Special Chapter: New Beginning 1

556 16 3
                                    

"We all have some experience of a feeling, that comes over us occasionally, of what we are saying and doing having been said and done before, in a remote time - of our having been surrounded, dim ages ago, by the same faces, objects, and circumstances." sabi ni pareng Charles Dickens na nakakuha ng interest ko. Hindi ko masyado naintindihan pero shett ang dep-dip-deyp ah deep.

Simula kasi nong nag 15 ako eh kung ano ano na nararamdaman ko at nangyayari sa akin. Minsan bigla nalang may pa sinehan sa utak ko, may couple na nag hahalikan, sweet sa isat isa tapos minsan wet dreams pa ata yon eh haysstt. Siguro dahil single ako since birth. Yung panaginip ko din hindi ko maintindihan, may anak na daw ako? Paano kaya yon eh virgin pa ang ate mo.

"anak! Anak! Asul!"

"nay Blue nga po eh Blue ano bang Asul ka po diyan" nayayamot na sabi ko, si nanay naman kasi ginagawang jejemon pangalan ko.

"mag tigil kang bata ka ang arte mo talaga maging masaya ka dapat kasi may surprise ako sayo" ngiting ngiti ma saad nito sa akin, ano kaya yon? Bagong kapatid?

"my god nay wag mong sabihin na may bagong kapatid na ako kasi pinatulan mo na yung adik na tambay sa labas na si berto?" gulat na sigaw ko dito, agad naman niya akong hinampas sa balikat, aray ha hampas na parang hindi anak ah.

"hindi gaga"

"eh ano nga po kasi?"

"Well well well anak gusto kong ipagbigay alam sayo na makakapag college kana at sa isang sikat na paaralan pa" proud na proud na saad ni nanay, maging ako ay hindi mapigilang mapasigaw

"OMG Nay huwag mong sabihing sa MC David School yan?" tuwang tuwang tanong ko dito

"oo anak nagawan ko ng paraan nag sponsor yung amo ko na pag aralin ka" tili nito sa akin, maka tili kala mo teenager ah.

"salamat lord, salamat omygod nay huwag kang mag alala magiging proud ka sa akin bibingwit ako ng mayamang lalaki don at papakasalan makakaahon na tayo sa hirap" finally, finally bukod sa makakapag aral ako ay makakahanap pa ng poging jojowain.

Dahil sa aking sinabi ay agad akong binatukan ni nanay "huy malantod na babae mag aaral ka doon at hindi lalandi, diploma ang iuuwi mo dito hindi bata sa tiyan gets mo?"

"yes ma'am 99.99% sure"

"aba bakit hindi 100%?"

"aba hindi natin masabi nay malay ko ba k-aray naman" piningot ni nanay ang tenga ko gagi ang sakit.

"subukan mo Asul ng maihampas ko sayo ang iniwang tungkod ng tatay mo" galit na sigaw nito sa akin

"oo na nay ito naman hindi mabiro kj"

Binigyan ako ni nanay ng 4k pambili ko daw ng mga gamit at damit ko na susuotin aa school, hindi daw kasi ako pwedwng magmukhang dugyot kasi puro mayayaman ang naroon hmmpp as if namang may panama sila sa ganda ko noh.

What if mag Dota nalang ako?

Syempre hindi ko gagawin yon kasi lagot ako kay nanay.

After 20 minutes nakarating na agad ako sa Mall, eyy sosyal yern. Pumunta agad ako sa store ng school supplies para makapamili na

"ma'am your total is 2,560 pesos" grabeng gamit to parang nakakahiya tuloy magka 5.00 sa card.

Nanginginig ang kamay ko habang inaabot ang bayad huhuhu lagas na agad pera feel ko wala na matitira pang milktea.

"thank you ma'am, come again" nakangiting sabi nito sa akin

Anong come again anteh? Last na ito!

Sunod ko namang pinuntahan ay ang mga bilihan ng damit, syempre dapat mukha din akong mamahalin kagaya nong mga tao don para makabingwit ako ng yayamanin na pogi at macho.

Kinuha ko lahat ng magustuhan ko pagkatapos ay nilagay ko na sa counter para bayaran

"ma'am 5,000 po lahat" HUH???

Napalunok ako sa presyo, gagi 4k lang bigay ni nanay nabawasan na.

"ma'am? Matagal pa? Kung wala kang pambayad pwede sa tabi ka muna naaabala kasi yung ibang MAGBABAYAD" diniin pa nito ang salitang magbabayad para bang pinamumukha talaga sa akin na wala akong pambayad.

Kasi naman Blue dapat nag iisip karin minsan eh hindi basta hatak ng hatak palibhasa nasanay ka sa ukay na kahit bungkos na eh wala pang 500.

"I'll pay for her"

Napalingon ako sa babaeng nagsabi noon at tila nabighanin yata ako sa kaniyang ganda, sheett nakakatomboy

"nako ma'am ganda salamat po ng sobra nag kulang po kasi pera ko pambayad hulog ka ng langit" natawa naman ito sa sinabi ko

"it's ok, it's my pleasure to help" naks ano daw?

"Thank you po talaga ma'am, ano po bang pangalan niyo?"

"I'm Trina and you are?"

"Blue po ma'am" nakangiting saad ko dito

"babe kanina pa kita hinahanap nandiyan kalang pala" sabing nong lalaking super fogii na kadadating lang grabe bagay na bagay sila, isang maganda at isang pogi.

"Babe I meet a new friend here she's Blue"

"nice to meet you Blue, I'm Krisford, Trina's boyfriend" nakangiting pakilala nito, yung mukha niya parang pamilyar eh, nag laro naba to ng basketball sa barangay namin?

"nice to meet you too din po sir pogi bagay na bagay po kayo ni ma'am sana po ay magkatuluyan kayo at mag kaanak ng lima" saad ko na ikinatawa nilang dalawa.

"you're funny I hope you can meet my brother, he's too cold maybe you can make him smile"

"naks naman sir easy basic lang sa akin yan kahit hindi lang smile laugh pa"

"maybe next time we'll invite you for dinner" sabi ni Trina sabay bigay sa akin ng contact number niya, gawin kitang text mate eh

Agad na silang nagpaalam sa akin dahil may pupuntahan pa daw sila. Samantalang ako ay umuwi naman agad dahil baka kung ano na namang makita ko at mabili tapos kulang na naman pera.

Habang sakay ako sa tricycle ay may natanaw akong lalaking lumabas ng magarang itim na car sosyalin. Tila galit ito, lumakas ang kabog ng puso ko nong masilayan ko ang mukha niya, sino kaya siya? Parang pamilyar siya sa akin, nautangan ko ba siya dati?

*******************
Enjoy reading po and follow my account 🤍

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon