AMA

61 0 0
                                    

Ama....
Isang salita na di ko maintindihan, kung ano nga ba ang tunay na kahulugan.
Isang salita na pilit kong tinatalikuran....
Nguni't isang salita din na nais kong makamtam...
AMA na siyang haligi ng tahanan
Gumagawa ng paraan kung kinakailangan.
AMA na siya kong takbuhan,
Sa oras ng pangangailangan
At siya 'ring ama na pilit kong iniiwasan.
Oo, ama na pilit kong iniiwasan.
Di ko na sasabihin sa inyo ang dahilan,
Upang kayo ay di na mawindang pa.
AMA na di ko maintindihan,
Pero AMA na gusto ko ulit makasama.
Nangungulila ako sa'yong presensiya
Malayo ka at wala akong magawa
Ginugunita yaong mga alaala.
Nguni't bakit tila wala akong kwentang anak sa aking pagkakaalala?
Walang nagawa kun'di bigyan ka ng sama ng loob.
Sagutin ka kung tayo ay nagtatalo,
Suwayin ka kung magkasalungat ang ating mga gusto.
Singhalan ka pag di mo naibigay ang nais ko
Tunay ngang nasa huli yaong pagsisisi.
Dahil nga'yon, akoy nagsisisi...
Hanggang saan ang pagsisisi, kung huli na satin ang lahat.?
Di mo na makikita ang pagsisisi na aking nadarama,
Dahil wala ka na sa piling ko AMA.
Hanggang pagsisisi na lang ba ako?
Hanggang alaala na lamang ang lilingunin ko.
Paalam aking mahal na AMA...
Magkakasama din tayo balang araw.....

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon