Kabanata 17

618 20 0
                                    


Janna POV

"ANO BA IBABA MO AKO BASTOS KA!!!GIO ISUSUMBONG KITA KAY KUYA" langyang lalaki to kahit anong sigaw at palo ko di man lang tinatablan bakal yernn

"Gio malayo na tayo so put me down jerk" nanlaki ang mata ko ng imbis na ibaba ako nito ay pinalo niya ang pwet ko OMG ang bastos

"WAAAAHHH BASTOS KA HINAYUPAK ISUSUMBONG KITA KAY KUYA" huhuhuhu ang bastos na lalaking to siya pa may ganang mang ignore di man lang nagsasalita

Pagkarating sa hardin na kinalalagyan ko kanina ay binaba na niya ako

"ang ingay mo" maikling Sabi nito sabay walk out

"Huh siya pa talaga may ganang mag walk out eh pinalo niya nga precious pwet ko" naiiritang saad ko aabay irap sa kawalan

'Antayin mo lang lalaki ka makakaganti din ako sayo'

Azulan POV

Ilang oras na ang nakalipas ngunit tulog parin si Clifford, ano ba iyan pamihadong nag aantay na sa akin si Janna at nag iisip na naman yon ng kung ano ano pasalamat ka Clifford at kay ganda ng iyong wangis nalilibang akong pagmasdan

Dahan dahan kong nilapat ang aking kamay sa kanyang mukha upang malayang mahaplos. Kay tangos ng kanyang ilong, kay pula ng labi at kay kinis ng balat. Napatigil ang aking paningin sa kanyang labi, para itong nang aakit, tila itoy isang prutas na kay tamis. Unti-unti ay nilapit ko ang aking labi tungo sa kanya ng bigla siyang magmulat ng mata na agad nakapag palayo sa akin

"Anong ginagawa mo?"

"Wala akong ginagawa may dumi ka sa iyong mukha sinusubukan ko lang tanggalin" nauutal kong sabi, mahabaging ama ng dagat halatang akoy nagsisinungaling

"Really?using your lips?" Nakangisi nitong sabi

"Ha?"

"Kung gusto mo akong halikan ayos lang just do everything you want that will make you feel happy and satisfied" muli siyang pumikit pagkasabi ng mga katagang iyon

"Hindi nga Kita nais halikan" nagpupumilit kong sagot

"Ok isipin mo nalang naniniwala ako" natatawa pa ito habang nagsasalita, napasimangot ako sa kanya hmmmpp

"Dapat ka talagang maniwala sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo wala akong planong halikan ka tsaka hindi naman kaakit akit ang iyong mapulang labi" sabi ko kay Clifford habang hindi makatingin sa kanyang mga mata. Imbis na sumagot ay kinintilan ako nito ng halik

"Let's go kakain tayo sa baba anong gusto mong kainin?" Sabi ni Clifford pagkabangon sa hinihigaan

"Kahit ano"

"Basta wag lamang dagat" dugtong ko

Payapa kaming kumakain, gaya ng palagi masarap ang pagkaing hinanda Ng mga tagaluto, nais ko ring matuto ng ganito upang makapaghanda ako para kina Janna at Kay Clifford na din kung nanaisin niya

Hindi ko pa nauubos ang nasa aking pinggan ng nilagyan muli ito ni Clifford

"Tama na Hindi ko na ito mauubos" nakasimangot kong sabi sa kanya ngunit tinawanan niya lamang ako sabay pisil ng aking pisngi

"Kailangan mong kumain, ayokong nagugutom ka you're my baby" saad nito habang nakatingin sa akin

Nakarinig kami ng pagtikhim noong nilingon namin ito ay naroon si Jasper na may napakalawak na ngiti

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon