CHAPTER 4

7K 137 0
                                    


Jane POV

Haysst

Kaagad akong nagpakawala ng malalim na hinga ng umalis na si Zhion at Verus, buti hindi nila napansin si baby.

Lumapit na si Yohan kay sir David, kaagad naman siyang napansin nito, ngumiti pa ito bago siya kinarga,

juskoo.

Napasandal ako sa paa ng mesa, pinagpapawisan na ako dahil sa namuong kaba kanina, pati yata ang puso ko at daloy ng dugo ko huminto kanina.

Dahan-dahan na akong tumayo at nagtungo sa gawi nila, nanginginig pa nga ang mga paa ko.

"ohh Jane bat pinagpapawisan ka?"takang tanong ni sir David at hinawakan pa ang noo ko, kaagad ko namang kinuha ang panyo ko at pinahid ang sarili.

"ah wala po sir, mainit kasi dito"

"huh? Eh may aircone naman" ayy oo nga pala, tsk bvbvng palusot yun Jane.

"I-I mean sa labas ho, galing ho kasi ako sa labas" saad ko at mukhang naniwala naman siya.

"lowlow David" saad ni Yohan kay sir David at tinusok ang pisnge ni sir gamit ang maliit na daliri niya.

"ohh baby, bat mo ginawa yun?"gulat na saad ko pero tumawa lang si sir, lolo ang tawag ni Yohan sakanya, at gaya nga ng iba nawiwili rin sir David kay Yohan.

"HAHAHHA ang cute cute mo talaga baby Yohan" nangigigil na saad nito at pinisil ang pisnge niya, siya nga pala si sir David Kaversia, ang head at CEO dito sa companya, 89 years old na ito at malakas parin, vegetarian kasi, naninirahan rin siya sa ibang bansa madalang umuwi dito sa pilipinas,

Dahan dahan na niyang ipinasa sakin si baby.

"buti naman at isinama mo si baby Yohan ngayon, namiss ko tong batang to" saad niya at piningot ng mahina ang ilong niya.

"missyowtow lolo" sagot ni Yohan, at tumingin naman si sir sakin.

"bukas isama mo ulit siya ah, magkakaroon tayo ng konting salo-salo dito" saad niya,

"sama athoo, mama"

Tiningnan ko pa si Yohan at parang nagmamakaawa, napangiti naman ako at tumango.

"opo sir, isasama ko po siya" sagot ko at ngumiti naman ito,

"mabuti kong ganon, oh siya sige alis na ako ah, " saad nito at tinapik pa ang braso ko.

"bye baby" paalam niya at hinalikan rin ang noo nito, saka umalis. Hinawakan naman ni Yohan ang magkabilang pisnge ko.

"sama atho mama bukas ah" masayang saad niya, tumango naman ako.

"oo baby, Basta't----wag kang magpapasaway ah" dagdag ko at nagthumbs up naman siya, HEHE hangcutee!

Akmang aalis na kami ng may magsalita nanaman sa likuran ko,

psshhh

"HIDING THE CEO SON"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon