Jane POV
Busy ako kaka type ng mga schedules meeting namin, tahimik rin ang loob ng opisina. Biglang may kumatok sa pinto kayat sabay kaming napalingon ni Zhion.
"Can you open the door, please" utos niya, tumango naman ako saka tumayo. Nagpunta na ako sa pintuan pero pagkabukas ko ay mukha ni Cedrick ang bumungad saakin.
Zhion POV
"Honey! manood tayo ng sine!! " masayang usal nito,
"tskk"
what's with them?! Honey? anong klaseng cs yan? callsign paba yan ng magkaibigan?
honeyy.. honey.. bat di nalang dugos ang tawagan nila kung ganoon, ang aarte. tsk.
Aishh di tuloy ako makapag concentrate sa trabaho.
"WAHH talaga! sige! tayong dalawa! gusto ko yan! " masaya namang tugon ni Jane. Napahinto naman ako't dahan dahan sinilip ang dalawa, baka sabihing chismoso ako ah, tsaka kasalanan nila yun kung naririnig ko. Naningkit ang mga mata ko ng makita pa silang magtitigan, kala mo naman ikina cool nila, tsk sarap iuntog ang ulo nila sa isat isa at tusukin ang mga mata.
Mas lalo ko pang iniunat ang leeg ko ng may inilahad ito sakanya. Isang ticket!
Itinaas nila pareho ang hawak hawak nilang ticket saka iwinagayway.Tsk nood daw sila sine? e ano namang panonoorin nila? romansa? tapos kapag may kissing scene, magtitinginan sila? tapos ano?! magtitigan! Hanggang sa huhugutin sila ng kasupukan ng kanilang loob at--at maghahalikan!
"hindi!"
napalingon sila bigla sa gawi ko, gulat na gulat, oh bat sila ganong makatingin? iinvite ba nila ako sa sine? aba dapat lang tas ako ang nasa gitnang upuan.
"m-may problema p-po ba? " tanong ni Jane.
"problema? bat ko naman proproblemahin ang date niyong dalawa? at ng sineng papanoorin niyo. Tsk di ako intresado sa mga ganyan kayat bat ako mamomoreblem, at ano bang pakialam ko sainyong dalawa" deretsong sagot ko, napahinto naman sila at kumurap kurap, tss, akala mo naman kung sinong mga bubuyog to.
"HEHH?!"
"oh bat kayo ganyan makatingin
saakin?""h-hindi po tungkol sa sine. Bigla ka po kasing sumigaw ng 'hindi' kanina kayat nagtatanong po siya kung may problema" sagot naman ni Cedrick, napalingon naman ako sakanila na ngayon na titig na titig parin saakin.
EHHHH?!!!!
NAPASIGAW AKO KANINA?!!
bigla namang may nagflash sa isipan ko
e ano namang panonoorin nila? romansa? tapos kapag may kissing scene, magtitinginan sila? tapos ano?! magtitigan! Hanggang sa huhugutin sila ng kasupukan ng kanilang loob at--at maghahalikan!
"hindi!"
oo nga pala! aishh bat diko naman namalayan yun.
Gulat naman akong napalingon sa kanila ng may isa pa akong napagtanto, teka! ibig sabihin! noong tinanong ako ni Jane, tungkol pala yun kung bat ako nasigaw.
Tapos.. Tapos yung sagot ko!?
⊙_⊙
⊙.⊙
≥﹏≤
"Teka po sir! nakikinig ka po sa usapan namin kanina?"
umiwas na ako ng tingin ng magtanong si Cedrick.
BINABASA MO ANG
"HIDING THE CEO SON"
RandomWhat if magkita ulit kayo ng ex-husband mo? What if makita niya ang anak niyong matagal mo ng tinatago? What if magkatagpo ulit ang landas niyo? Presenting! Pinagtagpo.. Tinadhana.. Pinaghiwalay.. Pero pinagtagpo muli. The love story of Jane Athena...