Azulan POVNandito kami ngayon sa sala, aking inilalahad ang mga bagay na nangyari kanina sapagkat nais maunawaan ni Clifford ang tagpong kanyang nadatnan
Narito rin sina Janna, kuya Jeff, Jasper, Jake at Gio, hindi sila tahimik na nakikinig sa aking sinasabi sapagkat bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay kanilang tinatawanan
'Ano bang nakakatawa?hindi ba't tama naman ang aking ginawa?wala namang mali sa aking mga sinasabi ah'
"Ang sabi sa akin ni Aling berna ay makikita ko raw ang aking hinahanap kung magsusumbong ako kaya aking ginawa" aking sabi kay Clifford na tahimik lamang nakikinig sa aking mga sinasabi at minsan ay tumatango. Kita ko rin ang pagkainis sa kanyang mukha noong sinabi kong palaging masama ang trato sa amin ni aling berna.
"Beshywaps buti nalang lumilipad lagi utak mo ano?kung hindi eh wala pang makakaalam ng katotohanan" tumatawang sabi ni Janna
Tumingin tingin ako sa itaas ngunit napakunot lamang ang aking noo noong wala naman akong makitang utak na lumilipad
"Janna kainlanman ay Hindi nilisan ng aking utak ang aking katawan, hindi ito lumulipad, isa pa ay sarado ang aking ulo" seryosong sabi ko kay Janna, minsan talaga ay hindi ko maunawaan ang takbo ng pag iisip ng mga mortal, kaygugulo nila
"WAHAHHAHAHAAHAHHAHA"
"JANNA HINDI NGA KASI NALIPAD EH HAHAHHAHAHAHAHA"
"BOBO KA TALAGA JANNA WAHHAHAHAHAHHA"
Muli silang nagtawanan, mas malakas pa ito kumpara kanina -_-
Tumingin ako kay Clifford at sinimangutan ito "ano ba ang nakakatawa?nais ko ring malaman upang makatawa ako kasama sila" ngunit sa halip na sagutin ay nginitian lamang ako nito at humalik sa aking noo
"Hmmmm my cute and innocent baby" wika ni Clifford sabay yakap sa akin at muling halik sa aking ulo
Ano daw?k-yut?ino-se-nt? hindi ko maunawaan @_@
"Sinabi mo kanina na may hinahanap ka?ano yon?tutulungan kita" bulong ni Clifford sa aking tenga sabay halik roon
"Huuyy get a room guys maawa kayo sa single" sigaw ni gio, kita ko naman ang matalim na tinging binigay sa kanya ni Clifford, maikli talaga ang kanyang pasensya
"A-h huwag mong intindihin iyon Hindi naman gaanong kahalaga" nakangiti kong sagot sa kanyang sinabi
"Sigurado ka?" Paninigurado niya na agad ko namang kinatango
Sa totoo lamang ay ayaw kong malaman niyang sinusubukan kong hanapin ang lagusan pabalik sa aming lugar, ayaw kong maisip niyang iiwan ko siya ano mang oras
Akala ko ay maayos na ang lahat sapagkat kumbinsido naman siya sa aking sinabi ngunit biglang nagsalita si Janna
"Beshy anong hindi mahalaga?eh hindi ba naghahanap ka ng lagusan pabalik sa mundo niyo?malay mo matulungan ka ni Boss na hanapin yung matanda na mukhang kauri mo" nagtatakang tanong sa akin ni Janna samantala kita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Clifford at pag igting ng kanyang panga, mababakas din sa kanyang mukha ang galit
"Babalik kana sa mundo mo?iiwan mo ako?" Walang emosyon nitong tanong na siyang nagpadama sa akin ng sobrang kaba
"Hin-ahan-ap ko lam-ang upang ku-ng sakal-ing-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin sapagkat biglang nagsalita si Clifford
"Kung sakaling gusto mong umalis ay aalis ka?"
"Hindi sa ganoon Clifford" mahinanong sabi ko dito ngunit sa kanyang itsura ay mukhang hindi niya balak makinig sa kung ano mang aking sasabihin
"Ganoon iyon Azulan! Bakit mo hahanapin ang daan kung wala ka namang balak puntahan?" Sigaw nitong muli
"Gusto ko lamang namang makita ang aking pamilya, nais kong malaman ang kanilang kalagayan" paliwanag ko rito, hindi ko naman siya iiwan, babalik naman ako kung sakali
"Azulan ilalim ng dagat iyon, ibang mundo at kahit anong gawin ko hindi kita masusundan doon"
"Pero nais ko nga lamang n-"
"Jake, Jasper, Gio lock her in my room and make sure she cannot scape" galit na wika niya ngunit hindi ko naman maunawaan
"Boss?" Tila nagtatakang saad ni Jasper, bakit ba ganoon ang kanilang mga reaksyon?hindi ko maunawaan
"Boss mali naman ata ang gagawin mo gusto lang naman ni Azulan na makita ang pamilya niya kaya bakit mo siya pipigilan?tsaka mali yung ikukulong mo siya" galit na sigaw ni Janna, teka, ako?ikukulong?bakit?wala naman akong ginawang kasalanan gaya ni Aling Berna, hindi naman ko nagnakaw ng panloob
"Oo nga boss baka pwede pag usapan natin to ng maayos hindi mo na kailangang ipakulong si Azulan" tila nakikiusap na saad ni Kuya Jeff
"Sandali, bakit ako ikukulong?wala naman akong ginawang mali" nagtataka kong tanong sa mga ito ngunit wala namang sumagot -_-
"No my decision is final you three bring her in my room and make sure to lock it"
Hindi ko maunawaan ang kanyang sinasabi kaya ganoon na lamang ang aking pagkagulat ng bigla akong hawakan ni Jasper at Gio sa magkabilang kamay
"Saan niyo ako dadalhin?bitawan niyo ako" saad ko habang nagpupumiglas
Nadala nila ako sa silid na pinagpahingahan namin kanina ni Clifford, ipinasok nila ako doon, muli nilang isinara ang pintuan noong sila ay nakalabas na
"Palabasin nito ako dito Jasper, Gio ano bang nangyayari?ipaunawa niyo sa akin upang hindi ako nangangapa" sigaw ko sa kanila habang kinakalampag ang pintuan
Napaupo na lamang ako sa tabi ng pintuan sapagkat kahit anong katok ko ay walang nagbubukas, hindi nila ako nais pakawalan, hindi din nila nais na dinggin ang aking sasabihin
Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at doon ko nakita si Janna na humahangos patungo sa akin
"Naku beshywaps pasensya kana hindi ko naman alam na magwawarshak siya sa sinabi ko eh akala ko kasi maiintindihan niya tapos tutulungan kapa pasensya talaga" umiiyak na Sabi sa akin ni Janna, agad ko naman itong niyakap
"Bakit ba ako ikinulong Janna?may nasabi ba ako o nagawang mali?" Naluluha kong tanong rito
"Wala beshy mahal ka lang talaga ng sobra sobra ni Boss Clifford kaya ayaw ka niyang mawala natatakot siya na kapag bumalik ka sa inyo eh hindi kana pupunta ulit dito" paliwanag sa akin ni Janna
"Ngunit ang akin lamang namang nais ay muling masilayan ang aking pamilya, babalik naman ako, gusto ko lamang din naman na malaya akong nakakapunta sa dalawang mundong mahalaga sa akin" saad ko kay Janna
"Beshywaps alam mo naman, sinarado niya ang kaniyang isip at pandinig sa kung ano mang paliwanag mo basta ang nasa isip lang siguro niya ay ayaw ka niyang mawala, pagpasensyahan mo na ha sabi kasi sa akin ni kuya ngayon lang daw nagmahal ng babae si boss kaya siguro ganyan" wika ni Janna habang hinahagod ang aking likod tila pinaparamdam na ayos lamang ang lahat
"Mahal ko din naman siya Janna at wala akong balak na iwanan siya"
*****************************
Salamat sa pagbasa ng story ko mga beh enjoy kayo labyuuuu😘
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid
FantasyA princess of the sea who accidentally become human, because of her stupidity about her new world she has business to deal with the most dangerous mafia boss. As feelings continue to grow choosing will be harder, will she stay in her new world or w...