Jane POV
Naglibot libot na ako sa building pero diko mahanap si Yohan.
Kapag may mangyaring masama sakanya, sinasabi ko sayo Mrs. Robina!
Dumating na din si Cedrick na hinihingal kayat kaagad ko na itong nilapitan.
"Nakita mo ba? " tanong ko dito, umiling iling naman ito.
sh*t!!
nag aalala na ako! nag aalala na ako sa anak ko!
"oh? bat kayo pinagpapawisan? " biglaang sulpot ni Joana, kapwa naman kaming napabaling ni Ced sakanya.
"Joana, nakita mo ba si Yohan?" tanong ni Ced,
"ahh- oo " sagot nito dahilan para mabuhayan ako.
"nasan? "
"nakita ko siya sa opisina ni ma'am Verus, may ipinasana kasi kong papeless sakto din na nandoon siya"
nakahinga na naman ako ng maluwag, juskoo salamat naman.
Bumalik na kami ni Ced at totoo ngang nandoon na si Yohan. Pagkakita niya saakin ay kaagad itong tumakbo saka niyakap ako.
"mama! " ani niya, sa sobrang pagod ko ay nawalan na ako ng lakas para makarga siya kayat hinaplos ko nalang ang ulo niya.
grabe ang kaba ko!
Pinantayan ko na siya ng tayo saka siya pinagmasdan, ichenick ko ang bawat parte ng katawan niya at wala naman akong nakitang galos.
"may nangyari ba sayo anak? may masakit ba? " alalang tanong ko, di ako nagtitiwala kay Mrs. Robina, at may kutob akong nalaman na niya ang tungkol kay Yohan, iba siya kung kumilos malaman lang ang bagay na nagpapabagabag sakanya.
Naging panatag na ng tuluyang ang loob ko ng makita kung umiling si Yohan.
"wala naman po mama, she's kind po" sagot niya, sa isip ko ay napataray ako, wag kang maniniwala diyan anak, pakitang tao lang yan.
Niyakap ko na ito, nagpapasalamat ako at okay lang siya. Parang lalabas na nga ang puso ko sa sobrang kaba kanina.
"Lets go, naghihintay na si Aling Rose sa baba" sabi ko. Bumaba na nga kami at nakita na namin si Aling Rose, nagtungo na naman kaagad si Yohan sakanya.
"oh siya Jane, aalis na kami, ako ng bahala dito kay Yohan" sagot nito, ngumiti naman ako saka tumango.
"sige ho, maraming salamat po"
"walang anuman. Pagbutihin mo trabaho mo"
"ingat"
"bye mama"
"bye! "
Tuluyan na silang umalis kauat kailangan ko na ring bumalik, tapos na ang lunch time, ni hindi na ako nakakain. magulo na din ang buhok ko, ang haggard ko na, inayos ko na naman ito at sinuklayan gamit ang kamay ko. Pagkatalikod ko ay sakto ring kakalabas palang ni Zhion, mukhang pupunta na nga ito sa meeting. Unang pumasok sa kotse ang ina niya,
totoo ngang nandito siya tss.
Bumaling na ulit ako kay Zhion at laking gulat ko ng makitang pinagmamasdan niay din ako. Bigla na rin ding bumalik sa isipan ko ang nangyari sa opisina kayat kaagad na akong yumuko dahil sa hiya.
Maya maya pa'y narinig ko na ang busina ng kotse hudyat na papaalis na sila at ng tuluyan na nga silang umalis ay saka na ako bumalik sa loob. Inayos ko na muna ang sarili ko bago pumasok sa opisina at nagulat ako ng makitang nandoon padin si Suzzanah.
BINABASA MO ANG
"HIDING THE CEO SON"
RandomWhat if magkita ulit kayo ng ex-husband mo? What if makita niya ang anak niyong matagal mo ng tinatago? What if magkatagpo ulit ang landas niyo? Presenting! Pinagtagpo.. Tinadhana.. Pinaghiwalay.. Pero pinagtagpo muli. The love story of Jane Athena...