CHAPTER 32

1.7K 92 5
                                    

Chapter 32

KINA-UMAGAHAN nagising si Liam. Naipikit-mulat pa niya ang mga mata at bahagyang kinusot-kusot pa niya iyon. Humikab pa siya hanggang sa tuluyan na niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

Ang unang pumasok agad sa kaniyang isip ay ang tuta niya. Ang cute na cute niyang tuta.

Napabalikwas siya ng bangon ng hindi niya makita ang kaniyang alaga. Nas'an ang alaga niya? Nas'an ang tuta niya?

Agad siyang bumaba ng kama at hinanap sa ilalim ng kama ang kaniyang alaga, ngunit wala ito doon. Bumaling ang kaniyang atensyon sa ibang direksyon niya ng marinig niya ang mumunting tahol ng kaniyang alaga.

Laking gulat niya ng makita niya ang isang magarang maliit na bahay ng tuta niya. Cute na cute itong naka-higa sa ibabang palapag.

Masaya at malawak ang mga ngiti sa kaniyang mga labi na nilapitan iyon. "Hey Nadrei." Pag-tawag niya sa pangalan ng kaniyang alagang tuta.

Napag-isip-isip na niyang pangalanang Nadrie ang tuta dahil ibinigay ito sa kaniya ng dalawa niyang kaibigan. Nate and Drie, Nadrie.

Kukunin palang sana niya ang kaniyang alaga ng may mapansin siya sa pangalawang palapag. "Meow." Mahinang tunog niyon.

Bumungad sa kaniya ang isang maliit at sobrang cute na pusa, kulay asul ang mga mata nito, na nagniningning sa sobrang ganda.

Sa sobrang tuwa at labis na kaligayahan ay agad niya itong kinuha at nanggigigil na hinimas niya ang balahibo nito. "So cute, you're so cute..." Paulit-ulit niyang banggit sa pusang iyon habang hinihimas niya ang balahibo nito.

At mumunting pag-ingaw lang nito ang kaniyang napakinggan. "Ahhh...so adorable."

Agad siyang patakbong pumunta sa kwarto dala-dala ang pusang nakita niya. Ang pusang hindi niya alam kung bakit naroon. Nagtataka rin siya kung paano nagkaroon ng maliit na bahay ng alaga niya, na may dalawang palapag. Sa taas ang pusa, sa baba naman ang tuta niya...

Nagising si Ken sa malakas na pag-alog ng kaniyang estudyante si Liam habang ang matinis nitong boses ay maririnig at pumapailanlang sa buong silid.

"Sir Ken, sir Ken."

Naimulat niya ang inaantok niyang mga mata. Pa'no nga ba naman hindi siya aantukin ay halos madaling araw na siyang naka-tulog. Sa pag-handa ng surpresa niya sa kaniyang estudyante. At mukhang nakita na nito ang kaniyang surpresa.

"Sir. Ken, i found a cat. Some miracle happened, bigla-bigla na lang may bahay ng alaga ko tapos bahay ng pusa na 'to. Ang cute niya di'ba? Ang cute ng pusa. Saan 'to galing?" Masaya ang bakas ng mukha nito habang nagtatanong sa kaniya.

Gusto niyang batukan ang kaniyang estudyante sa pagiging mangmang nito, pa'no magkakaroon ng milagro? At talagang bahay ng alaga pa nito at pusa ang magiging milagro? Hindi man lang nito naisip na siya ang may gawa niyon. Na kaniyang surpresa iyon. Tch!

Ginulo niya ang buhok ng kaniyang estudyante. "Nothing's miracle happened, Liam. It's from me, it's all my surprise to you." He said while smiling at him.

Naging mas lalong malawak ang pagkaka-ngiti ng kaniyang estudyante habang hindi napaparam ang pagningning ng mga mata.

"You...mean you did all that?" He asked. "And you're giving this cat to me?"

Tumango-tango naman siya bilang sagot. "It's my first birthday gift, for your upcoming birthday." He answered.

Agad naman itong lumapit sa kaniya ay binitiwan ang pusa, ibinaba sa kama bago siya mahigpit na niyakap.

Nagulat naman siya ng bahagya ngunit kalaunan ay niyakap din niya ito ng mahigpit habang hinihimas ang likod nito. Ramdam na ramdam niya ang saya sa binata. At kapag masaya ito, masaya na rin siya.

A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon