Saling Pusa

181 4 0
                                    

Sa paglikha ng tula,
Ako'y isang baguhan lamang
Mga titik ko'y di kalaliman
Kung ikukumpara sa likha ng mga batikan
Matalinghaga, malalim at makahulugan.

Di ko sinasadya na makalikha
Salitang kumilabot sa madla
Mata'y biglang nanlilisik
Na animo'y pusang gala
Sa tuwing makakakita
Ng mga maling gawa.

Di ko kailangan karangala't katanyagan
Na tulad ng mga makata na aking hinahangaan
Mga likhang alay ko sa bayan
Simpleng mga tula kong baguhan.

Sana nga'y ito ang maging daan
Pupukaw sa damdamin ng aking kababayan
Babangon sa pagkakalugmok sa kadiliman
At makapag simula ng may karangalan
Sama-sama mahirap man o mayaman
Pati ang tulad ko na ordinaryong kabataan.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon