CHAPTER 45

1.7K 90 4
                                    

Chapter 45

       NGAYON palang malaman ni Ken na nahuli na ang isa sa limang lalaking nagkasala sa kaniyang estudyante, ay nanginginig na agad ang laman niya. Kating-kati na siyang mapatay ang lalaking iyon.

Naputol ang kaniyang pag-iisip ng marinig niyang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Liam. Nag-tama ang mga mata nilang dalawa ngunit mabilis din naman itong nag-iwas.

Nag-tungo ito sa kinalalagyan nito kanina at itinuloy ang ipinipinta.

Lumapit siya doon. "Liam, come-on let's go out. Let's go for a swim. What do you think?"

Tumingin sa kaniya ang binata at tumango. Pumayag na ito sa gusto niya dahilan para kumurba ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Lumabas na silang dalawa ng binata sa kinalalagyan nilang silid. At diretso sila sa dalampasigan.

Tumatama ang malamyos na hangin sa mukha ni Liam, ang panatag ng dagat, sobrang gandang pagmasdan.

Ipinalibot pa niyang muli ang mga tingin sa buong paligid. It's indeed a good and amazing resort. Ang hindi lang niya maunawaan ay kung paanong wala man lang kahit isang taong nandito. It's empty and they are just the two of them.

"Ken," pukaw niya sa atensyon ng binata. "Bakit walang tao dito sa resort mo? Bakit dalawa lang tayo?" Tanong niya.

Humarap naman ito sa kaniya at seryosong ngumiti. "Because you're a special person to me. I just want you and me to be here, no one will be involved." Turan niya. "I just canceled all the reservation of the people who wants to enjoy this resort, dahil gusto kitang masolo, lalo na sa ganitong magandang senaryo."

Bahagya pa siyang napalunok sa sinabi nito. At tila hinaplos ang kaniyang puso sa sinabi nito. Nakakataba ng loob.

Hindi na lang siya umimik at tinanaw na lang niya ang hangganan ng dagat.

"Actually, two people will be added. Hindi ko alam kung bukas o ngayon tayo magkakaroon ng kasama." Anito.

Napatingin naman siya sa binata. "Who are they?"

"Someone close to you." He answered. "Wait for me here." Patakbong umalis ang binata pabalik sa hotel.

Siya naman ay matapos titigan ang papalayong bulto ng binata tsaka niyang muling ibinalik ang tingin sa dagat.

Ramdam niya ang sinag ng araw na dumadampi sa kaniyang balat. Medyo ramdam na rin niya ang init na dulot niyon.

Maya-maya ay napatingin na lang siya kasi naging malilom ang paligid. Nang lingonin niya, si Ken iyon, hawak ang payong pinapayungan siya.

"I don't want you to get burn by that sunlight." Sabi nito.

Napangiti na lang siya at nahihiyang nagbaba ng tingin. Muli siyang bumalik ng pagkakatanaw sa dagat.

"Do you have any place here for us to shelter?" He asked.

"Yes. We have, this way my prince." Talagang inilahad pa nito ang kamay sa daan.

Natatawa na lang tuloy siya. Simula ng maging kasama niya ito ay talagang walang sawa siya nitong pinagsisilbihan. He's more like, a prince to him. A royal highness.

Narating nila ang isang kubo, maliit ngunit maganda. May dalawang upuan na magkaharapan sa isa't isa. Mayroon ding maliit na lamesa.

This place is adorable.

Mabilis siyang umupo sa bangko at pinihit iyon paharap sa dagat. Dinama niya ang hampas ng hangin sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan niya ang magandang tanawin.

A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon