Jane POV
"Hi Jane, hinahana ka pa kanina ni sir Zhion, may conference diba? " sabi ng babaeng kasamahan ko. Tumango naman ako
"oo"
Nga pala, kasama ko si Yohan wala kasing magbabantay, isinama ko lang siya dito sa kompanya pero diko siya pwedeng isama sa magaganap na conference kayat kailangan ko muna siyang iwan sa kasamahan ko.
"uhm Joana, pwede ko bang iwan sayo si Yohan? " tanong ko sakanya, dahilan para mapalingon muli siya.
"naku Jane sayang kasama ako sa research team e, nandoon na nga sila Ced, pinabalik lang ako para kunin ang ilang papeless" nanhihinayang na sagot niya, oo nga pala ngayon ang operasyon nila sa bagomg pagtatayuan ng building.
Ngumiti naman ako atsaka tumango.
"sige, okay lang"
"kung wala talaga kaming aasikasuhin, haysst gustong gusto ko talagang bantayan si Yohan.. huhu ang cute cute mo talaga, sayang naman" gigil na sabi niya saka pinisil ang pisnge ng anak ko,
"hihi" ngiti naman ni Yohan
"haystt kung kailan naman mababantayan ko si Yohan saka naman ako busy, kainis naman! "
"okay lang Joana, sige, ingat ka ah, at pagbutihin niyo" sabi ko, ngumiti naman ito saka na umalis. Napabuntong hininga na ako saka tumingin sa anak ko na ngayo'y nakatingin rin saakin.
kanino ko ba to muna iiiwan?
Nagpunta na ako sa kabilang opisina kaso lahat sila may ginagawa at busy. Ang ilan ay panay type sa computer nipa,ang ilan nama'y nagchecheck ng mga papel, may nagpriprint at iba iba pa. Halos lahat nagtratrabaho, kanino ko nalang iiwan ang anak ko?
Kaso may isang tao na nakatayo at walang ginagawa, napalunok ako, diko pwedeng iwan sakanya ang anak ko, pero siya nalang kasi ang mukhang himdi busy. Lumunok ako muli ng kaylalim, kakapalan ko nalang talaga ang mukha ko. Hinawakan ko na ang kamay ni Yohan saka dahang dahang naglakad patungo sa gawi niya.
"ayusin niyo ang trabaho niyo ah! back-to-zero agad ang pagprint kung may maling isang letra" nakakagimbal na tinig niya, naku naman, katrabaho nga namin natatakot sakanya pano pa kaya si Yohan.
"m-ma'am Ve--Verus" nauutal na tawag ko sa pangalan niya, lumingon naman siya saakin,nakataas pa nito ang isa niyang kilay at ibinaba rin niya hanggang sa may ilong niya ang suot niyang eyeglasses saka bumaling kay Yohan.
"may conference kayo ngayon, at kasama mo ang anak mo? " di mawaring saad niya saka tumingin saakin habang nakapemeywang. Napakamot nalang ako sa batok ko saka napakagat labi.
"uhm....m--may..r-reques--"
"may bulate kaba sa pwet? bat ang likot likot mo? " naiiritang sabi niya, juskoo naman, haystt mukhang malabo yata siyang pumayag.
Pumikit na ako ng mariin saka kinalma ang sarili, mabilis lang to at ilang minuto mo lang iiwan si Yohan sakanya.
"ma'am pwede po bang humingi ng pabor? " deretsong sabi ko dahilan para kumunot ang noo niya. Hinawakan ko pa ang kamay niya saka ako lumuhod.
"ma'am pwede po bang ikaw ang magbantay sa anak ko habang naka attend ako sa conference, wala ka naman pong ginagawa e hihi"
"Ano?!! anong walang ginagawa at nakatunga nga ha?! atsaka kahit na wala akong ginagawa asa ka naman na papayag ako" sagot naman nito, pinagtinginan tuloy kami ng nga katrabaho ko, peke ko naman silang nginitian at senenyasan na ituloy nalang ang trabaho nila. Umayos na ako ng tayo saka nagmakaawa ulit sa dragonang si ma'am Verus.
BINABASA MO ANG
"HIDING THE CEO SON"
RandomWhat if magkita ulit kayo ng ex-husband mo? What if makita niya ang anak niyong matagal mo ng tinatago? What if magkatagpo ulit ang landas niyo? Presenting! Pinagtagpo.. Tinadhana.. Pinaghiwalay.. Pero pinagtagpo muli. The love story of Jane Athena...