CHAPTER 24

4K 82 0
                                    

Jane POV

"that's all for today, good day" sabi ng spokeperson kayat nagsitayo na kaming lahat.  Tiningnan ko ang laptop at notes ko,  nakopya ko na naman ang lahat ng mga importanteng bagay.

"sir ito na po lahat--" naputol ang sasabihin ko ng makitang nasa isang tabi pala si Zhion habang may kausap na isang babae, sa tabi nito ay ang mag asawang Haver,  ang may ari ng Suzz Company. Nakatalikod ang babae kayat diko nakita ang mukha,  pinagmasdan ko naman ito mula ulo hanggang paa, likod palang maganda na. Makinis,  maputi, matangkad, seksi ito,  at makikita mo rin ang alagang alagang buhok niya,  napahawak tuloy ako sa buhok ko,  pshh ang daming split ends.

Sino naman kaya ang babaeng to?

di naman sa nakiki isyoso at nakikialam pero sino ba siya at magka ano ano kaya sila ni Zhion? 

Tsaka hindi rin ako nagseselos noh,  pakialam ko naman diba, pero bat nakakairita naman yata ang rinig kong mahinang tawa nito habang kausap si Zhion--I mean SIR Zhion.

Iba ang pakiramdam ko dito ah,  may kakaibang instinct ako sa pangyayaring ito.

Napatingin naman ako kay Zhion pero kaagad na namilog ang mga mata kot kaagad ng napakuyo ng makitang nakatingin siya saakin, dahan dahan na akong naglakad patungo sa kanila para sana magpaalam kaso biglang nagsalita ang isang panauhin kayat di na muna ako sumabat pa.

"Nagagalak ka naming makilala Zhion,  totoo nga ang sabi nila,  isang gwapong ginoo ka nga" sabi ng may katandaang lalaki,  sumunod rin sa pagsasalita ang ginang na katabi niya.

"oo nga, hindi ako nagsisising ikaw nga ang napili namin"

napili? para saan?

aishh bat ba ako nakikialam

Di ako makaalis at nanatili lang akong nakayuko,  dapat pala di na ako lumapit pa at deretso nalang lumabas. Maya maya pa'y tumahimik sila at ng iangat ko ang tingin ko ay lahat sila nakatingin saakin,  nakita ko na rin ang mukha ng babae, isa lang ang masasabi ko

napakaganda!!

"and who's this young woman here? "

magsasalita na sana ako ng unahan akong sumagot ng walang emosyong si Zhion,  what's with him?

"She's Jane, my--"

putol na sabi niya at tumitig ng kakaiba saakin, bat niya naman pinutol?  maski ako'y napahinto,  sheksz ano tong nararamdaman ko?!  bat ganito? 

"your?"

naputol na ang titigan namin at tumingin na sa tatlo na ngayon ay naghihintay ng kasagutan.

"uhm--m-my secretary,  yeah my secretary" sabi nito at sumulyap saakin,  ngumiti naman silang  tatlo, samantalang diko mawari'y kung anong nararamdaman ko ngayon matapos ipakilala niya akong secretary, bat parang may kirot akong naramdaman sa puso ko,  I mean totoo naman na secretary ako diko lang maintindihan bat ganito ang nararamdaman ko.

"iha?" tawag pansin ng ginang,  kaagad na naman akong napatingin sakanila na nagtakaka, natulala tuloy ako sa harapan nila, ngumiti nalang ako ng pilit para hindi maging maging akward.

"Hi I'm Fernando Haver" pagpakilala ng ginoo saka nakipaglamano saakin,

"I'm Wilma Haver" sabi naman ng ginang at nakipaglamano saakin puro ngiti lang naisasagot ko.

Actually kilala ko na sila,  sila ang may ari ng Suzz Company e. Maliban nalang sa isang babae, diko siya nakita kanina at mukhang kakarating niya lang dito.

"HIDING THE CEO SON"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon