Den's POV
Nagising naman ako sa sikat ng araw. Bunk bed kasi namin ni Aly ang malapit sa window. Pag tayo ko ang sakit ng ulo ko. Ugh. Hangover.
Naalala ko naman ang nakita ko kagabi. Hayy si LA. Hindi ko naman maiwasan na maiyak.
Since it's a Sunday wala kaming pasok. Natigil na ako sa pagiyak ng bumukas yung pinto. Agad kong pinunasan yon. Pag tingin ko sa pinto, niluwa nito si Aly na nakatingin saakin ng nakakaawa. Yung parang naaawa sya sakin. Lumapit naman agad sya sakin at niyakap ako.
Aly: "Shhh. Tahan na." Una nyang sabi. I kinda got comfortable kaya kaunti nalang ang tears na naiyak ko.
"Ang sakit kasi Ly eh." Sinandal nya ulo ko sa shoulder nya tapos she patted my head.
Aly: "Don't worry, Den. Kami bahala sayo." Bakit ganon? Parang ang gaan bigla ng loob ko ng sinabi nya yun. Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Salamat, Ly." Medyo humihikbo pa rin ako pero okay na. Lalo sumakit ulo ko kasi umiyak pa ko.
Aly: "Wag ka ng umiyak. Lalong sasakit ulo mo. Kain ka na tapos inom ka ng gamot. Bilisan mo kumilos ah. Maubusan ka ng pagkain ni Ella at Marge."
Natawa naman ako sa sinabi nya. Tapos tumayo na ko papuntang CR and washed my face.
Bumaba na ako. Lahat sila nakatingin sakin ng naaawa. I guess kinwento na nila Ella sakanila. Nginitian ko nalang sila para hindi sila lalong magalala sa akin. Pumunta na ko sa dining at kumain. Kasabay ko si Ella, Marge, at Mich kumain. Pagkatapos ko kumain, pinainom na ako ni Aly ng Advil.
(A/N: Guys bakit Advil? Kasi diba ang AlyDen for short AD? ADvil. Haha corny)
Medyo kumonti na yung sakit ng ulo ko. Kakausapin ko nalang si LA bukas. Pagod pa ako eh.
~Fast Forward~
Aly's POV
Kakausapin na ni Den si LA. Sabi nya magkita daw sila sa Starbucks malapit dito sa school. Andito lang kami ni Ella sa likod ng table nila. Just in case na anong mangyari kela LA.Naririnig ko naman si Den at LA:
Den: "LA, break na tayo." Ramdam mo yung coldness at galit ni Den kasi nagtatagalog na sya.
LA: "Bakit, babe? Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na ba?" Bigla namang naningkit ang mata ni Den.
Den: "Bakit hindi mo kaya itanong yan sa sarili mo? Oo, LA. Alam kong you're cheating on me!"
LA: "Huh? Ano pinagsasabi mo?" Nagkukunwari pa itong itlog na ito!
Den: "Anong pinagsasabi ko?! Bakit hindi mo itanong dun sa babaeng kahalikan mo?!" Medyo napapalakas na boses ni Den kasi andami ng tumitingin sa kanila.
LA: "ANO BA PINAGSASABI MO BABE?!" Nagbabe pa talaga ah. Huwaw!
Den: "We're done, LA. We are done." Bago pa man nag walk-out si Den, sinampal nya puna ng malakas si LA. Dapat ako nalang eh. Spiker ako eh. Haha okay seryoso na.
Naglakad naman palabas si Den. nakalimutan nya siguro kasama nya kami kaya tumakbo kami para sundan sya. Si LA naman nakaupo lang dun sa pinagupuan nila ni Den. Hindi nalang namin sya pinansin ni Ella kasi ano pa magawa namin sa bansot na ito.
Ella: "Den! Sandali!" Hingal na hingal na sabi ni Ella kasi tumakbo kami. Lumingon naman si Den. Nagulat sya siguro naaalala nya na kasama nya kami. Lols tho.
Den: "Oh hingal na hingal ka, Besh?"
Ella: "Ikaw kaya humabol sa isang tao na nakalimutan na may kasama pala sya?" Natawa naman ako sa sagot ni Ella kaya nabatukan kami pareho ni Den.
We got into our car. Infairness hindi umiiyak si Den. That's nice. Alam kong naiyak nya na lahat ng luha nya. I guess? Okay so umuwi na kami. Si Ella nagdrive kasi gamit namin kotse nya. Nasa backseat naman kami ni Den. Nakasandal siya sa right shoulder ko.
Nasa dorm na kami. Alam naman ni Ate Dzi kung ano ginawa namin kaya hindi nya na tinanong. Humiga si Den sa sofa agad pagpasok namin ng dorm. Nagmo-MoMa sila Bea, Maddie, Marge, at si Mich. I guess makikinood nalang si Den sakanila kasi nakahiga na sya dun.
Ella's POV
Kawawa naman si Besh Den, pero buti nalang hindi na sya umiyak nung kinausap nya si LA. Sumali ako sa MoMa nila Bea. Pinapanood namin yung The Hobbit: The Unexpected Journey.
Si Den naman tutok tutok sa panonood. Ako naman nakaupo sa may paahan nya. Ginagamit naman ni Den yung lap ni Bea as a pillow. Yung tatlo naman nasa floor.
Ate Dzi: "Girls! Darating daw si Amy tomorrow morning!" Natuwa naman ako sa announcement ni Kapitana. Miss ko na yung foreigner na yun eh. Hahah OP kasi ako kay Aly at Den.
--------------------------------------------------------------------------
A/N: Guys, ayan muna ah? Hahaha!
Twitter: @ShipNgAlyDen
BINABASA MO ANG
Ends With You
Fiksi PenggemarAlyssa had always loved Dennise more than her life; Dennise had always loved the former too. Everything seemed perfect. But what would happen when...