PAANO NGA BA

118 3 0
                                    

May mga bagay na gusto mong hawakan at alagaan
Pero may mga rason lang talaga na hindi natin maunawaan.
Pinipilit mong intindihin ang mga rason na bumabagabag sa'yo.
Kahit na hindi matanggap ng utak at puso mo.
Napakalabo masyado ng tadhana.
Andiyan nga, pero biglang mawawala.
Paano mo nga naman hahawakan ang isang taong ayaw magtiwala sa pagkakahawak mo.
Paano mo maibibigay ang pagmamahal sa kanya,
Kung siya ang nagbibigay ng rason para kumalas ka na mismo?
Paano ko masasabi na siya na nga talaga,
Kung may mga katanungan pa sa isipan mo kung bakit ganyan siya?
Paano nga ba?

-Sheng12

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon