Langit At Lupa

235 4 7
                                    

Sadya nga ba talagang ganyan?
Tadhanang tumatak sa puso ninuman,
Na kung langit at lupa ang pagitan,
Ay di na dapat asahan,
Ng pusong sumasamo ng kaligayahan.

Puso'y gumagawa ng paraan,
Tumula, umawit sabay ng gitarang tangan.
Mapawi lang lungkot ng kabiguan.
Dulot ng pusong sumuntok sa buwan.
Na tanging sa panaginip lamang nasisilayan.

Ano bang nakita ng damdamin kong hangal?
Imahe mo sa puso ko'y di ko matanggal.
Umaga man, o gabi pag-ibig ko pa ri'y himlay.
Ang tulad mo sa ki'y walang kapantay.

Kaya anong dapat kong gawin?
Pag-ibig mong malabong maging akin,
Tanging sa pangarap lamang maihahambing.
Sa buhay kong ikaw lang ang hiling.

Maghihintay ang puso kong laging bitin,
Lupa man ako kung ituring,
Pero para sa'yo langit ka man ay aking aabutin

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon