CHAPTER 25

2K 97 2
                                    

Chapter 25

             MATAPOS NGA ng magkasunod na pag-liligo ni Ken at ng kaniyang estudyante ay narito na sila ngayon sa loob ng kaniyang sasakyan habang kaniyang iminamaneho.

"Sir," pagtawag ng kaniyang estudyante, "saan nga tayo pupunta?" Tanong nito na naka-hawak pa sa laylayan ng damit niya.

Kanina pa siya nito kinukulit. Talagang parang bata na naka-hawak pa ito sa laylayan ng kaniyang damit.

"Secret, just chill." He said.

Lalong naging mahaba naman ang pagkaka-nguso ng mga labi ng binata. Kitang-kita pa niya kung paano ito mag-maktol.

Napapangiti na lang siya sa reaksyon ng binata. He was so adorable the first time he saw him and until now.

Agad niyang ginulo ang buhok ng kaniyang estudyante. "You're so adorable, stupid."

Tinanggal naman nito ang kamay niya sa ulo nito at umaktong mas lalong cute sa kaniya. Hindi tuloy niya mapigilan ang mga ngiting sumisilay sa kaniyang mga labi.

Imaneho na lang niya ang sasakyan at binilisan, upang maaga silang makarating sa kanilang patutunguhan. Upang ang isip-batang ito ay hindi na mag-maktol.

Matapos nilang makarating sa restaurant ng kaniyang kaibigang si Gord, ay agad silang bumaba matapos maiparada ang sasakyan.

Nag-simula na siyang mag-lakad. Napatingin na lang siya sa kaniyang estudyante ng humawak ito sa kaniyang laylayan ng damit habang sinusundan siyang mag-lakad.

Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.

Napa-angat na lang ni Liam ang kaniyang mga mata ng maramdaman niya ang kamay ng kaniyang guro na ipinagsalikop ang mga kamay nilang dalawa. Napatigil pa siya sa paglalakad maging ito'y tumigil din.

"Why are you holding my hand, sir?" He asked.

"Para hindi ka mawala." Sagot naman nito habang may panunudyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

He just pouted.

Habang nag-lalakad sila na kasama ang guro niya. Habang hawak nito ang kaniyang kamay ay pakiramdam niya ay ligtas siya sa binata. Pakiramdam niya ay panatag ang lahat at walang sinoman ang maaring makapanakit sa kaniya.

Tumigil sila ng may makasalubong silang isang matangkad, at gwapong binata.

"Hey bud." Pagkuha nito sa atensyon ng kaniyang guro bago ito bumaling sa kaniya. "Hey."

Ubod tamis naman siyang ngumiti. "Hey, i'm Liam." Pagpapakilala niya at inilahad pa dito ang kaniyang kabilang kamay.

Tatanggapin na sana ng binata ang kaniyang pakikipag-kamay ngunit tumikhim lang si Ken ay naudlot na iyon.

Tanging ngiti na lang ang ginawa ng binata. Bumaba ang mga tingin nito sa mag-kahawak nilang kamay. Inosente naman siya at walang alam, hindi pinapansin ang tinitingnan nito.

"I see. I see, Ken." Sabi pa nito habang napa-tango-tango pa.

"Cut the crap. We want to eat, cook for us." Ken said demanding.

"I'm sorry, bud. I can't do that. I have something important to attend to. Mr. Jonaz wants me in his house to cook for them." He explained. "What if you go with me?"

Umakto namang nag-iisip ang professor niya at sa huli ay pumayag din iyon.

Tinanggal niya ang pagkaka-hawak ng kamay ni Ken sa kaniya at doon naman siya pumunta patabi sa kaibigan nito.

"Nagluluto ka?" Tanong niya kapag-kuwan.

"Yes." Tipid naman nitong sagot habang naka-ngiti sa kaniya.

A Gangster's Lover: Series Book 6; Ken Josh Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon