Unos Sa Ulilang Puso

288 8 0
                                    

Nangungulila yaring puso,
Nananabik sa'yo
Malumbay, matamlay
Na parang walang buhay.

Ngayon nga'y wala ka na sa piling ko
Hanap-hanap ka ng puso ko
Tila isang unos ang araw na ito
Na binagyo ang buhay ko.

Araw ng mga puso kung ituring
Ngunit wala ka sa aking piling
Matatawag bang maligaya,
Kung ika'y di kasama

Pagkatapos ng unos
Liwanag ang hiling
Sana bukas sa paggising,
Ikaw ang aking kapiling.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon