Ang Pagtawag

533 5 0
                                    

Naalala ko noong ako ay bata pa
Isang makulay na panaginip ang nagunita
Tulad ng isang kampanilya na di napinsala
Naramdaman ko na binigyan ako ng Diyos ng isang gawain.
Isang basbas ang natanggap ko, at isang pabor na di ko hiniling
"Halika dito aking munting lingkod."
"Ang lahat ng lalandasin mo'y magiging matagumpay."
Ang pagtawag ang siyang gumising sakin.
Ito ba ay isang landas tungo sa kapayapaan?
Ako ay namangha.
Sumagana ang sarili dahil sa nakamamanghang pagtawag.
Pati mundo ng Pag-ibig ay inihain mo sa akin.
At ang inggit ay nadaig ng pananampalataya.

Napadako ang aking mata sa kanyang kasimplihan
Sariling emosyon ko ay di na napigilan.
Ang pintuan ng puso ay binuksan para sa'yo
At natatanaw ng mga mata ang isa pang pag-asa.
Rosas na binigay ko sa araw ng mga puso,
Mga sulat na para sa'yo.
Ang lahat ng pagsisikap na ito
Sinuklian ng pagmamahal at pagpapahalaga mo.
Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat
Relasyong kay saya ngayon ay wala ng sigla.

Marami ang nangutya, nagtawa at nandiri.
Pilit hinahadlangan ang pag-iibigan natin
Pamilya, Bibliya, Relihiyon at Tradisyon;
Yan daw ang dapat isaalang-alang sa isang relasyon.
Ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki lamang.
Lalaki sa lalaki;
Babae sa babae;
Isa daw nakakapandiring relasyon.
At ako ay nagtanong
Masama ba ang makardam ng pagmamahal sa kapwa mong kasarian?
Paano naman ang tunay at wagas na pag-ibig?
Hindi ba't kailangan din iyon?
At sa pagkakataong ito,
Ang pananampalataya ay nadaig ng inggit at galit.

Ako'y muling lumapit at nagdasal sa kanya
Tumingala at tumingin sa mga mata niya.
Doon ko nakita ang awa;
Na tila ba nagsasabing ipaubaya ko ang lahat sa kanya.
Nang matapos sa aking pagdadasal,
Pakiramdam ko'y nagkaroon ng kapayapaan
At nasagot ang aking katanungan.
Hindi masama ang magmahal sa kapwa mong kasarian.
At muli,
Ang inggit at galit ay nadaig ng pananampalataya.

Sa huli, nalaman ko ang pagtawag na sinasabi nila.
Hindi kailangan na ikaw ay maging pari o madre para lang patunayan na tinawag ka.
Gumawa ka na mabuti sa kapwa ng walang inaapakang tao,
Ay sapat nang sabihin na ikaw ay pinili at tinawag.
Sadyang kay buti nga ng Diyos.
Dahil hanggat ang Diyos ang sentro ng ating buhay,
Alam ko na ang Diyos din ang siyang magbubuklod ng ating pagmamahalan.


(Merry Christmas sa ating lahat 😘😘😘 God bless you and your family ❤❤❤❤) 

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon