Azulan POVMaaga kaming nagising upang maglinis ng tirahan sapagkat sa katanghalian daw ang dating ng may ari ng malaking tirahan malapit dito. Sa loob ng isang linggong pamamalagi sa mundong ito ay madami akong natutunan, madaming bagay ang aking nadiskubre ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin batid kung paano ako makababalik sa aming kaharian.
"Sissywaps bilisan mo na diyan at pupunta na tayo sa pagtatrabahuhan natin" sigaw ni Janna na kapapasok lamang ng kwarto
"Natin?buong akala ko ay ako lamang ang magtatrabaho" kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka wala naman siyang nabanggit sa akin na nais niyang sumama
"Ano kaba sissywaps syempre sasama ako para mabantayan kita mahirap na mukha kapa namang ano hehehehe no offense pero mukha kang mangmang eh tsaka parang wala kang alam sa mundo"
Nangibabaw ang saya sa aking puso sa kanyang tinuran sapagkat alam ko kahit Hindi ko kasama ang aking pamilya may tao paring nandiyan para sa akin at hindi ako iiwan.
"Maraming salamat sa iyong tulong Janna huwag kang mag alala sapagkat oras na mahanap ko ang aking pamilya ay agad kitang gagantimpalaan" nararapat sa kanya ang maraming pabuya dahil sa kanyang lubusang kabaitan sa akin
"Wag mo na isipin yon hindi na kailangan diba sabi ko sayo bff na tayo at ang mag bff nagtutulungan palagi tsaka walang iwanan"
"Lubusan akong natutuwa sa iyong sinambit ngunit ano ang bi-ef-ef?" Nagtataka kong tanong sa kanya ngunit humagalpak lang siya ng tawa
"Ikaw talaga napaka weird mo bff as in matalik na kaibigan" Agad akong napangiti sa kanyang sinabi
"Kinagagalak kong naging matalik na kaibigan kita" buong puso kong sagot sa kanya
"Ang lalim mo naman masyado diko mareach galing kaba sa sinaunang panahon ikalma mo lang sissywaps dudugo na ilong ko sa tagalog mo eh" umakto itong tila sumasakit ang ulo, hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi sapagkat hindi ko ito lubusang maintindihan
"Let's go na sissywaps baka mahuli na tayo Hindi pa tayo tanggapin sa trabaho" hinila niya ang aking kamay at naglakad na palayo
Nakarating kami sa isang magara at napakalaking tirahan, nakakamangha mas malaki ito kaysa sa aming kaharian
"Janna tingnan mo ang ganda ng tirahan napaka makulay isa ba itong kaharian?" natutuwa ako sapagkat nais ko talagang makatira sa ganitong kaharian, ito ang pangarap ko sa aming tahanan ganito kalaki at kakulay
"Nakuuu itigil mo yan babae ka mapapagkamalan ka diyang sinto sinto may pa taas kamay kapa diyan tsaka hindi yan kaharian shuta ka mars mukha ba tayong nasa enchanted kingdom" ibinaba ni Janna ang aking kamay at hinila ako papunta sa loob ng malaki at makulay na tirahan
Pagpasok sa kaharian ay sumalubong sa amin ang isang matandang ginang, mukha itong balyena gaya ng sa aming lugar
"Janna hindi mo naman nasabi aa akin na kahit sa inyong mundo ay may balyena" bulong ko rito na naging dahilan ng tumawa ito ng napakalakas
"OMG ka girl masisiraan ako ng bait sayo" patuloy parin siya sa pagtawa hanggang sa nagsalita na ang babaeng balyena na tila galit na galit sa amin
"Kayong dalawa bago palang kayo dito ang tutulis na ng sungay niyo pinag iinit niyo ang ulo ko" galit na sigaw ng matandang babaeng balyena aa amin, napqkunot ang noo ko at agad siyang nilapitan upang hawakan ang kanyang noo
"Hindi naman ito mainit gaya ng iyong sinabi, kami ba'y iyong nililinlang?" Pagkasambit ko ng katagang iyon ay mas lalong siyang tumawa, bakit ba siya masaya?
"Ikaw!!" Sigaw ng matandang babaeng balyena at dinuroduro ako
"Lumayas ka dito at isama mo yang kaibigan mo" sabay turo kay Janna, teka layas?may nagawa ba akong mali?
"Mama mo blue Aling Berna tanggap na kami dito kaya chupi chupi ka diyan" hindi ko naunawaan ang sinabi ni Janna ngunit kita kong mas lalong sumama ang mukha ng Babaeng matandang balyena at mabilis itong umalis palayo, bakit kaya ito nagalit masama kaya ang sinabi ni Janna?
"Halika na Azulan magbihis na tayo ng uniform pang trabaho" agad naman akong sumunod sa kanyang pupuntahan
(After 5 hours)
Palibot libot lamang ako dito sa magarang tirahan na ito sapagkat tapos na ang aking gawain, napakaganda nitong pagmasdan sadyang napakagaling ng gumawa nito. Sa paglalakad ko ay nakakita ako ng kahong may tubig agad akong lumapit at nakita ko ang mga isda na nakakulong, ang kaibigan kong si Pissa ay nandito rin
"Pissa nandiyan ka pala kay tagal kitang hinanap sa karagatan kinulong ka pala dito" naiiyak kong sabi, pansin kong natigilan ang mga naglilinis at humarap silang lahat sakin ganoon din ang mga lalaking puro naka itim
"Ok lang kami prinsesa pinapakain at inaalagaan naman kami dito" pabalik nitong sabi sa akin
"Ngunit hindi ito tama Pissa inilalayo nila kayo sa inyong tahanan at pamilya matagal ka na nilang hinahanap"
"Pwede ba prinsesa wag mo kaming kausapin iniisip na ng nga tao may sira ka sa pag iisip" agad akong napalingon sa mga tao, lapastangan!!anong karapatan nilang tanggalan ng kalayaan at ikulong sa kahon ang mga nilalang na gaya ni Pissa, ang sasama nila
"KAYONG MGA MORTAL NAPAKASAMA NIYO BAKIT NIYO KINULONG ANG AKING KAIBIGAN AT ANG IBA PANG ISDA?HINDI NIYO BA NABABATID NA KAHIT GANOONG NILALANG AY MAY NARARAMDAMAN DIN?NILAYO NIYO SILA SA KANILANG PAMILYA AT TIRAHAN!!" matapos kong isigaw iyon ay natulala silang lahat tila may nadinig na hindi kapani paniwala
"ANO?NATAHIMIK KAYO SAPAGKAT NAGSASABI AKO NG TOTOO, MGA WALA KAYONG PUSO SARILI NIYO LAMANG ANG INYONG INIISIP" naiiyak kong sabi, mga taong walang konsensya, paano nila nagagawa ito sa mga kawawang isda
"Ma'am tumigil na po kayo parating na po si sir tsaka isda lang po yan hindi lang po kami ang may alagang ganyan huwag niyo pong mamasamain pero palagay ko po ma'am kailangan niyo ng tulong mula sa doctor" sabi ng isa sa mga taga silbi at pilit akong hinihila palayo sa kahon na may lamang mga isda
"Hindi!!hindi ako aalis dito hanggang hindi niyo pinakakawalan ang mga isda, nararapat niyo silang ibalik sa karagatan" naiiyak na ako sapagkat hindi talaga nila naiisip na mali ang kanilang ginagawa
"Mygoodddd bessy nawala lang ako saglit nagwawala kana diyan ano ba hobby mo ba ipahiya ang sarili mo" agad itong humarap aa mga taong nanonood sabay yuko
"Pasensya na po sa kaibigan hahahahah pangarap niya po kasing maging artista nagpapractice lang siya kanina" sinabayan pa niya ng tawa ang mga sinasabi niya, kung hindi ko lang ito kaibigan ay iisipin kong may sira ang kanyang pag iisip
Napatigil ang lahat ng may biglang pumasok sa aming kinalalagyan, isang lalaking sobrang kisig ngunit mukhang nakakatakot, matikas ang katawan at makinis ang balat, para siyang isang pinuno ng isang kaharian kasunod niya pa ang madaming kalalakihan na puro naka itim
"What's happening here?" Kahit boses niya ay perpeksyon, kahanga hanga
"Boss pasensya na mukhang may baliw na nakapasok dito eh" saad nong lalaking nakatayo kanina pa sabay turo sa akin
Agad napatingin sa akin ang makisig na lalaki ilang segundo nito akong tinitigan bago tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi. Bumanggit siya ng katagang Hindi ko maunawaan
"Mine"
************************************
Enjoy reading 😙 follow me 🤗
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid
FantasyA princess of the sea who accidentally become human, because of her stupidity about her new world she has business to deal with the most dangerous mafia boss. As feelings continue to grow choosing will be harder, will she stay in her new world or w...