Chapter 56
MATAPOS maiparada ni Ken ang kaniyang sasakyan ay mabilis siyang lumabas at nag-tungo sa loob. Pagbukas palang niya ng pinto ay bumungad na sa kaniya si Liam. Madilim ang bakas ng mukha nito at mababasa ang inis at selos doon.
Hindi ito nagsalita. Sahalip ay tinitigan lang siya at pinaikot nito ang mga mata pagkatapos ay nagmamartsang umalis.
That brings him smile on his face. Nagtatampo ang aking munting prinsipe. Ani ng kaniyang isip.
Mabilis niyang sinundan ang nobyo niya hanggang sa pumasok ito sa kwarto.
Mabilis itong humiga sa kama at nag-tabon ng kumot sa buong katawan hanggang mukha. Napangisi na lang siya dahil doon. Mukhang malaki talaga ang tampo ng aking mahal.
Sumampa siya sa kama at doon ay humiga patabi sa binata, ngunit tinutulak siya nito. "Go away, Ken." Malamig nitong tugon.
Hindi niya hinayaang matulak siya ng nobyo niya. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "What's wrong, my prince? Why do look upset?" He said.
"Go away, Ken. I don't want to see you."
Tinanggal niya ang kumot sa katawan ng nobyo niya at mabilis niya itong kinubabawan. Hinuli pa niya ang kamay nito upang hindi na makapag-pumiglas.
"What's wrong tell me?" He said seriously.
"I'm mad at you, Ken." Anito na hindi man lang siya binabalingan ng tingin.
"Why are you mad?"
Hindi ito umimik, nanatiling tahimik lang ito at mahaba ang naging pagkaka-nguso. Hindi rin nito magawang makatingin sa kaniya.
"Gusto ng lambing ng prinsipe ko." Aniya na may panunudyo habang malawak ang pagkakangiti.
Nanatiling nakabaling lang ito sa kanang direksyon habang madilim parin ang bakas ng mukha.
"Heto na prinsipe ko." Dumukwang siya at kiniliti niya ang leeg nito gamit ang kaniyang mga labi.
"S-Stop that." Tumatawang anito habang may pagpupumiglas.
"Hindi na 'yan galit." Aniya at sinundan ng kaniyang ginawang pagkiliti dito.
Hinalikan niya ang leeg ng kaniyang prinsipe habang naka-kubabaw siya dito. Kung saan ito babaling ay doon naman niya ito kikilitiin gamit ang kaniyang mga labi.
"Galit kapa ba?" Tanong niya habang pinapagpatuloy ang pagkiliti dito.
"Okay, okay, okay. I'm not mad. Please stop." Nakikiliting anito.
Agad naman siyang tumigil ngunit naka-kubabaw parin siya dito. Nakita niyang naka-nguso parin ito at halatang may pagtatampo parin ito.
"Nagtatampo kapa—"
"I'm not." Anito at sinalubong na nito ang titig sa kaniya.
"So why are you mad, earlier?" He asked.
"Dahil napakatagal mong umuwi. Tsaka hindi mo man lang sinabi sa'kin kung saan ka pupunta. Alam mo bang nag-aalala ako sa'yo." Naka pout na sabi nito.
Naging malawak naman ang pagkaka-ngiti niya at sinapo niya ang magkabilang pisngi ng nobyo niya. "Di'ba sabi ko naman sa'yo na saan man ako mapunta hinding-hindi ako gagawa ng ikagagalit mo? Na hinding-hindi ako titingin sa kahit sinong babae man o lalaki? At di'ba sinabi ko sa'yong ikaw lang ang mahal ko hanggang dulo? Bakit nagagalit ka parin?" Seryoso niyang sabi. "Don't you trust your king?" He continued...
Seryoso ang bawat titig na binibitawan ni Liam sa nobyo niya. Bigla tuloy siyang napatanong sa kaniyang sarili. Why don't i trust him?
Pinagkakatiwalaan naman niya ito, gusto lang talaga niya malaman kung saan ito nag-punta. Tch!
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin
RomanceWarning: Mature Content; Spg|R-18(BxB) Ken Josh Martin, one of the most richest person in the whole world. He is the most successful business man of all time-a billionaire indeed. But he hate going to his company. He'll just go if something happened...