CHAPTER 11

5.5K 112 2
                                    

Jane POV

"Jane paki encode nga itong mga projects"

"Jane, pakikuha nga ng stapler"

"Thena, yung papeless nga"

"paki zerox nga ito"

"pakidala ito"

"salamat"

"salamat Jane"

Napaupo na ako sa upuan ko habang naghahabol ng hiniga, hoo pagod na ako, utos dito utos doon. Isa akong casual employ3e dito at ang mga umuutos saaakin ay mga regular na, at syempre mas malaki ang suhol nila kaysa saakin.

"honey" tawag nito mula sa likod ko, umupo na iti sa tabi ki at nilahad ako ng isang energy.

"salamat" saad ko at ininom, kailangan ko ng lakas dahil marami pang utos ang darating, mahirap pero kailangan para mabuhay kami ng anak ko, gusto ko naman talagang sumuko e, kaso tuwing naalala ko si Yohan nagkakaroon ako ng lakas para lumaban. Tumayo na ito bigla dahilan para mapatingin ako sa kanya maya maya pa'y sumigaw ito.

"Hoy kayong lahat! simula ngayon ay wala ng mag-uutos kay honey o kay Jane! " nanlaki ang mga mata ko, muntikan pa nga akong mabilaukan. Hinampas ko ito sa braso,

"Anong pinagsasabi mo?! "bulong ko, nilingon niya naman ako ng may ngiti sa mga labi at kumindat.

EHHH?!!

Sakto rin na dumating si ma'am Verus na naka cross ang mga kamay at nakataas ang isang kilay,mukhang narinig niya ang mga pinagsasabi ni Ced.

Ano ba kasing trip nitong Ced.

"Bakit mag reresign naba siya hmm?"sarkastikang tanong nito, pero hanep ngumisi lang si Ced at taas noong tiningnan si ma'am, napapikit nalang ako ng mariin.

"oo aalis na siya dito" kaagad na akong napamulat sa narinig, juskoo. Kaagad na akong tumayo sa tabi niya at hianmpas ito.

"pinapahamak mo ba ako? "

"ano bang pinagsasabi m--" kaagad naman ako nitong inilagay ay daliri niya sa bibig ko para pigilan ako sa pagsasalita.

"shh"

pambihira!

Tumingin na ako kay ma'am Verus na ngayon ay nakatayo parin at hindi nagbago ang eksprasyon. Yumuko na ako.

"hindi po ma'am, hindi po ako aalis" saad ko. Tumayo na ako ng tuwid at nakita ko naman si ma'am na napa hmm nalang, at akmang aalis na ito ng magsalita muli si Ced.

"aalis na si Jane dito, hindi na siya magiging alalay ninyo dahil magiging sekretarya na siya ng CEO" deretsong saad nito na nagpahinto saaming lahat, maski ang katrabaho namin na may ginagawa ay napahinto't tumingin sa gawi namin, pati na rin si ma'am Verus ay napahinto sa paglalakad at nakaawang ang bibig na tumingin saamin.

Dahan dahan na akong tumingin kay Ced at kumurap kurap samantalang isang matamis lang na ngiti nito ang isinagot nito.

Akmang magsasalita na ako ng hawakan niya ang bibig ko at itinukom ito.

"opss bago ka mag complain diyan honey. Isa lang ang masasabi ko, totoo ito. Hindi to biro, hindi joke, hindi prank. Totoo o, and... here's the proof" saad niya sabay lahad ng isang envelope, tinanggap ko naman ito at ng tingnan ko ang likod ay may nakasulat nga na pangalan ko at isang 'pr0motion'

Tumingin na ulit ako kay honey, ngumiti naman ito saka tumango kayat walang ano-ano'y binuksan ko na ito.



Zhion POV

Pabalik balik akong naglalakad dito sa opisina ko habang nginangat ngata ng kuko ko. Di ako mapakali, bukas ay ganap na ngang sekretarya ang ex-wife ko, at ang mas malala ay makakasama ko pa siya dito sa opisina ko, as in kami lang dito, ilang taon kaming di nagkasama tapos biglaan rin kaming magkikita.

Maya maya pa'y may narinig ako sa kabila kayat sumilip ako sa bintana, medyo malayo ang pwesto ng mga empleyado pero kita naman dito sa opisina ko. Kaagad ng tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita sa unang pagkakataon, makalipas ang ilang taon ang dating asawa ko. Sa loob ng ilang buwan kong pagtratrabaho dito ay diko manlang nasilayan ang mukha niya, at ngayon ay kitang kita ko na.

Medyo nag matur3d na siya pero maganda parin, nakatayo sa tabi niya si Cedrick at tila pinagtatanggol siya, napakunot naman ang noo ko sa nakita.

"may relasyon ba silang dalawa?" tanong ko sa sarili.

"ano sa tingin mo? "

"ang sweet nga nila! "

"tingnan mo kumindat pa!"

"aba hinawakan pa nito ang labi niya"

"tss tss sigurado akong may something"

"tingnan mo nga ang titig ng lalaki kay Jane, kumikislap ang mga mata, halatang inlove"

"Arghhh!! " umiling iling naman ako dahil sa mga pinagsasabi ng isip ko. Impossible naman yata yun hindi ba, may anak na si Ced.

"what if hiwalay sila ng asawa niya? "

sumabat nanaman itong isip ko.

"tapos nililigawan niya si Jane"

"tas si Jane gusto niya din si Cedrick"

"pogi rin si Ced hindi impossibleng maging sila ni Jane"

"ano naman, Mas gwapo naman ako"

"gwapo ka nga hiniwalayan naman"

Napahinto ako at nasaktan sa sinabi ng isip ko, hanggang ngayon ay diko parin mawari kong bat kami nagkahiwalay.

Tumingin na ulit ako sa kanila at nakita kong napangiti at nanlaki ang mga mata ni Jane ng mabas ang papel, yung pr0motion niya.

Maya maya pa'y niyakap na nito ng mahigpit si Cedrick, napayukom naman ang kamao ko, ramdam ko rin na nanggalait ang ngipin ko. Pero naistorbo ako ng mag ring ang selpon ko, si kuya, kinuha ko na ito at sa huling pagkakataon ay narinig ko pa ang sinabi ni Ced na nagpahinto saakin.

"congrats HONEY"

Kaagad ko ng isinara ang kurtina ko at sinagot na ang tawag ni kuya.

"HIDING THE CEO SON"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon