Chapter 59
ILANG BOTE NG alak ang naubos ni Liam ngunit patuloy lang siya sa paglaklak ng alak. Kasama niya ngayon sa paglalasing ang kaniyang nobyo. Narito sila ngayon sa salas ng bahay nito matapos niyang makabalik.
"What happen?" Ken ask. "Kanina ka pa hindi nagsasalita." Anito.
Kanina pa siya nito tinatanong ngunit kanina parin siya tahimik matapos niyang yayain itong mag-inom.
Sinalinan niya ng alak ang baso niya pagkatapos ay mabilis niya itong nilagok. "I'm not Liam." Pabungad niyang turan sa nobyo niya na ikina-kunot naman ng noo nito.
Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "I'm not Liam, Ken. I'm not what i am."
Simula ng malaman niya lahat ng nangyare tungkol sa pagkatao niya ay ngayon malinaw na sa kaniya ang lahat. Bumalik na rin ang mga tunay niyang alaala. Napangiti siya ng mapait sa isiping nabubuhay lang pala siya sa kasinungalingan. Na ang memoryang nasa isip niya ay hiram lang pala niya. God! I'm just living in a lie! I just lied to myself! I just borrowed my older brothers memories.
***
NAKA-UPO si Liam sa sofa katabi ang kaniyang kapatid na si Lyzander, habang kaharap naman niya ang mga magulang.
"It's time for you to know the truth." Wika ng kaniyang ama.
Naka-upo lang siya habang gulong-gulo ang isip sa mga pinagsasabi ng kaniyang pamilya na kailangan niya ng kalinawan.
"Anong totoo, dad? Please do tell me." Aniya.
"Bata ka pa ng mangyare ang pag-kidnapped kay Liam, sa kuya mo." Panimula nito na ang tinutukoy na Liam ay walang iba kundi ang kapatid niyang katabi niya ngayon. "Na kidnapped ang kuya mo, hindi namin magawang ibigay ang mga hinihiling ng mga kidnappers na malaking perang halaga kapalit ng kapatid mo. Hanggang sa lumipas ang mga araw na hindi parin na'ten nakakapiling ang kuya mo ay nagiging matamlay ka dahil sa mga nalaman mo. Naging abala kami kung paano namin makukuha sa kamay ng mga kidnappers ang kapatid mo sa puntong hindi kana namin nabigyan ng pansin. Hanggang sa huli ay nakuha na namin ang kapatid. Puno ng galos at pasa ang makikita sa katawan nito. Nanginginig sa takot ang kuya mo ng maiuwi sa bahay ng mga pulis."
"Galit na galit kami ng mga oras na iyon, galit na galit kami pero wala kaming nagawa. Ikaw ang nag-alaga sa kapatid mo, ikaw ang laging kasama niya sa tuwing nalulungkot siya, natatakot at umiiyak. Hanggang sa isang araw gumising kang tulala. Walang kahit isang salitang sinasabi." Wika ng kaniyang ama sa kaniya. "Nag-umpisa na rin na manginig ka sa takot, umiiyak, at isang salita lang ang sinasalita mo. Sabi mo, na-raped ka."
"Lumipas pa ang mga araw mas lalong tumitindi ang takot na nararamdaman mo. Hanggang sa puntong akuin mo na ang pagiging Liam. Hanggang sa puntong lahat ng alaala ng kapatid mo ay naaalala mo na rin. Masakit para sa amin ng mommy mo na makita kang nagkakaganiyan. Na makita kayong magkapatid na nabubuhay sa takot at pangamba. Masakit para sa aming mga magulang na sa isang maling disesyon namin na huwag ibigay ang hinihingi nila ay kayong dalawa pala ang mag-dudusa sa huli. It's so hard for us to take care the both of you, feeling the pain, scared and hatred inside you. We've tried everything, hanggang sa puntong ipadala namin si Liam sa Paris, upang doon manirahan."
"After that, dinala ka namin sa ospital at pinagamot, bumuti ang lagay mo. Ngayong bumalik na namang muli ang gawa-gawa mong alaala, ipinapaalam namin sa'yo, na hindi sa'yong alaala kung anoman ang nasa isip mo. You're not, Liam, you're Lyzander my younger son."
Unti-unti ay pumapasok sa kaniyang alaala lahat-lahat ng mga nangyare. Ang malabo ay ngayon ay unti-unting luminaw. Naalala na rin niya ang tunay na siya. Ang pagkabata niya bilang isang Lyzander.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin
RomanceWarning: Mature Content; Spg|R-18(BxB) Ken Josh Martin, one of the most richest person in the whole world. He is the most successful business man of all time-a billionaire indeed. But he hate going to his company. He'll just go if something happened...