Kabanata 37

662 15 4
                                    

Matapos makipag ayos ni Clifford kay Maliah ay agad itong kinuha nina Jasper upang makipag laro, natutuwa akong makita na gustong gusto nila ang aking anak. Natawa ako lalo nong makitang manika ang nilalaro nila.

"You have an adorable and loving daughter" saad ni Clifford na nauunawaan ko naman hindi gaya ng dati na wala akong ediya sa kung ano mang mga sinasabi niya.

Humarap ako sa kaniya na ngayon ay nasa aking tabi "salamat, pasensya na din pala sa pagpasok niya sa tahanan niyo ng walang pahintulot"

"It's ok, beside I should be the one to apologize for scaring a little girl" sagot nito sa aking sinabi, mabuti naman at hindi na siya gaya ng dati na parang galit sa akin.

"If you don't mind may I ask who's her father?"

Labis akong nagulat sa kaniyang tanong, batid kong hindi ko maaaring sabihin sa kaniya ang totoo sapagkat maliban sa hindi niya naman kami naaalala ay may iba narin siyang pamilya

"Nasa malayong lugar ang tatay niya, hindi ko alam kung kailan siya babalik o kung babalik paba siya" nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo sa aking sinagot

"Her father must be a jerk" naiiritang sabi nito, natawa naman ako dahil doon, kung alam niya lamang ang totoo ay malamang hindi niya iyon masasabi

"Mabait ang tatay ni Maliah, mahal na mahal niya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya nagkataon lamang na kailangan niyang lumayo ngunit sigurado ako na kung makakapili siya ay pipiliin niyang manatili sa aming tabi" nakangiting paliwanag ko kay Clifford, kung bibigyan man ng pagkakataong makaalala siya ay ayaw kong isipin niyang may tanim na galit ako sa kaniya. Ako ang pumili ng landas na ito kaya't hindi ko siya pwedeng sisihin kung bakit ngayon ay hindi niya ako maalala

"What a lucky bastard"

May binubulong siya na hindi ko maayos na nadinig

"May sinasabi ka ba senyorito? Hindi ko lang masyado maintindihan" tanong ko sa kaniya

"Wala" tila naiirita parin nitong sagot at tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo

"I need to go now, I promise my son to take him to the mall in this island today,  I don't want to be late" madakit man ang nadinig at ngumiti na lamang ako, batid kong kailangan kong masanay sa mga ganoong salita sapagkat palagi ko iyong madidinig. Hindi na gaya ng dati ang lahat, may mahal na siyang iba, may mga anak sila at hindi na kami parte ng buhay niya.

"Sige na, salamat sa mga binigay mo kay Maliah sigurado akong masaya siya ngayon, mag iingat kayo sa daan"

Tinanguan ako nito at naglakad na papunta kina Maliah, lumuhod siya kapantay ng aking anak

"Little girl I need to go na, I promised my son to take to the mall and I'm sure naghihintay na siya" malambing na sabi nito kay Maliah, ayos na ito para sa akin, ang makitang maayos niyang pakitunguhan si Maliah

"Wow mall po? Ganda diyan eh sama ako dati tita Zolen sarap pagkain don at ganda damit"

"Yeah that Zolen I saw her here a while ago, how did you know her?" Nagtatakang tanong ni Clifford sapagkat hindi naman niya natatandaan na naging parte kami ng buhay niya at nakilala ko si Zolen.

"Si tita Zolen ko po na love love ni kuya Jeff" lalo namang nagtaka si Clifford sa sinagot ni Maliah pero wala na itong ginawa kundi tumango na lamang

"Looking at your expression you must really love going to mall?" Agad namang nagliwanag ang mukha ng aming anak sa narinig

"Opo, ganda po kasi at malamig tapos daming foods at clothes"

Tumango si Clifford sa kaniya na baka s ang ngiti sa mukha, natutuwa talaga siya kay Maliah, aba dapat lang!

"Gusto mo bang sumama sa amin ni Cronnel? Ihahatid ka nalang namin after" paanyaya nito kay Maliah na ikatuwa naman nito

"Opo gusto ko po sama ako" pumapalakpak at dumadamba pa ito habang sinasabi ang mga katagang iyon, ayos lang naman sa akin kung nais niyang sumama, mukhang hindi naman siya pababayaan ng kaniyang ama

"Uyy uyy uyy ano yang nadidinig kong sasama si Maliah kay Clifford? Baka takutin na naman niyan ang bata" sabi ng kadarating lamang na si kuya Jeff, kasunod niya si Zolen at Janna na may Shanghai pa sa bunganga, mukhang kumakain sila sa loob kaya ang tagal nilang hindi lumabas.

"Oo nga Azulan baka mamaya uuwing umiiyak si Maliah dito huwag mo pasamahin" saad naman ni Janna na tinanguan din ni Zolen

"I won't make her cry again don't worry, I will just take her to mall with Cronnel" sagot naman ni Clifford sa mga ito

"Cronnel? Yung anak mong maldito?"

"Janna!" Saway ko sapagkat kung ano ano na naman ang kaniyang sinasabi, nakakahiya sa iba.

"Sorry" hinging paumanhin ni Janna sa akin at nag peace sign

"Miss, I really want Maliah to come and join us but I don't tolerate people badmouthing my son, now if you really don't allow Maliah to come with us then-" agad kong pinutol ang sinasabi niya

"Ok lang sa akin kung sasama siya sa inyo, basta iingatan mo lang siya ayos lang sa akin, mukhang nais ring sumama ni Maliah" kita kong nagtaka sina kuya Jeff sa aking sinabi ngunit buo na ang aking desisyon, nais kong makasama ni Maliah ang kaniyang ama, hindi ko alam kung kailan ito mauulit kaya gusto kong lubusin na ni Maliah ang pagkakataong ito

"Alright then we'll go ahead, see you later Azulan" sabi nito at binuhat na si Maliah patungo sa sasakyan

"Bye mama balik ako mamaya dala ako tinapay" nakangiting paalam ni Maliah, nginitian ko naman siya at kinawayan pabalik.

Noong nakaalis na sila ay agad na akong nagtungonsa hapag kainan upang tikman ang mga niluto kanina, kakaunti nalan ang Shanghai halatang nilantakan ng todo.

"Azulan hindi ba masyado ka naman atang kind to give nalang ng ganon si Maliah kay papi Clifford? He hurt you kaya and our bebe girl" ani Zolen

"Girl matagal na yang mabait kasi kung hindi yan mabait malamang hindi ka niyan pinatawad nong binayaran mo ang tumingin sa kaniya noon para sabihing namatay ang anak niya kasi kung ako yon nabugbug na kita at hindi pa napatawad" saad naman ni Janna na ikinairap ni Zolen

"I thought you make patawad na to me ha? Are you galit paba"

"Hindi naman nag eexplain lang" agad inawat ni kuya Jeff ang dalawa

"Itigil niyo nayan baka kung saan na naman mauwi yan" sabi nito habang nilalantakan ang inihaw na manok, agad ko naman itong kinuha sa kaniya dahil paubos na.

Habang kumakain kami ay may biglang kumatok sa pinto. Agad namang tumayo si kuya Jeff upang buksan ito

"Sina Maliah na kaya yon? Bakit sobrang bilis naman" nagtatakang tanong ni Janna

Nagulat kami ng biglang makarinig ng putok, agad kaming tumakbo papunta kay kuya Jeff at nilamon kami ng takot sapagkat duguan ang balikat ni kuya Jeff, binaril siya ng mga lalaking nasa harapan namin ngayon.

"Kunin niyo ang babae" sabi nong nasa unahan ng grupo, agad naman silang naglapitan sa akin.

Pinilit naming manlaban ngunit wala parin kaming nagawa, naiwang walang malay sina. Janna, Zolen at kuya Jeff habang ako ay nadakip at sinakay sa sasakyang hindi ko batid kung saan ako dadalhin.



*************************
Enjoy reading 😊 Follow me po and vote❤️

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon