Di Na

127 4 0
                                    

Nang ikaw ay makilala
Pananaw ko ay nag-iba
Pananaw na sadyang dakila
Sa pag-ibig lang makukuha

Inibig kita ng di pa oras,
Ngunit ang sinabi ko ay wagas
Wagas na kahit saan lumampas
Hindi kayang ipakita ang katumbas

Nang tamang oras ay dumating
Para patunayan ang nasabing
Buhay ko ay nagniningning
Lumiwanag na parang bituin

Bituing nasa puso't isipan ko
Mula nang maging tayo
Pangako ko sa sarili ko,
Pag-ibig ko di'na maglalaho

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon