Kaibigan Lang Pala

366 5 10
                                    

Kay sakit isipin na kaibigan lang pala ang tingin mo sa'kin.
Na kahit anong hiling, ay di mo magawang ibigay sakin.
Pag-ibig na hinihiling ay napakahirap dinggin.
Nalilito, gulong-gulo kung ano ang dapat kong gawin.
Sino nga ba naman ako para ikaw ay pilitin.
Ayaw mo sakin at di mo ko magawang gustuhin.
Masakit mang isipin, ngunit ikaw ay iintindihin.
Masakit sa damdamin pero kailangan kong tanggapin.
Tanggapin na di talaga pwede,
Tanggapin na ako lang may gusto,
Tanggapin na ikaw ay di mapapasakin,
Tanggapin na hanggang dito na lamang tayo.
Ngunit kaibigan, maaari bang sayo ako ay humiling?
Humiling na sana ay maging pwede,
Humiling na sana parehas nating gustuhin,
Humiling na sana ikaw ay mapasakin,
Humiling na sana dugtungan pa natin ito.
Sa kabila ng aking mga hiling, alam kong ito'y di mo diringgin.
Dahil kaibigan lang ang iyong tinggin.
Ako ay nagdasal sa Poong May kapal
Pumikit at taimtim na nagdasal
Na sana mapasakin ang 'yong pagmamahal
Na ako ay maghihintay gaano man katagal
Pagkat yan ang lagi kong dasal.
Ngunit may nakapagsabi sakin,
Di lahat ng dasal ay kailangang dinggin.
Lalo na kung ito'y di para satin.
Maraming katanungan ang tumakbo sa'king isipan.
Para saan pa at ikaw ay nakilala?
Para saan pa na kinilala kita?
Para saan pa ang mga oras na sa'yo ay inilaan?
Para saan pa at patuloy kang tumatakbo sa'king isipan?
Para saan pa at tayo ay pinagtagpo?
At biglang sumagot......
Mahadera kong isipan.....
"PARA IKAW AY KANYANG MAGING KAIBIGAN"
Nakilala mo siya upang maging kaibigan.
Kinilala mo siya upang maging mabuti kang kaibigan.
Naglaan ka ng oras dahil ganoon ang kaibigan.
At pinagtagpo kayo upang maging magkaibigan.
Ngunit nasaan ang sagot kung bakit ka patuloy na tumatakbo saking isipan?
Na tila ba tumutugma sa isang kanta ang nais ibigay na kasagutan.
Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga.
Na wala ding sagot kung bakit sa isip ko'y  patuloy kang tumatakbo.
Tumatakbo sa katotohanang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sakin.
At kahit ulit-ulitin mo man ay di ko pa rin maintindihan.
Kung bakit "Kaibigan Lang" sa isip ko'y ayaw tumatak.
At ang mga luha ay nag unahang pumatak
Sakit ng katotohanang unti-unting lumalatak
Sino ang sakin ay hahatak?
Paalis sa sitwasyon kung saan ako ay nasadlak.
Ngunit sadyang makulit itong pusong wasak.
Pagkat ako'y nagagalak
Sa isiping ako ay patuloy na hahawak
Kahit puso man ay magkawatak watak.
May dalawang bagay nga pala kong pwedeng pagpilian.
Ang ipagpatuloy ang pagkakaibigan at isantabi ang nararamdaman.
O ipagpilitan ang damdamin ngunit ikaw ay lalayo sakin?
Sa ngayon, hindi man ako makapili sa dalawang ito,
Isa lang ang nabatid ko.
Na hanggang dito na lamang tayo.
Pagkat kaibigan lang sa akin ang turing mo.
Pero wag kang mag-alala, magiging okay din ako.
Iiyak man ako, pero di magtatagal to.
Dahil ngayon ay alam ko na ang lugar ko sa buhay mo.
Kaya nais kong humingi ng pasensya sa'yo.
Pasensya sa kakulitan ko,
Pasensiya sa kabaliwan ko,
Pasensya sa pagpapantasya ko na magiging tayo.
Hayaan mo, sayo ay wala ng manggugulo.
Sa'yo ay wala ng mangungulit,
Sa'yo ay wala ng magpapakabaliw,
At wala ng magpapantasyang maging kayo.
Pagkat sa'yo ay lalayo na ako.
Sarili ko muna ang pagtutuunan at bibigyang halaga ko.
Maraming salamat sayo!
Ikaw ang nag-iisang espesyal na kaibigan ng buhay ko.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon