CHAPTER 9

5.7K 124 7
                                    

Zhion POV

Kakarating ko lang dito sa bahay ko, kaagad ko ng tinanngal ang coat ko saka nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig pagkatapos ay tiningnan ko ang paligid ng bahay ko.

Malaki, maganda, magaganda ang desinyo, kompletong mga gamit, at mga mamahalin pero hindi ko nararamdaman ang tunay na tahanan. Tahimik at walang kabuhay buhay, yes I have a house but not a home.

Ito ang tirahan na ipinagawa ko noon para sa amin ni Jane, kung saan kami gagawa ng pamilya, saan kami mag cecelebrate ng mga anibersaryo, at kung saan kami magsasama habang buhay. Pero lahat ng yun ay nawala tila naging alikabok ang lahat ng mga bagay dito sa bahay ng maghiwalay kaming dalawa.

Wala parin akong kaalam alam kung bakit niya ako iniwan ng biglaan, tila isa akong eroplano na nawala sa ere. Pagkatapos ng gabi ng kasal namin, pagkagising ko wala na siya sa tabi ko, nawala siya na parang bula. Hanggang ngayon ay nakaukit parin sa puso ko ang balat na nilikha ng sakit na dinamdam ko ng iwan niya ako, diko maintindihan! parang-parang isa lang siyang panaginip na sa pagkagising ko nawala na siya.

Napahinto ako dahil tila tumunog ang tubig na nasa baso ko, tila may kung anong bumagsak rito at don ko napagtanto na luha ko pala ang tumulo sa baso.

Hinawakan ko ang pisnge ko, umiiyak na pala ako, i-its been three years but I still love her pero nandito si Shana, yes I love her-, ayos na ayos kami at para saakin ay makakalimutan ko na nga ng tuluyan ang ex- wife ko but its turn upside down two years kami ngayon at sa matagal na pagsasamang ito lumabas ang totoong budhi niya but diko parin siya kayang iwan, umaasa akong at gagamitin ko siya para kalimutan si Jane,

Mali pero siya rin naman itong nag stay dahil sa pera ko, diko na nga alam kong sino ang manggagamit saaming dalawa, tskk.

Lumingon na ako saka ko nakita ang coat ko at sa bulsa nito ay lumalabas ng kaunti ang litrato na binigay saakin ng kuya ko, lumapit na ako dito saka ito pinagmasdan.

ang saya saya talaga namin ni Jane sa araw na ito. Mapait akong napangiti habang inaalala ang araw nato

saka hinamplos ang litrato, bigla naring tumunog ang selpon ko kayat sinagot ko na ito.

"hello po lo"

("hello apo,  nakauwi kanaba? ")

"opo kakauwi ko lang,  bat po kayo napatawag?"

("nga pala,  aalis na ako bukas pero bago yun ay may hihilingin sana ako sayo")

"ano po iyon? "

("gusto ko sanang iapprove mo ang. promotion ko sa isang empleyadong babae sa kompanya,  gawin mo siyang sekretarya mo,  mabait siya at mapagkakatiwalaan. Ang gaan gaan ng loob ko sa batang yun at gusto ko rin siyang matulungan")

"sige po lo,  para sainyo"

("maraming salamat apo,  nasa mesa mo na pala ang mga papeles niya nakalimutan bukas mo nalang tingnan. Maraming salamat apo")

"walang anuman po lo,  mukhang deserving naman po ng babaeng emplaydo yun hindi ba?

("deserve na deserve! ") desidedong saad niya kayat marahan akong napatawa.

"o siya,  bukas na bukas rin ho ay ipapa asikaso ko na"

("oh siya paalam na,  mag iingat ka palagi at alagaan mong mabuti ang kompanya")

"sige po lo,  paalam, mag iingat ka rin ho"

(o sige sige)

*CALL ENDED*

Napabuntong hininga naman ako saka umupo na sa sala,  tiningnan ko ang relos ko at alas otso palang ng gabi mukhang pwede pa akong mag bar.  Isinuot ko na ulit ang coat ko at kinuha ang susi ko saka na ako lumabas.

Nakakahilong ilaw,  malalakas na tugtugan ng musika, mga taong tumutungga ng alak,  at mga taong nagsasayawan. Yan ang natural na bungad ng bar saakin at sa lahat. Nagpunta na ako sa counter saka umorder iinumin.

"One negroni please" saad ko, tumango tango naman ang bartender at sinimulan ng gawin ang inumin.  Luminga linga muna ako sa paligid hanggang sa may narinig akong tawanan sa may vip seat sa may gilid.  Nang tingnan ko ito ay di nga ako nagkamali,  nakaupo pa siya sa lalaki habang hinahawakan ang tie nito na tila inaakit saka hinalikan ng masiil,  that's  it!  I'm done. Kala ko mangbibingwit siya ng marahaling bag,  iba pala ang bibingwitin niya.

Tumayo na ako saka lumapit sakanila,  at hanep sarap na sarap pa si Shana, iminulat naman ng lalaki ang kanina'y nakapikit niyang mga mata saka tumitig saakin, nasa likuran ako ngayon ni Shana kayat di niya ako nakita.

"Mr.  Zhion Villansion? " saad niya at marahan namang ngumisi si Shana na walang kaalam alam na nasa harapan ko.

"Pshh that guy is stupid in love,  minahal niya ako ng todo samantalang minamahal ko naman ang pera niya ng todo. Gusto ko sanang angkinin na yung lahat lahat eh but his b*tch wife is still in nowhere, kasabagal,  both of them are really stupid"

Tila nandilim ang paningin ko ng marinig ang mga salitang lumabas sa mabahong bibig ng babaeng to,  kaagad kong sinutok ang lalaki dahilan para magsigawan ang ilan sa mga panauhin,  si Shana nama'y napaupo sa tabi nito,  di pa ako nakontento kayat lumapit ako kay Shana saka sinabunutan ito,  wala na akong pakialam kong babae pa siya.

"Z--Zhion,  a--aray!!  n-nasasaktan a-ko ma-hal" naninimpit na saad niya kayat mas lalo ko pa hinila ang buhok niya paibaba.  May nakita akong perang nakarolyo sa mesa nila kayat kaagad ko itong kinuha saka inilagay sa bunganga niya.

"Ito ang gusto mo diba?!  namnamin mo hanggang sa mabusog ka at itae mo ng buo buo upang makain mo ulit hanggang sa magsawa ka"

"oxoxkxkxoxko" ungol niya, hindi ito makapagsalita dahil sa perang inilagay ko sa bunganga niya.

"Wag na wag mo akong pariringgan ng mga salita paratang kay Jane dahil hindi lang ito ang aabutin mo.  Pumapatol ako sa babaeng tulad mo Shana pero papalagpasin muna kita dahil minahal kita"

" Wag mong kakimutan ang babala ko, dalhin mo saan kaman magpunta, kapag may narinig pa ako tungkol sa asawa ko tandaan mong nasa likod mo ako nag aabang na tapusin ang buhay mo" seryosong saad ko at siya naman itong tuamngo tango,  binitawan ko na ito saka na muli akong nagtungo sa counter, kinuha ko na ang iinumin na binili ko saka nilagok ito ng deretso.

********

"Nakipag away ba si sir? "

"may sugat siya sa kamay eh"

"oo nga eh,  mukhang may sinuntok ito"

"unang tingin ko palang alam ko ng malakas ang impak ng kamao niya kapag nanuntok"

"ano ba kayo baka marinig kayo"

"shh malay niyo naaksidente lang o dikaya nadapa"

Tsk sabi ko kasi kay kuya na wag ng lagyan ng gauze bandage tong kamay ko, nagtataka na tuloy ang mga empleyado dito, nagkasugat ang kamay ko matigas rin pala ang mukha ng lalaking yun tsk tsk. Nag dere dretso na ako sa opisina ko at umupo sakto rin na dumating ang isang empleyadong lalaki na may dalang brown envelope.

"Sir ito po pala ang papeles na iniwan ni sir David kahapon, ibinigay po ito ni manager saakin at sinabing ibigay ko daw ito sainyo ngayon dahil baka daw mawala kapag iwanan dito" saad niya sabay lahad ng envelope katapos ay lumabas na ito.

Mukhang nandito nga ang mga papeles ng magiging secretarya ko,  binuksan ko na ito saka kinuha ang papel at binasa. Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng makita kong kaninong pagmamay ari ang papeles na iyon,  walang iba kundi sa ex wife ko.


"Jane Athena Montel"

"HIDING THE CEO SON"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon