Jane POV
Maaga na akong gumising at nagluto ng agahan namin ni baby Yohan, isasama ko siya ngayon sa opisina gaya ng request ni sir David.
"baby kain kana" saad ko at sinubuan siya
"ayaw" iiling iling na saad niya, bumuntong hininga naman ako, saka inangat ang kutsara na naglalaman ng cereal niya.
"here goes the airplane!!" saad ko habang nililipad lipad ang kutsara, tumingin naman siya at tumawa, dito ay ibubuka na niya ang bibig niya kayat isinubo ko na ito kaagad.
Natapos ko na itong pakainin at paliguan, kinuha ko na rin ang bag niya at nilagyan ang iinumin niyang gatas,biscuit at extra pampers.
Sinuklayan ko na ang kulot niyang buhok at nilagyan ng bimpo ang likod niya. Tiningnan ko ang orasan at sakto lang ang natitirang oras para makarating kami.
Sumakay na kami at pagkaraan ng ilang minuto ay nakadating na nga kami.
"babyy!!" once again, its Ced. Kinarga niya naman ito
"ang gwapo ng baby ko ah, at ang bago pa" saad nito habang inaamoy amoy si Yohan
"para kang aso"saad ko rito dahilan para mapatingin siya saakin at panlakihan ako ng mata.
"grabee ka na saakin honey ha!"
"HAHAHA biro lang"
"tsk kahit kailan talaga, baka mamaya gusto mo na ako niyan" pang aasar niya at siniko ako, napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"asa" sagot ko at tumawa naman ito, ganoon lang talaga kaming magbiruan pero walang feelings sa isat isa.
Nasa taas daw ang celebration kayat lahat kami ay nagtungo, maski ang mga nasa baba ay nagsitungo sa taas, kasama na non si Ced.
Naging mabilis ang celebrasyon hanggang sa nagsikain na nga kami.
Ced POV
"Wuyy Ced, bantayan mo muna si Yohan magccr lang ako" pagpaalam ni Jane, hindi ko siya nilingon dahil sarap na sarap akong kumain
"oo sige, sho sho" pagtatabuyan ko, grabee ang sarap ng letson nila,
"dito kalang Yohan ha" saad ko sabay bigay kay Yohan ng gatas at pinaupo ito. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko at di nagtagal ay dumating na si sir David at ng isang lalaking kasama niya, napahinto na ang lahat saka napatuon ang tingin namin sa harap.
"thankyou for coming everyone, as you can see nag cecelebrate na nga tayo para sa dispideda ng pag reretired ko."
"ah~"
"mamimiss ka namin bossing""HAHAHA mamimiss ko rin kayo. Anyway, mag chichilax na ako kayat si Zhion na ang papalit saakin" saad nito sabay harap ng lalaki.
"Everyone meet the new CEO of the KAVERSIA COMPANY, Mr. Zhion Alexander Villansion"
humarap na ang lalaki at kumaway."good day everyone" bati nito
ang familiar ng mukha niya, saan ko nga ba siya nakita?
Nag isip isip naman ako ng may maalala ako,
kamukha niya si Yohan!!!
tingnan ko si Yohan sa inuupuan niya ay ganoon nalang ang gulat ko ng wala na ito,
teka nasaan siya?
"baby yohan?" mahinang tawag ko at natatarantang hinanap ito ng mga mata ko pero diko to makita, juskoo saan siya nagpunta, siguradong patay ako nito kay Jane.
"hoy! "tapik nito, paktayyy!!! dahan dahan ko naman itong nilingon at ng tingnan ko siya ay hinahanap ng mga mata niya ang anak niya.
"Honey nasaan ang anak ko?" tanong niya dahilan para mataranta ako.
"d-diko alam, n--nandito lang siya kanina eh" nauutal na saad ko,
"ano?! "
"lowlow" may narinig kaming tinig sa mikropno, boses iyon ni Yohan kayat napalingon kami ni Jane, napahinga naman ako ng maluwag ng makitang karga karga siya ni sir David.
"ayon! " malakas na pagkakasigaw ko dahilan para mapatingin sa gawi namin sila sir David at sir Zhion.
"CED DAPA! " saad ni Jane at kaagad akong hinugot pababa, nagtago naman kami sa lamesa. Anong trip ng babaeng to?
"aray Jane ah, ang sakit" saad ko pero nakamasid lang siya sa harap.
"wuyy sabi ko--aray!! " daing ko ng hampasin niya ako sa braso,
"abat nakakadalawa kana ah! " singhal ko sakanya.
"sabi ko kasi sayo bantayan mo"
"sorry na nga"
"pano nayan magkikita na sila ng ama niya"
"sorry na nga kasi" saad ko at binaling na ulit ang tingin sa harap.
"ama, ama tss" pagbibigkas ko, diko naman kasi sinasadya, kasalanan ko bang napasarap ako sa pagkain ng letson eh hehe.
teka?!
Binaling ko na ulit ang tingin ko kay jane na ngayon ay problemadong problemado.
"anong sabi mo? "
"yun! yung lalaking kasama ni sir David, yun yung ama ni Yohan! "
"Ano??! nagjojoke kaba?! "
"nagsasabi nga ako ng totoo eh" seryosong saad niya
kinakabahan rin ako, siya-siya ngaba ang totoong ama ni yohan?
"nagsisinungaling ka nga " pero tiningnan ko lang siya, kalahati saakin naniniwala, kalahati naman hindi, ngayon ko lang siya nakita at nakilala pero seryoso talaga si Jane.
"ayaw mong maniwala ah, oh sige" saad nito kayat napalunok ako,
kinuha nito ang selpon niya at may binaybay, maya maya pa'y ipinakita nito ang isang larawan. Ang kasal nilang dalawa!
Inagaw ko ang selpon niya at pinagmasdang mabuti ito, hindi nga edit! tiningnan ko ang larawan saka tiningnan ang bagong CEO,
magkamukha nga sila!
Si sir zhion o ang bagong Ceo nga namin ang ex husband ni Jane at ang ama ni baby Yohan!
no wonder talagang magkamukha nga sila!
"si--siya nga! " gulat na saad ko at inagaw na nga nito ang selpon niya
"Ced, kunin mo si Yohan please, at wag mong sabihin na ang ang nanay niya" pakiusap nito,
"bakit naman?"
"ayoko pang makilala niya si Yohan, baka mamaya ay mawalay pa ang anak ko"
"pero Jane may karapatan siyang makilala ang anak niya! " saad ko at huminga naman ito ng malalim.
"alam ko, sadyang di pa talaga ako handa" malungkot sa saad niya saka tumingin sakin
"please! " pakiusap niya, nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.
hayst
bumuntong hininga naman ako saka tumango, sabagay kasalanan ko rin naman dahil hindi ko ito binantayan.
"sige"
Tumayo na ako, busy na ang lahat sa pagkain ulit. Nagtungo na ako sa harapan kung saan nakatayo ang nag iisang Zhion habang karga karga ang anak niyang di alam.
BINABASA MO ANG
"HIDING THE CEO SON"
RandomWhat if magkita ulit kayo ng ex-husband mo? What if makita niya ang anak niyong matagal mo ng tinatago? What if magkatagpo ulit ang landas niyo? Presenting! Pinagtagpo.. Tinadhana.. Pinaghiwalay.. Pero pinagtagpo muli. The love story of Jane Athena...