Chapter 40
HINDI pa dapat ngayon ang labas ni Liam sa ospital ngunit pinakiusapan niya si Ken na ilabas na siya. Hindi naman kasi niya gustona narito siya, tsaka maayos na rin naman ang sarili niya, wala na rin naman siyang nararamdaman bukod sa sakit at takot na naka-tatak ngayon dito sa kaniyang puso.
"Thank you, Ken." Pagpasalamat niya dito ng makalabas sila ng ospital.
"You're welcome, Liam." Anito.
He forced himself to smile.
Nakarating silang dalawa sa sasakyan ng binata. Agad siyang sumakay sa passenger seat at isinandal ang ulo niya doon at ipinikit ang mga mata.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng driver seat, pumasok doon si Ken matapos ay sinarado.
"Liam?" Tawag nito sa kaniya at kumapit pa ito sa braso niya. "Are you okay?" He asked.
"I'm okay, just drive the car." He said in flat tone.
Naimulat niya ang mga mata ng hindi niya naramdaman na pinaandar ng binata ang sasakyan. Nagulat na lang siya ng bumungad sa kaniya ang mukha ng binatang seryosong naka-tingin sa kaniya.
"You should buckle up your seatbelt." Sabi nito dahilan para ang mabango at mainit nitong hininga ay tumama sa kaniyang mukha. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga na minsan na niyang kinaadikan. Agad niyang naiwas ang tingin niya sa binata, at napalunok.
Kung dati na kaya niyang sabayan ang titig nito, bakit ngayon ay tila nakakaramdam na siya ng pagka-ilang?
Matapos nitong maayos ang pagkakakabit ng seatbelt niya ay umayos na ito at narinig niya ang tunog ng makina, hanggang sa maramdaman niyang umuusad na sila.
Tinanaw niya ang kaniyang tingin sa binatana ng sasakyan. Malalim ang iniisip, hindi niya mapigilan ang isang butil ng luha na pumatak sa kaniyang pisngi. Agad niya itong pinunasan.
"It's hurt! Truth hurts." Kinapa niya ang dibdib niyang bahagyang hindi maka-hinga ng maayos. Bahagya na rin ang pananakit niyon.
Huminga siya ng malalim at inayos ang kaniyang sarili. Iwinaksi muna niya sa isip ang masasakit na alaala ng kahapon na hindi niya alam kung kelan niya malilimutan. Kung kaya pa nga ba niyang kalimutan..na minsan siya'y pinag-laruan. Tinuring na isang hayop, binaboy.
He's now disgusted to himself. It feels like he's so dirty.
Pinunasan niyang muli ang luha sa mga mata. Napabaling siya kay Ken ng makita niyang inihinto nito ang sasakyan.
"Let's go. Let's eat some sweet." Nakangiting pag-aya nito sa kaniya, ngunit kung titingnan ay makikita ang awa nito para sa kaniya sa mga mata.
He don't need someone pity! He don't needs Ken pity!
"Just drive the car, Ken. I don't want to eat anything. Let's just go." He said in a flat tone. Binaling niyang muli ang tingin sa bintana ng sasakyan...
Ken was hurt directly inside his chest. He felt like, Liam was changed. He changed so sudden.
Wala siyang nagawa kundi muling patakbuhin ang kaniyang sasakyan. Mahigpit ang bawat paghawak niya sa manubela.
Parang kahapon lang masaya pa silang dalawa, nakikita pa niya 'yung matatamis na ngiti nito. Nakikita pa niya 'yung ligaya at saya sa mga mata nito, pero ngayon sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Ang sakit lang isipin na 'yung taong sobrang saya, sobrang sarap kasama, at sobrang nakapagbibigay ng ngiti sa kaniya, ay magbabago ng bigla-bigla. Dahil sa nakaraan na iyon! Hindi niya lubos maisip na sa kabila ng inosente at masayahing mukha ni, Liam ay may naka-tago palang sakit at pighati sa loob nito.

BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin
RomanceWarning: Mature Content; Spg|R-18(BxB) Ken Josh Martin, one of the most richest person in the whole world. He is the most successful business man of all time-a billionaire indeed. But he hate going to his company. He'll just go if something happened...