Kabanata 19

561 19 0
                                    


Jasper POV

Tahimik lang ako sa gilid habang pinagmamasdan si boss na lumuluha habang yakap ng mahigpit ang tila walang buhay na si ma'am Azulan.

"Baby please wake up, gumising ka we already won, you did it gumising ka please" nanginginig pa ang katawan ni Boss habang sinasabi ang mga linya na iyon, sa bawat haplos niya kay Ma'am Azulan nakikita Talaga namin ang pagmamahal at pag iingat, ibang iba sa boss na dati naming nakilala.

Sa buong buhay ni boss nakitaan ko lang siya ng tunay na saya noong kasama niya si ma'am Azulan kaya sana wag bawiin sa kanya agad ang kasayahang iyon.

"Sa dagat" sabi ng isang boses na agad naming ikinalingon, isang matanda na may hawak na malaking baston, teka? paano to nakapasok?saan dumaan?

"Who are you?" Walang emosyon na tanong ni boss sa matanda

"Hindi niyo na kailangang malaman ang aking katauhan narito lamang ako upang iligtas ang prinsesa" saad ng matanda

"Iligtas?why?are a doctor?We don't even know you so how can I be sure that you're harmless?" Sagot naman dito ni bossing

"Paano po ba maliligtas ang kaibigan ko? Kahit ano pong paraan gagawin namin" umiiyak na tanong ni Janna habang patuloy itong pinapatahan ni Gio

Lumapit ang matanda kay Ma'am Azulan, naging alerto naman kaming lahat para kung sakaling may gawin itong masama ay agad naming maagapan. Pagkalapit nito kay ma'am Azulan ay may sinambit itong mga salita na hindi namin maintindihan, tinapat nito ang mga palad kay ma'am at napapikit kaming lahat nang umilaw iyon ng sobra.

"Ang ginawa ko ay parte lamang ng kanyang paggaling marapat na madala niyo agad siya sa karagatan sa lalong madaling panahon" matapos iyong sabihin ay tumayo na ang matanda, agad naming nilapitan si ma'am Azulan para icheck ang kalagayan nito, noong nilingon ko ang matanda ay wala na ito sa kanyang pwesto kanina, umalis na siguro. Parang pera lang si lola ah ang bilis dumating ang bilis din nawala

Dahil sa over over alala si bossing kay Ma'am Azulan ay madali naming narating ang karagatan, hindi naniniwala si boss kanina sa matanda pero nong nakita niya ang liwanag na parang magic ay nakumbinsi din, kita ko pa hangang hanga yan eh

Nilapag ni boss si Ma'am Azulan sa parte ng dagat na hindi gaanong malalim. Maya maya pa ay nakita naming unti unti ng nagkakabuhay ang kulay ng balat ni Azulan ganoon din ay nag liwanag ang babang parte ng kawan nito at naging buntot, wow isang mermaid OMG never ever in my entire life na nakakita ako ng ganitong nilalang, ang galing nag eexist talaga sila

"Close your mouth idiot" masungit na sabi ni Ace, hmmmpp ang sungit talaga kahit kelan, di na kita love

Janna POV

Ngayon ay alam na ng lahat kung anong uri ng nilalang si Azulan, sana lang ay matanggap nila ito dahil hindi ko yata kakayanin na lalayuan at sasaktan nila ang kaibigan ko dahil lamang kakaiba siya. Mabait si Azulan kaya sana maging mabait din ang mundo sa kanya

Ang ganda ganda Talaga ni Azulan lalo na ngayong naka mermaid form siya. Maalon ang kanyang blue na buhok, nag karoon rin siya ng design sa mukha, ang hirap iexplain basta maganda talaga as in pak na pak.

Napatingin ako kay Boss Clifford na nakatulala lang kay Azulan at tila malalim ang iniisip kaya nilapitan ko ito

"mahal mo parin naman si Azulan ano? Tanggap mo naman siya hindi ba?" bago pa ito makasagot sa tanong ko ay nakarinig kami ng boses

"Clifford" mahina at tila nahihirapang sabi ni Azulan na ngayon pa lamang nagkamalay, sa tingin ko ay maayos na ito, wala na din ang buntot niya, paa na itong muli. Nilapitan agad ni boss si Azulan at walang imik na binuhat habang si Azulan naman ay nakatitig lamang dito.

Azulan POV

Natatakot ako, yan ang pakiramdam na ngayo'y nangingibabaw sa akin habang nakatitig sa mukha ni Clifford na walang emosyong mababakas, palagi naman siyang ganito ngunit kakaiba ngayon, mabigat ang aura na nararamdaman ko sa kanya

"Clifford" mahinag tawag ko dito ngunit hindi ako nito pinansin, nagpatuloy lamang ito sa kanyang pagbabasa

"Galit kaba sakin?ayaw mo naba ako dito?gusto mo ba umalis na lang ako para-"

"Wag ka munang magsalita Azulan, mamaya na tayo mag usap mag pahinga ka muna and No hindi ka aalis" binaba niya ang librong binabasa at lumabas na ng aking silid, palagay ko talaga galit siya sa akin

Makalipas ng ilang minuto mula noong lumabas si Clifford ay pumasok naman si Janna na may dala dalang pagkain

"Oh beshywaps kumain ka muna para mas lumakas ka kailangan mo pang trabahuhin si Boss- ang ibig kong sabihin kailangan mo pang magtrabaho kay boss" tumatawang Sabi ni Janna, tumigil siya sa pagtawa ng makita niyang nakasimangot lamang ako

"Anong problema beh?may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nito habang tinitingnan ang aking katawan, kinuha ko ang kanyang kamay at nilapat ito sa aking dibdib

"Ito Janna, ang sakit" naiiyak kong pahayag dito, bukod sa nasasaktan ay natatakot din ako, paano kung kaya pala Hindi ako pinapansin ni Clifford ay dahil ayaw na niya ako dito, na baka hindi niya ako tanggap

"Bakit beshywaps ko?may sakit kaba sa puso?need mo ba ng doctor?masakit ba talaga?" Nataranta si Janna at akmang lalabas na ng pigilan ko siya

"Dito kalang Janna kailangan ko ng kasama" baka kasi hindi ako makapag isip ng maayos kapag ako lang mag isa at mawalan na naman ako ng kontrol sa sarili kong emosyon

"Ano ba kasing nangyari beshy?bakit masakit yan?" Tanong ni Janna sabay turo sa dibdib ko

"Janna si Clifford palagay ko ayaw na niya sa akin" matapos kong sabihin ang linyang iyon ay mas bumuhos pa ang aking mga luha

"Beh parang mas posible pang makalipad ang unggoy kesa ayawan ka ni boss Clifford eh mahal na mahal ka non" sagot sa akin ni Janna habang unti unti ng kinakain ang pagkaing dala niya, tinapik ko ang kamay nito dahil gutom na din ako

"Damot beh ah"

"Huwag mong kainin nagugutom nadin ako" kinuha ko na ang pagkain at nag umpisa itong kainin habang patuloy paring tumutulo ang aking luha

"Paano ka hindi magugutom eh kagagaling mo pang sa laban, nanghihina kapa tapos ngayon iyak ng iyak sabi ko sayo wag mo ng isipin yon mahal ka non" tinuturo turo pa ako ni Janna habang sinasabi ang linyang iyon

"Siguro noon oo mahal niya ako pero ngayon kayang nalaman niya ang tunay kong katauhan parehas paba kaya ang kaniyang nararamdaman?kasi kung oo bakit tila iniiwasan niya ako kanina at hindi pinapansin, nababakas ko din ang galit sa kanyang mga mata, marahil ayaw na niya sa akin"


****************************
Gusto ko na Talaga doon sa sakitan part na eh HAHAHAHAHHAHAHA yung mapapa ouch talaga

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon