Jane POV
Katapos ng una naming approachment sa isat isa ni ZHION! wala ng nangyari. Nilagpasan niya lang ako at sinabing asikasuhin ko daw ang mga sched meeting niya, kaya heto ako ngayon tutuk na tutuk sa laptop ko. Nakaraos din ako sa una naming pagkikita pero simula palang to.
Biglang tumunog ang telepono sa opisina kayat kaagad ko na itong kinuha at sinagot.
"hello, this is Jane Montel the new secretary of Mr. Zhion Villansion, of Klaversia Company" panimula ko, maya isang tinig naman ng matanda ang sumagot sa kabila.
("oh! hello. This is Glenda, the founder of Suzz Company, kindly tell Mr. Villansion to meet my representative at the near cafe")
"okay po ma'am, what time?"
("Ngayon na. Its an urgent matter")
"I will tell Mr. Zhion right away. Thankyou po ma'am"
("okay thankyou")
*CALL ENDED*
Pagkatapos naming mag usap ng ginang ay kaagad ko ng inihanda ang notebook at ballpen ko, hihintayin ko nalang si Zhion-I mean sir Zhion. Tiningnan ko na ulit ang laptop ko kung saan nakalagay lahat ng mga schedules sa ibat ibang group companies, pero napakunot ang noo ko ng makitang wala doon ang pangalan ng kompanyang tumawag kanina, ang Suzz Company.
Paulit ulit kong inisa isa ang mga pangalan ng mga partners Companies ng Klaversia pero wala talaga ang Suzz Company, ibig sabihin walang connection ang Suzz at sa kompanya nila Zhion. Pero bat ito tumawag?
"wrong call ba ang ginang na yun? " tanong ko sa sarili. Pero bigla rin akong napaisip, naimention niya kasi ang pangalan ni Zhion kanina, ibig sabihin ay di nga siya nagkakamali at ang Klaversia nga ang pakay niya.
Baka nakalimutan lang ni Zhion na ilagay ang pangalan ng kompanyang iyon, and speaking of Zhion. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nga nito si Zhion na nakapamulsa, tumayo na ako at kaagad ng yumuko bilang pagbati. Hanggang nagyon ay naiilang pa talaga ako sakanya, at base sa sitwasyon namin ngayon para naring di namin kilala ang isat isa.
"So kailan ang mga schedules meeting sa mga companies na pinapatawagan ko sayo kanina? " tanong nito, maski pagtatanong niya ay parang yelo kung dumating sa tenga ko.
"Halos next week pa po ang lahat ng mga meetings including ang mga conference. Pero sa ngayon po ay may isa kayong meeting ng representative sa cafe" sagot ko habang nanatiling nakayuko, diko kayang makipagtagisan sa mga mata niya. Nagtataka na rin ako kung ano ang magiging reaksyon niya sa ganitong pakikipag usap ko sakanya, para akong walang galang.
"what company is it? " tanong niya muli.
"Suzz Company po sir"
"What? " gulat na tugon niya, napatingin naman ako sakanya pero kaagad rin akong napayuko ng magtama ang mga mata namin, diko kaya!
but anyways, nagulat ito sa nalaman niya.
"W-walang connection ang Suzz sa Klaversia, bat mo sila tinawagan? " gulat na tugon niya, so tama nga ang naisip ko, wala ngang connection ang kompanyang iyon dito.
"Hindi ko po sila tinawagan, sila po ang tumawag saakin. Akala ko po ay wrong call pero base po sa pag uusap namin kanina, ikaw po talaga ang pakay nila. Urgent daw po ito at imemeet kadaw po ng representative nila sa cafe, ngayon din po" paliwanag ko, ramdam ko rin ngayon na nagtataka na siya, pero maya maya ay nagsalita na ito.
"okay" tanging sagot nito at tumalikod na, kayat iniangat ko na ang ulo ko pero sa ikadalawang hakbang palang niya ay huminto ito saka lumingon kayat dali-dali kongniniyuko muli ang ulo ko.
Wala akong narinig na salita mula sakanya tanging tunog lang ng sapatos ang narinig ko habang naglalakad ito pabalik. Hanggang sa nakita ko na nga ito sa paanan ko.
Kinabahan ako bigla!
Hindi kasi siya nagsalita, hindi narin na gumalaw ang katawan niya at nanatiling nakatayo sa harapan ko, wala na rin naman siyang kinukuha dahil nanatiling nasa bulsa niya ang dalawang mga kamay niya.
"Look at me"
sa tatlong salitang iyon ay parang isang galong malamig sa tubig ang tumama sa katawan ko. Para akong kinuryente,
biglang rin bumilis ang tibok ng puso ko.Napalunok ako, diko alam ang gagawin ko, mas lalo pa akong nataranta ng ulitin niya muli ang salitang iyon.
"Look at me"
Napapikit nalang ako ng mariin, bahala na.
Dahan dahan ko ng iniangat ang mukha ko at bumungad nga saakin ang walang emosyong mukha ni Zhion. Pero ng mapadako ang tingin ko sa mga mata niya, taliwasay ang sinasabi nito. Parang punong puno ito ng mga tanong, diko din maipaliwanag kung anong emosyong meron ito parang magulo e.
Its been four years now, four years ang nakalipas simula ng ighost ko siya, ng iniwan ko siya ng walang paalam. Walang comunikasyon sa isat-isa, ni hindi ko nakita ni anino niya. Tas heto ako ngayon nakikipagtagisan ng titig at nakatayo sa harapan niya.. ng biglaan.
Masaya ako ng makita siya muli pero di rin mawawala ang sakit.Nagtitigan lang kami sa isat isa, ni isa saamin ay parang walang gustong sumuko sa tagisan na ito, parang nakamagnet ang mga mata namin sa isat isa e, hanggang sa...
"TOK! TOK! TOK! "
Napakurap kami ng sabay at napaiwas ang tingin namin sa isat isa ng biglang may kumatok sa pinto, bumukas na ito at iniluwa nito si ma'am Verus.
"ehem! " pag uubo ni Zhion saka inayos ang tie niya, napatingin naman si ma'am Verus sa gawi namin na nagtataka at ng mapatingin siya saakin ay ibinaba nito hanggang sa may ilong niya ang suot niyang eyeglasses saka kunot noo akong tiningnan, umiwas nalang ako ng tingin.
ang akward nun.
Tumingin na ulit si sir Zhion sakanya
"ehemm, ano yun Ms. Verus? " pagtatawag pansin ni sir kay ma'am, nagbago na naman ang reaksyon ni ma'am at nakangiting tumingin sakanya
"May tumawag saakin, at nagpakilalang si Mr. Jim, ang representative ng Suzz Company. Sinabing may meeting daw po kayo sa cafe malapit dito" saad niya at tumango tango naman si Zhion.
"hm salamat. Papunta na rin kami"
yumuko na si ma'am Verus katapos noon ay lumabas na siya.
"Kunin mo na ang gamit mo, pupunta na tayo" saad niya ng hindi lumilingon saakin. Nagpunta na muli ako sa mesa ko at kinuha ang notebook at ballpen ko,nauna na siyang naglakad kayat sumunod na ako pero bago paman niya buksan ang pinto ay huminto ito, dahilan para mapahinto rin ako sa paglalakad. Hindi niya ako nilingon pero nag side view lang ito sa may kanan niya saka muling nagsalita.
"nice seeing you again..
...Jane"
BINABASA MO ANG
"HIDING THE CEO SON"
RandomWhat if magkita ulit kayo ng ex-husband mo? What if makita niya ang anak niyong matagal mo ng tinatago? What if magkatagpo ulit ang landas niyo? Presenting! Pinagtagpo.. Tinadhana.. Pinaghiwalay.. Pero pinagtagpo muli. The love story of Jane Athena...