CHAPTER 25

4.1K 72 2
                                    

Zhion POV

Di ako makapag concentrate! 

Ni hindi ko mawari kung totoo lahat ng narinig ko kay Jane,  hindi ko alam ang rason na yun dahil kahit kailan hindi ko siya ginamit! at totoong minahal ko siya.Ang alam ko lang ay kusa siyang nawala ng walang paalam ni dahilan, multong kaagad na naglaho na parang bula.

Arghhh!!  parang bibitak ang ulo ko dahil sa gumugulong sitwasyon ngayon,  mas lalo pang dumadag ng malaman kong may fiancee na nga ako, kanina ko lang nalaman at inihanda daw yun ng ina ko at ang pamilya Haver, yung ama ko walang pakialam, naging sunod sunuran siya sa stepmom ko.

Ni hindi manlang nila tinanong kung gusto ko o kung mahal ko ang babaeng yun, ni hindi manlang nila tinanong ang nararamdaman ko.

Ganito naba talaga ang buhay ko?  ibang tao ang nagplaplano? hindi ba pwedeng ako naman sana ang sumulat sa kabanata ng kwento ko?! bat ganito lagi,  para akong isang puppet ng stepmom ko. Mula sa usaping kompanya hanggang sa buhay ko'y naka antaba siya, sariling puso ko, sariling nararamdaman ko parang siya na ang nagdedesisyon e.

Mabuti naman ang pakikisama ko sakanya pero habang tumatagal kakaiba na ang kinukutob ko dito,  ay kutob rin akong siya ang dahilan kung bat kami nagkahiwalay ni Jane.

Naalala ko muli si Jane,  nasaktan ako dahil nakita ko rin siyang nasasaktan. Bawat salitang binitawan niya kanina'y bumaon at nagpasugat sa puso ko, mas lalo pa akong nasaktan ng sinabi niyang kalimutan ko na siyat ibaon,  ibaon na rin ang mga alala ala naming dalawa.

Pano ko iyon ibabaon kung yun mismo ang mga bagay na pinapahalagaan ko, ang mga bagay na itinuturing kong kayamanan sa buhay ko.

Wala pa ring magbabago,  siya parin si Jane,  ang Jane na minahal ko apat na taon na nakalipas,  ang Jane na hinanap hanap ko.  Siya parin si Jane na mahal ko ngayon.

"Another beer please" sabi ko pa sa bartender,  I'm now at the bar,  lumalaklak ng alak,  sana nga'y pagkatapos nito'y maisuka ko nalang lahat ang mga bagay na nagpapasakit ngayon sa puso ko.

"here sir" sabay lahad nito, limang bote na rin ang nauubos ko,  wala akong pakialam bastat maibsan lang nito ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kinuha ko na ang bote saka nilaklak ito, di ito nagtagal at naubos ito.

"sirtama na potara na umuwi napo tayo" rinig kong sabi ng driver ko. Tumingin naman ako sakanya saka marahang umiling iling.

"tama na nga ito"

"buti naman tara na po" maluwag na sabi niya pero ngumisi lang ako at iniangat sa ere ang walang lamang bote.

"tama na itong inisa isa,  isang case ang ibigay niyo! " sigaw ko pa,

"sir--"

"mauna kana"

"pero--"

"kaya ko,  sige na"

"teka ko tatawag ko nalang po si ma'am suzzanah" sabi niya sabay kuha ng selpon niya mula sa bulsa, pero kaagad ko naman itong hinablot.

"sir! "

"huwag si suzzanah" nagkakabulol bulol na sabi ko,  medyo natatamaan na rin ako.

"Si.. si.. J-jane... Si Jane ang tawagan mo"

nagtaka naman ito.

"ho? bakit po siya? " inis ko naman itong tiningnan, 

"HIDING THE CEO SON"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon