SPECIAL CHAPTER: PROPOSAL

1.8K 83 4
                                    

Special chapter

           HINDI MAGAWA ni Ken ang kaniyang binabalak na surpresa para sa kaniyang mahal na prinsipe. Pa'no ba naman, sa tuwing mawawala lang siya sa harapan nito ay talagang mag-wawala na ito. Kung ano-ano na ang iisipin. Mawala lang siya ng saglit, baka nag-alburoto na ito sa galit.

Kaya heto siya ngayon, niyayang lumabas ang binata. Go for shopping, eating outside, anything they'll be fun with. Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan, habang ang kaniyang nobyo ay narito sa tabi niyang upuan. Sa passenger seat.

Inilabas niya ang telepono at dinial ang numero ng paborito at sikat niyang designer. Pulido at mabilis din itong mag-trabaho, ito na lang ang naiisipan niyang paraan upang matupad ang gusto niyang surpresa para sa prinsipe...

Kunot ang noo ni Lyzander, habang nakatingin lang siya sa binata, sa nobyo niya. Kanina pa kasi ito may kausap, na hindi naman niya alam kung sino.

Naiinis siya sa paghihinalang nararamdaman niya para dito. Parang gusto niyang hablutin ang telepono nito at tingnan kung sinong tumatawag. Hindi kasi talaga niya maiwasang hindi mag-selos sa lahat ng mga nakaka-usap at lumalapit dito.

Medyo naging seloso siya simula ng tumagal ang kanilang relasyon, hindi niya alam kung bakit ganun na lang siya sa mga makakasalamuha ng binata. Gusto niya agad itong gwardyahan upang wala ng lumapit, dahil una sa lahat, kaniyang pagmamay-ari ito. Ito ang hari ng buhay niya.

"Okay, just do it and make it quick." Rinig niyang huling sinabi ng nobyo niya bago nito pinatay ang tawag.

Bumaling naman ito sa kaniya kaya awtomatiko niyang naiwas ang tingin habang inirap pa sa hangin ang mata.

"What?" Tanong nito.

"Anong, ano?" Balik tanong niya na may halong sarkasmo.

"You look mad."

"Sinong hindi magagalit, inaya mo'kong lumabas tapos makikipag-usap kalang pala sa telepono," inis na aniya, "ni hindi ko nga alam kung sino 'yung kausap mo."  mahinang pabulong niyang dugsong ngunit sapat na para marinig ng nobyo.

"Are you being jealous again?" Ani Ken na may halong panunudyo pa ang boses, sumilay din ang mapag-larong ngiti sa mga labi nito.

Heto ang mas lalong nagustuhan niya sa nobyo, kahit wala namang ka-kwenta-kwenta ang pinagseselosan niya, ay hindi ito nagagalit. Pilit siya nitong iniintindi sa lahat ng bagay. That's why he like him—no, that's why he love him..

"I'm not jealous." Aniya na batid naman nitong nagsisinungaling lang siya. Kitang-kita kaya sa bawat kilos at akto niyang nagseselos siya, pero pilit lang niyang tinatanggi.

"You're jealous, Lyzander, my prince." Nakangiting panunudyo pa nito.

"I told you i'm not!" Nagtaas pa siya ng boses at bumaling sa salamin ng pinto ng kotse. "Don't talk to me." Inis na aniya.

Hindi niya ito pinansin kahit kinakausap siya nito. Hindi niya rin binalingan kahit kinukublit siya.

Simple lang naman kasi ang gusto niyang mangyare, ang sabihin nito kung sino ang kausap kanina. Para hindi na siya mag-selos. No, hindi siya nag-seselos. Walang, Lyzander na nagseselos!

Napansin naman niyang tumigil na ang sasakyan. Hindi siya kumibo. Nanatili siyang walang imik.

"My prince," anito na kinulbit pa siya.

"Don't talk to me." Naging pakipot nga ba ang boses niya? Well he don't care..

Napapitlag pa siya ng bahagya ng maramdaman niya ang labi ng binata sa braso niya. Pinapagapang nito pataas.

A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon