Jane POV
"Miss, saang room po ba si Mr. Camilo Montel? " tanong ko sa may counter, nandito na kami ngayon sa nasabing ospital, kinakabahan rin ako lalo nat ito ang unang pagkakataon na makikita ko muli si lolo pagkalipas ng apat na taon.
"Sa room 7 po" aniya
"salamat"
Hinawakan ko na ang kamay ni Yohan saka na kami nagsimulang maglakad, sinama ko na rin siya, ito rin ang unang beses na makikilala niya ang lolo sa tuhod niya. Nakarating na nga kami sa room nito, kumakabog ang dibdib ko, kinakabahan ako.
Nag inhale exhale na muna ako, saka na hinawakan ang doorknob.
Kaya ko to!
Nagclick na nga ang pintuan hudyat na bukas na ito, mas lalo tuloy akong kinabahan, iwan ko kung matutuwa si lolo sa presensya ko pero mukhang mas maiinis lang ito.
Bumukas na nga tuluyan ang pinto at bumungad saakin ang nakahilatang si lolo, may swero sa kaliwang kamay niya, walang ibang mga aparatus na nakalagay hudyat rin na okay na siya, natuwa naman ako ng makita ito, gusto ko siyang yakapin kaso komplikado pa ang sitwasyon namin ngayon.
Humakbang ako ng kaunti hanggang sa naramdaman na nga niya ang presenya ko, napalingon siya sa gawi ko, at kita ko ang gulat sa mukha niya pero maya maya ay napalitan ito ng inis.
"Anong ginagawa mo dito?! "
"Lo-"
"Ang sabi ko anong ginagawa mo dito? at sinong nagpapunta sayo dito?!" inis na sabi niya, nasaktan ako, ayaw nga niya sa presenya ko at makita ako.
"d-dalawin po s-sana kita, n-nalaman ko pong i-inatake ka na-naman muli ng a-asthma mo." nauutal na sabi ko, lumapit na ako saka inilagay sa katabi niyang mesa ang prutas na binili ko.
"dinalhan po kita ng mansana alam ko pong pabo--" hindi na natapos ang sasabihin ko ng itinapon niya iyon at kaagad na nagkalat sa sahig ang binili kong mga prutas,
"hindi ko kailangan iyan at mas lalong hindi kita kailangan, umalis kana" seryosong tugon niya, at umiwas na ng tingin saakin.Tumulo ang luha ko, bat ganito? bat palaging ganito? bakit palagi nalang akong sawi pagdating sa pagmamahal.
"Lo naman, wag namang ganito, ikaw nalang ang natitira saakin e, lo nahihirapan na ako" naiiyak na sabi ko, inis naman ako nitong nilingon.
"wala akong apo na nagpapahiya sa akin, na sinira ang magandang reputasyon sa kompanya ko. Walang ibang gumawa ng kahirapan mo, kundi ikaw mismo" matigas na sagot nito,
"Hanggang ngayon ba.. kasalanan ko parin? Lo ilang beses... ilang beses ho akong nagpaliwanag sainyo... na hindi.. na hindi ko aksidenteng ginawa iyon... g-ginamit lang tayo noon ni Mrs. Villansion.. Lo maniwala ka naman! Ni hindi niyo naman lang po inalam kong anong nararamdaman ko! kung anong kalagayan ko! e mas pinagpalit niyo pa po ako sa kompanya niyo, mas minahal niyo pa ang kompanya niyo kaysa sa nag iisang apo at pamilya niyo! Lo, wag naman kayong unfair, mahalin niyo naman rin ako"
Tuluyang tumutulo ang luha ko, ang sakit! ang sakit lang isipin na palagi nalang akong nanlilimos ng pagmamahal.
Ang sabi nila'y kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring babalik sayo, pero bat pagdating sa pagmamahal naging iba ang mundo nito? bakit di naman bumalik ang pagibig na ibinigay ko?
"Tumahimik kana! at pakiusap umalis na kana" nanhina ako sa narinig, ayoko na, suko na ako, pagod na akong magpaliwanag. Akmang tatalikod na sana ako ng biglaang sumulpot si Yohan sa tabi ko
BINABASA MO ANG
"HIDING THE CEO SON"
RandomWhat if magkita ulit kayo ng ex-husband mo? What if makita niya ang anak niyong matagal mo ng tinatago? What if magkatagpo ulit ang landas niyo? Presenting! Pinagtagpo.. Tinadhana.. Pinaghiwalay.. Pero pinagtagpo muli. The love story of Jane Athena...