang iyon
Ngunit dinadala ko pa rin hanggang ngayon.

Ang panyong iyon ay isang alaala
Tanging alaalang nagpatotoo sa pagsinta
Tapos na ang noon at akala
Tapos na rin ang aking pagluha.

Masaya na ang ngayon
Kasabay ang paglipad ng mga Ibon
Malaya na ang hinamon
Ng bagong pagkakataon.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon