Puso

169 4 0
                                    

Puso ko ang magsalita,
Sa himig mong dinadama
Na daloy ng dugong dukha
Ngayon, ako'y walang sala

Una ka sa araw-araw,
Lagi kang abot-tanaw,
Sa pag-asang di malulusaw,
Kahit sa mithing mababaw

Saan man ay aking dala,
Puso mong laging masaya
Dahil sa tinig na may kusa,
Pakiramdam ko'y tayo'y iisa

O, Diyos na mahabagin
Nawa'y iyong dinggin
Hiling at mga sambitin,
Ang lahat ng aming panalangin

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon