Nagising ako sa maiingay na tunog, sa mga kaluslos na hindi ko alam kung saan nagmumula. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kapaligiran, paano ako napunta dito?pagkakatanda ko'y nasa ilalim ako ng dagat nakatira. Sinubukan kong bumangon kahit nananakit ang buo kong katawan at nagulantang ako sa aking nakita
"aaaaaahhhhhhh" malakas na sigaw ko, ang aking bundot serena nawawala, ang maganda kong buntot.
"Pre oh may chicks"
"Oo nga pre ang ganda tiba tiba tayo dito"
"Hi miss wanna join us?"
"Wow pre English"
"Opkurs pare"
Dinig ko ang kanilang mga tinig habang parang gutom na gutom na nakatingin sa akin
"Sino kayo?anong mga uri kayong nilalang?" Seryoso kong sambit
"Pare ano daw tayong uri ng nilalang nakakainsulto to ah hindi ba kami mukhang tao?" Sambit nito habang tila masama ang tingin sa akin
Tao?ibig sabihin ay nasa mundo ako ng mga mortal na sinasabi ng aking ama ngayon ay hindi ko alam kung paano ako babalik sa aming tirahan
"Salamat sa inyong tinuran kailangan ko ng umalis upang humanap ng paraan sa paguwi" magalang kong saad sabay ng pagyuko
"Mamaya kana umuwi Miss sama ka muna samin" nakangiting sabi ng isang mortal
"Ipagmaumanhin mo mortal ngunit hindi ko magagawa ang nais mo" ani ko at akmang aalis na ng bigla nilang hawakan ang aking mga kamay kung kaya't paulit-ulit akong nagpumiglas
"Bitiwan niyo ang aking mga kamay mga hamak na mortal kay baho at kay rumi niyo" galit na sambit ko sa inyong dalawa
"Alam mo miss wag ka ng magpumiglas diyan madali lang tayo"
Sabay silang humalakhak matapos sambitin ang linya na iyon.
"Ayoko itong gawin ngunit lubusan niyong pinasasama ang aking loob ngayon ay magdusa kayo" saad ko at akmang gagamit ng kapangyarihan ng biglang may sumigaw sa aming likuran.
"Haaaaaaaaaa"
Isang mortal na naman na may dala-dalang kahoy at ipinaghahampas sa dalawang bastos na mortal
"Kayo Talaga hindi kayo nadadala mga hinayupak kayong manyakis kayo dapat sa inyo napuputulan ng etits" pasigaw na sambit ng nilalang na kadadating lamang
"Pre sibat na tayo balita ko malakas backer ng babaeng yan" natatakot na saad ng mga ito sabay takbo palayo
Lumingon sa akin ang mortal na busilak ang puso sabay lahad ng kanyang kamay
"Hi ganda ako nga pala si Janna ang pinakamagandang babae sa isla pero dahil nandito kana dalawa na tayong pinakamaganda" masayang sabi nito habang di masukat ang lawak ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid
FantasíaA princess of the sea who accidentally become human, because of her stupidity about her new world she has business to deal with the most dangerous mafia boss. As feelings continue to grow choosing will be harder, will she stay in her new world or w...