Taghoy Ng Isang Panyo

158 5 0
                                    

Sa sama ng loob,
Ika'y aking dinadamayan
Hirap na 'yong nararamdaman,
Matiyaga kong pinupunasan.
Ang mga pawis na tumutulo, dahan-dahan.
At ang mga luhang isa-isang nagpapatakan.

Kapag ika'y bigo,
Ako ang iyong matatag na sandigan.
Karamay mo sa iyong mga kasawian.
Ituring mo akong isang kaibigan,
Na sa lahat ng oras ay palaging nan'dyan.

Subalit 'yun lang ang silbi ko sa'yo.
'Di na ako kasali sa kasiyahan mo.
Kahit Konting tingin, 'di matapunan.
'Pagkat ika'y abala sa iyong bagong kaibigan.

At ika'y nasaktan, ako ang iyong tinakbuhan.
Ako ang kawawang Panyo na iyong pinabayaan.
Nilapastangan at ginawang pamunas sa upuan.
Saka mo lang babalikan 'pag iniwan kang luhaan.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon