Jane POV
Pagkarating ko sa conference room ay naipuna lahat ang atensyon nilang lahat saakin. Inilibot ko ang tingin ko, nandito ang ilan sa mga businesspartners ng Klaversia, huli ko na rin nalaman na stepgrandfather pala ni Zhion si sir David at pamana sakanya ang kompanyang ito kaya siya naging CEO, huli ko na ring napagtanto na greatgrandfather ni Yohan si sie David, ano kayang magiging reaksyon ni sir kapag nalaman niya ang batang kinakaega karga niya noon ay apo niya pala sa tuhod, grabee ang liit talaga ng mundo! dimo alam na ang mga nakakasama mo ni nakakasalamuha mo ay may koneksyon sa buhay mo.
Nandito rin sila Suzzanaha at ng parents niya pero ang mas nakaagaw pansin saakin ay ang taong nasa harapan na nakatayo at gulat na nakatingin saakin, si Mrs. Robina Villansion, ang ina ni Zhion.
"Jane?! " gulat na aniya, walang emosyon ko lang siyang tiningnan, napatingin na muli ako sa mga kasamahan niya at mga bagong mukha ang mga ito kayat ibig sabihin walang nakakaalam kung ano ang dating koneksyon ko sa mga Villansion, mas mabuti na nga ito lalo nat nandito ang pamilya ni Suzzanah.
Lumapit na ito saakin at mukha wala naman pakialam ang mga kasamahan niya dahil nagpatuloy lang sila sa pag uusap. Pagkarating niya sa gawi ko ay pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paanan.
"anong ginagawa mo dito? " gulat na sabi niya, so hindi pala sinabi ni Zhion sa ina niya na dito ako nagtratrabaho.
"I'm working here, ma'am" sinubukan kong maging magalang, ituturing ko siyang boss dahil yun naman talaga siya, bukod sa pagiging lider ng kompanya, isa rin siyang lider sa pagsira ng buhay ko.
"nagtratrabaho ka dito? " di makapaniwalang sabi niya,
"opo, secretary ako ni sir Zhion"sagot ko habang nakatingin sa malayo, diko siya matingnan dahil kumukulo ang dugo ko,
"ha! why so polite Jane? " napabuga siya sa hangin tila hindi padin makapaniwala,kunot noo ko naman siyang tiningnan.
tss atleast ako may galang pang natitira matapos sa ginawa nila.
"nagtratrabaho, sabihin mo nalang na gusto mong mapalapit sa anak ko at akitin siya! " sarkastikang sagot niya.
"nandito na ako ng hindi pa ceo si Zhion. Ano bang pinapahiwatig mo ha!"
"So ganon?!" ikrinoss ko na ang kamay ko siya nama'y nagtaka pero napangisi lang ako.
"itinuturing kitang boss ngayon pero itunuturing mo naman akong daughter in law, pwes kung yan ang gusto mo. Hello,nice meeting you again tita Robina" nakangisi ko pang sabi, siya namang nanggalait sa inis.
"wag na wag mo akong ma tita, tapos na kayo ni Zhion!"
"dahil pinatapos niyo! mga manggagamit kayo e! " diko na napigilang mapasigaw dahilan para mabaling ang tingin ng mga tao saamin.
"tell them who you are Mrs. Robina, they are watching" pang aasar ko pa.
"tumahimik ka" bulong nito at maya maya pa'y ngumisi, para siyang psycho.
"wala ka na naman ngayong ipagmamalaki. Hindi mo pa siguro alam na bumabagsak na ang kompanya ng lolo mo, tapos na namin kayong gamitin eh"
nagulat ako sa narinig at napahinto.
Ibig sabihin, tinapos na nila ang kontrata sa Empire?!"mom! Jane" tawag nito mula sa likuran ko, umayos na naman si Mrs. Robina atsaka pinalitan ang masamang mukha niya.
"hi anak! " masayang bati nito, lumapit na naman si Zhion sa tabi ng mama niya at hinalikan siya sa pisnge saka tumingin saakin, ako nama'y nanatiling nakatulala, pano na ngayon si lolo? ang pinaghirapan niya?
BINABASA MO ANG
"HIDING THE CEO SON"
RandomWhat if magkita ulit kayo ng ex-husband mo? What if makita niya ang anak niyong matagal mo ng tinatago? What if magkatagpo ulit ang landas niyo? Presenting! Pinagtagpo.. Tinadhana.. Pinaghiwalay.. Pero pinagtagpo muli. The love story of Jane Athena...