Wakas

526 12 7
                                    


Madilim, magulo, malungkot. Nabubuhay na lamang ako upang pasakitan ang aking sarili, wala akong nagawa upang iligtas ang aking anak, wala akong kwenta hindi gaya ng aking ina na ibinuwis ang buhay upang mapanatili ang aking kaligtasan na noong una ay hinihiling kong sana ay hindi na lamang niya ginawa upang lisanin ko na ang mundo at makasama ang aking anak ngunit kalauan ay naisip ko din na dapat lamang ito sa akin, dapat akong magdusa kapalit ng hirap at sakit na dinanas ni Maliah sa barkong iyon.

"aking munting prinsesa ikaw ay bumaba na hinahanap ka na ng iyong mga kaibigan" tawag ng aking ama mula sa labas ng aking silid.

Narito na muli ako sa aming kaharian, matapos ang nangyari ay pinili kong lisanin ang mundong naging pangalawa kong tahanan. Masakit ang lisanin sila ngunit mas masakit ang manatili roon sapagkat palagi ko lamang maaalala si Maliah, ang kawawa kong anak.

Sa kabila ng labis na pagmamakaawa ni Clifford noon upang patawarin siya ay naging buo na ang aking pasya na kailanman ay hindi na muling magpapakita sa kaniya, sukdulan ang sama ng aking loob at imbis na masaktan ko siya ay lumisan na lamang ako.

"ngayon patay na ang anak mo ikaw naman ang susunod" saad ng h*yop na lalaking rason kung bakit wala na ang aking anak sabay kasa ng kaniyang baril ngunit tinawanan ko lamang siya

"palagay mo ba matapos ng ginawa mo ay natatakot pa akong mamatay? Sukdulan ang sakit na binigay mo sa akin kaya walang talab sa akin ang bala na iyan" naubos na ako, manhid na hindi lamang ang aking puso kundi pati ang aking buong katawan.

"ikumusta mo na lamang ako sa anak mo gaga"

Pinikit ko ang aking mata at hinihintay ang aking kamatayan ng biglang pumasok sa silid at pinutukan ng baril ang lalaking tatapos sana ng aking buhay.

Isang babae ang aking nasilayan, pamilyar sa akin ang kaniyang mukha at tila may pagkakahawig kami, sino kaya siya?

"anak, ang aking magandang anak tama ang aking pakiramdam na narito ka" umiiyak na saad ng babae pagkatapos ay lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit

"ina? Ikaw ang aking ina?"

Tumango naman siya bilang sagot. Hindi ako makapaniwala, ang aking ina ay naririto na sa aking harapan, sa wakas ay binigay na ng mahiwagang bato ang aking kahilingan, ang makita ko ang aking ina.

"ina bakit ngayon ka lamang? Kay tagal kitang hinintay" umiiyak na saad ko sa kaniya

"patawad anak, hindi ko ninais malayo sa inyo ngunit wala akong magawa, noong pinanganak ka ay hindi kana humihinga kung kaya ay hinanap ko ang bato upang humiling na ibalik ka niya sa akin matapos ay nagising na lamang ako dito sa mundo ng mga tao, buhay mo kapalit ng buhay ko sa karagatan kasama kayo. At habang humahanap ako ng paraan para makabalik ay hinuli ako at kinulong ni Eduardo, sinakta at inabuso niya ako ng paulit ulit"

Mas lalo akong napaiyak sa kwento ng aking ina, parehas kaming masakit ang dinanas sa mundong hindi pamilyar sa amin. Tunay ngang masakit magparusa ang sino mang gumambala sa bato.

"huwag kang mag alala ina uuwi na tayo sa ating tahanan" ngumiti siya sa akin at niyakap akong muli

Habang papalabas kami ng gusali ay ginawa naging maingat kami upang hindi makagawa ng ingay na makatatawag atensyon sa mga tauhan.

Patuloy lamang kami sa pagtakbo ng biglang isang putok ng baril ang aking nadinig, may bumaril sa sa aking ina, dalawang tao ang nawala sa akin sa araw na ito.

"may pag takas pa kayo akala niyo ay makakalabas kayo ng buhay, ngayon damahin mo ang b-" hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi ng biglang may bumaril mula sa kaniyang likuran, doon ay lumitaw si Clifford mula sa dilim, kung Ibang sitwasyon lamang sana ito ay malamang nag diwang na ang aking puso ngunit hindi, sama ng loob lamang ang tangi kong nararamdaman.

Agad na nilapitan ng mga kasama niyang tauhan ang aking ina at binuhat papalabas

Nilapitan niya ako at agad niyakap ngunit nanatili akong walang reaksyon, nakakadiri.

"you're safe now mahal ko, I'm sorry babawi ako, I'm sorry" umiiyak na sabi nito

Bakit siya umiiyak? Anong karapatan niya? Siya ang dahilan kung bakit nawala ang aking anak kaya't wala siyang karapatang umiyak!

"h*yop ka"

"h*yop ka Clifford, pinagsisisihan kong minahal kita wala kang kwenta"

"sana namatay ka nalang nong araw na iyon, sana hindi nalang kita niligtas para sana ay kasama ko pa ang anak ko, lubos kong pinagsisisihang pinili kita"

Wala siyang naging reaksyon sa mga sinabi ko, nakatungo lamang siya habang umiiyak

"at ngayon ay umiiyak ka? Bakit? Anong karapatan mo gayong kasalanan mo ang lahat ng ito" galit na saad ko at pinagsasampal siya, kulang pa ito kapalit ng sakit na dinanas naming mag ina.

"sige saktan mo ako hanggang gusto mo hindi kita pipigilan kung iyan ang makakabawas sa sakit na nararamdaman mo"

"bawas? T*angina kahit patayin kita ngayon ay hindi mababawasan kahit kaunti ang galit ko sayo! Clifford, sana ay ito na ang ating huling pagkikita dahil kinasusuklaman kita" agad naman itong nataranta sa aking sinabi, lumuhod siya sa aking harapan at mahigpit akong niyakap

"gagawin ko ang lahat but not this please parang awa mo na, magpapaliwanag ako aayusin ko lahat bumalik ka lang sa akin gagawin ko ang lahat Azulan kahit maubos pa ako"

Kung sana lamang ay kaya ko kaso ay hindi, wala na akong nararamdamang kahit ano.

"bitawan mo ako" ngunit parang wala siyang narinig at pinagpatuloy parin ang pagyakap sa akin habang nakaluhod

"bitawan mo ako sabi ano ba!"

Ganoon na lamang ang aking pagka gulat dahil biglang lumitaw sa aming tabi ang matandang batid kong may alam sa aming mundo at sa kung paano ako makakauwi. Napatingin si Clifford rito at napatayo

Unti-unting lumapit sa akin ang matanda at hinawakan ang dibdib na biglang umilaw.

"tapos na Azulan, maaari ka ng umuwi" nakangiti nitong saad at ikinumpas ang kamay sa aking harapan, doon ay unti-unti kong nararamdaman ang paglalaho at pag iiba ng paligid habang naririnig ang mga sigaw ni Clifford at pag mamakaawa. Sa mga oras na ito ay batid kong lilisanin ko na ang mundong ito na hindi man lamang nakakapagpaalam sa mga taong naging aming pamilya ni Maliah, ang aking ina, sana ay mabigyan nila ng maayos na libing, sana ay maging maayos ang buhay nina Janna, kuya Jeff at Zolen. Nawa ay mahanap ni Clifford ang katahimikan kasama ang pamilya niya.

Matapos noon ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa loob ng kweba kung saan ko nakita ang bato, tunay ngang nakauwi na ako.

Lumipas ang mahabang panahon ng sumiklab ang gulo mula sa pagitan ng aming kaharian at ng Zabiton, nais nilang agawin ang trono ng aking ama at maangkin ang ang mga makakapangyarihang bato na nasa amin ganoon din ang nasa kweba na nasa amin ding teritoryo.

Nagkaroon ng gera na siyang pumaslang sa aking buong pamilya. Naubos na ang aking rason upang mabuhay ngunit bago ako lumisan ay nais kong maging makabuluhan ang aking pagpanaw, gagamitin ko ang ritwal upang maprotektahan ang mga bato at ang aming nasasakupan kapalit ng aking buhay. Husto na ang mga buhay na nawala, hindi ko hahayaang maubos ang mga taong aming nasasakupan.

'Esta lom ka anilo ba mesto buhila akman usta ves tali zum'

Agad kong naramdaman ang panghihina matapos kong sambitin iyon, unti unti narin akong nawawalan ng hininga hanggang sq hindi ko na makayanan.

"Maliah, paparating na si mama"

Clifford, kung nasaan kaman nais kong malaman mong lilisan akong malinis ang puso, sana ay mabatid mong pinapatawad na kita

*********"*************
Enjoy reading po, don't forget to follow me😊

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon