Den's POV
Grabeh kinakabahan ako. Magpapakilala na kami ni Aly as mag-girlfriends sa families namin. Tutal ang parents nya daw ay nasa Manila, nagpasya kaming mag-lunch with our family. 2 days nalang din naman pasukan na uli. Ugh ang bilisss. Anyways, magkikita raw kami sa Megamall. Nasa-shower ako ngayon. Kaya napaisip ako ng pwedeng mangyari. OMG nakaka-kaba talaga. Simpleng ligaw lang naman ginawa nya baka kung ano isipan ng parents nya saakin. Wow. Bigla naman akong nakarinig ng katok.
Aly: "Baby? *knock knock* matagal ka paba dyan? Kailangan ko na maligo eh." napaisip naman ako kung patapos na ko. Naalala ko naman na nagshampoo na at sabon nagbabanlaw nalang naman ako kaya sumagot ako.
"Uhm. Patapos na baby! I LOVE YOUUU!!" sigaw ko kay Aly kasi malakas yung sound nung tubig galing shower.
Aly: "Sige baby! Hintayin nalang kita! I LOVE YOU MOOOOREEE!!" Napangiti naman ako kasi sa sinabi nya. Nagpatuyo na ako ng katawan. Sa labas nalang ako magbibihis tutal magkasama ang Three Musketeers sa MOA kaya kami lang ni Aly sa room. Yes! HAHAHA! Lumabas na ko ng naka-towel. Si Aly naman nakaupo sa edge ng kama namin. Yung kama nya sa taas. Nung nakita nya ako, tumalon sya pababa nung kama.
Aly: "Ang sexy naman ng girlfriend ko!" tapos kinindatan nya ko. Haha sira!
"Hahaha! Maligo ka na nga! Magbibihis na ako!" hahaha nakita ko naman nag pout sya.
Aly: "Pa-kiss muna! Tapos maliligo na ko!" Hahaha chansing?
"Ehhh! Naka-towel lang ako oh! Mamaya saan pa mapunta!" Natawa naman sya.
Aly: "One peck lang naman eh, promise!" Ang cute nya kasi kaya pagbibigyan ko na.
"Daya mo kasi! Porke't mahal kita!" tapos lumapit na ako sakanya. Then I gave her a peck on the lips.
Aly: "Hmmm. Sarap! Hahaha! I love you too! Magbihis ka na ah!" sabi nya tapos pumasok na sa banyo.
Nagbihis na ako then lumabas na sya tapos umalis na kami.
~Fast Forward~
Aly's POV
Andito na kami ng Baby ko sa parking. Maypagka-matching outfit rin kami. Ako kasi naka shorts na blue at shirt na white na may Ateneo. Si Den naman naka shorts na white at Shirt na blue na may Ateneo rin. Sabi nya papalitan nya daw sabi ko wag na kasi ang cute. No choice sya haha!Nagtext naman na si Mama at Papa na nasa Max's na raw sila. Sabi naman ni Den parents nya papunta na sila sa Max's. Eto kami pinark Hyundai ko (A/N: HyundaiNiAlyssa! HAHAHA) tapos bumaba na kami. Since I don't want to lose Den naman, hinawakan ko ang right hand nya. Protective or clingy? I guess both na yun! Andito na kami sa Max's buti nalang konti tao kaya nakita ko naman agad sila Papa and Mama with Parents ni Den... Umupo na kami sa table nila...
Den: "Mom! Dad! I missed you both!" sabi ni Den tapos beso sa kanila.
"Ma, Pa! Na-miss ko kayo!" sabi ko naman kayla Papa tapos nagorder na kami.
Den's Mom: "So what is this about? Bakit kayo nagpa-lunch? Libre nyo ba? haha!"
biro ng mama ni Den, natawa naman kami kasi andami nyang tanong saka yung sinabi nya sa dulo.
"Uhm. Ma, Pa, Tito Mike, at Tita Arlene. May sasabihin po kasi kami sainyo." ngumiti naman ako sa parents ni Den tapos sa parents ko. Si Den naman kinakabahan kaya hinawakan ko kamay nya. Tapos tinaas ko.
"Uhm. Kami na po ni Den. I hope okay lang po sainyo." tapos tumingin ako sa parents nya. Ang lalaki ng ngiti. Hehe
Mama and Papa: "Seriously, Anak? Tinatanong pa ba yan? Hahaha! Of course naman noh! okay lang saamin!" Wow! Sabay pa! Haha
Tita Arlene and Tito Mike: "Okay lang din saamin. And besides, Den. Nagpaalam saamin si Alyssa one time. Haha!" tumingin naman saakin si Den.
"Uhm, Den kasi nung isang time na wala ako sa dorm. Pumunta ako sa bahay nyo para magpaalam sa parents mo eh." nagulat naman sya! Haha cutieee!! Tumango nalang sya. Hahaha!
So kumain na ako kaya umalis na rin kami. Kailangan daw namin umuwi ng maaga kasi baka bagalit si Ate Dzi eh. Soo ayun. Hehe!
-----------------------------------------------------------
A/N: Lol guys ang LAME! Wala kasi ako gaanong gana mag-update. Lols!
Follow me on TWITTER: @HopiaShipNgAD
Opo, iniba ko nanaman! Hahaha! Bukas uli guys. Sorry!
BINABASA MO ANG
Ends With You
أدب الهواةAlyssa had always loved Dennise more than her life; Dennise had always loved the former too. Everything seemed perfect. But what would happen when...