CHAPTER 21

1.9K 101 1
                                    

Chapter 21

          MATAPOS mabuhat ni Ken si Liam ay agad niyang tinahak ang kotse niya, binuksan ang pinto ng kotse at maingat niyang pina-upo ito.

Aalis na sana siya pero hindi niya nagawa dahil mahigpit na naka-yakap sa kaniyang leeg ang kamay nito. "Don't leave me. Inuman muna tayo." Anito na naka-pikit ang mga mata.

Saglit at ilang minuto lang muna siyang tumitig sa estudyante niya. "How could you be this so stupid."  At ng makita niyang nahimbing na ito sa pagkakatulog ay agad naman niyang tinanggal ang yakap nito sa kaniyang leeg.

Pumihit siya paka-bila at aalis na sana siya ng biglang may kumalabit sa likod niya. Saktong pagharap niya tsaka naman siya nito binanatan ng isang saksak ng patalim sa kanang bahagi ng dibdib niya.

He grunted in pain, but didn't mind it at all. Agad niyang kinuha ang kamay ng sumaksak sa kaniya at agad niya itong pinilipit. Malakas niya itong tinuhod sa tiyan dahilan para mapadaing iyon sa sobrang sakit.

Maya-maya pa ay sumugod na rin ang mga kasama nito. Ang kasama nitong apat na lalaki at ngayon ay nadagdagan pa. May mga hawak ang mga iyon ng patalim ngunit siya'y wala.

Hindi iyon naging problema sa kaniya para sumuko sa mga ito. Isang nadimonyong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi at agad niyang sinugod ang mga iyon.

Iwinasiwas ng isang lalaki ang kustilyo nito ngunit agad naman niyang naiwasan, tinadyakan niya ito at malakas na sinipa sa tiyan.

Akmang susugod naman ang isa upang saksakin siya ngunit agad naman niya itong naiwasan, sabay malakas na sinuntok sa mukha.

Marami pang sumugod at nag-tangkang dagdagan ang sugat sa kanan niyang dibdib, ngunit lahat ng nagtangka ay daing-daing ng mga ito ang natamong malalakas na sipa, tadyak at suntok na ibinigay niya.

Ng makita niyang walang malay ang mga kalalakihang naroon ay pumihit na siya patalikod at sumakay sa kaniyang sasakyan.

Napatitig siya sa dugong umaagos sa kaniyang damit na nagmumula sa sugat sa kanang dibdib niya. Ganun pa man ay wala siyang ginawa doon, hinayaan lang niya itong mag-dugo, at hindi nagawang alalahanin ang kaniyang sarili.

Ang tangi at unang-unang inaalala lang niya ay walang iba kundi ang estudyante niyang nakasakay dito sa loob ng kotse niya. Lasing at kung hindi pa niya ito nahanap baka nagawan narin ito ng masama ng mga lalaking iyon.

Bakit ba naman kasi ganito mag-isip ang binata? Bakit ganito pa ito ka ignorante?

Agad niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan, upang umalis na sa lugar na ito, baka mapatay pa niya ang mga kalalakihang balak gawan ng masama ang kaniyang estudyante.

Inilabas niya ang kaniyang telepono sa loob ng bulsa ng suot niya pang-ibaba. Agad niyang dinial ang numero ng telepono ng yaya ni Liam.

Matapos ang ilang minuto ay sinagot din iyon ng katulong. "Sir, did you find him? Did you find, Liam? Is he with you?" She asked panicking.

"Don't worry, manang Helen. Liam is right here with me now, and i just want you to know that i can't bring him home. Maybe i'll bring him home tomorrow." He said.

"Salamat naman sa Diyos, i'm rest assured that, Liam is there with you." She said with a sighed of relief.

He then ended the call. Get the phone back in his pocket and drive the car as fast as he could.

Ilang minuto lang ang kaniyang ginugol ay agad na niyang narating ang sarili niyang bahay. Ang bahay na pinagawa niya para sa kaniyang sarili.

Matapos niyang marating ang lugar ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Umikot siya sa kabila at binuksan ang pinto. Agad niyang binuhat palabas ang kaniyang estudyante pagkatapos ay kalong-kalong niyang dinala ito patungo sa loob.

A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon