Azulan POV
Isang buwanIsang buwan na ang lumipas simula noong nangyari ang bagay na iyon ngunit sa tuwing naaalala ko ay hindi ko parin maiwasang mahiya lalo na kapag kasama ko si Clifford
Mula din noon ay dito na niya ako pinatira sa kaniyang tahanan, magkasama na kaming tumitira at natutulog sa isang silid. Noong una ay hindi ako pumayag sa kaniyang pasya ngunit mapilit si Clifford, totoong ilalaban niya talaga lahat ng bagay na kaniyang naisin kung kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag
"Mahal" malambing na tawag sa akin ni Clifford habang nakayakap sa akin, kasalukuyan kaming nakahiga sa aming tulugan at nagpapahinga na
"Bakit?" Sagot ko rito
"I love you" wika ni Clifford habang mas hinigpitan pa akong yakap sa akin
"I love you too" sagot ko rito, tinuro kasi sa akin ni Janna ang katagang iyon sapagkat nalaman niyang ilang beses na itong sinasabi ni Clifford sa akin ngunit wala naman akong maisagot
"Hmmm my baby knows I love you na" sabi nito na hindi ko naman maunawaan, siniksik niya ang mukha sa aking leeg at pinaulanan iyon ng halik
Sa kaniyang ginagawa ay hindi ko mapigilang tumawa sapagkat nagigilawgawan ako "Clifford tama na ano ba" natatawang saad ko ngunit hindi siya tumigil, mas pinanggigilan pa niya ang aking leeg kaya't mas lumakas ang aking tawa
"HAHAHAHAHHAHA TAMA NA ITIGIL MO NA YAN HAHAHAHAHHAA"
"Sabihin mo muna mahal tama na please" utos nito sa akin
"HAHAHAHHA AYOKO NGA HAHAHAHAHAHAH TAMA NA CLIFFORD"
"sabihin mo na kasi 'mahal tama na please" saad nito na sinabayan pa ng mahinang tawa
"Mahal tama na please" nanghihina kong sabi dahil sa labis na pagtawa, kita ko naman na natigilan siya, namumula din ang kaniyang mukha kaya't hinawakan ko ito
"Ayos ka lamang ba Clifford?bakit ka namumula?halaaa may lagnat ka siguro gaya ng nangyari kay Janna noong nakaraang linggo" nag aalala kong sabi kay Clifford habang siya ay tulala parin
"D*mn baby you'll be the death of me mahal na mahal talaga kita kinikilig ako sayo" tila batang saad nito sabay yakap sa akin ng mahigpit
"Mahal din naman kita eh" tugon ko naman sa kaniya
Iniangat ni Clifford ang kaniyang mukha at timitigan ako sa aking mata
"Huwag mo akong iiwan ha?hindi ko kayang mawala ka sa akin" mahinang sabi ni Clifford sa akin
"Oo naman, kailanman ay hindi ako mawawalay sa iyong tabi" nakangiti kong tugon sa kaniya, mahal na mahal ko rin si Clifford at hindi ko rin kakayanin kung mawawala siya sa akin
Ngumiti si Clifford sa akin kasabay noon ay paglapat ng kaniyang labi sa aking mga labi at gaya ng palaging nangyayari ay wala akong nagagawa kung hindi ang magpaubaya sa sigaw ng aking puso
Clifford POV
I woke up because of the loud sound from my phone, I look at Azulan peacefully sleeping, gladly she wasn't awakened by the noise
When I open my phone I saw Jasper calling
"What do you need Salas?" I asked him
"Boss ready na ang lahat sa plano go signal mo nalang ang iniintay ano G naba?" Jasper asked, I turned to look at my Azulan sleeping
"Yes, tonight 8pm be ready"
After the conversation with Jasper I called Janna to accompany Azulan while I'm gone
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid
FantasiA princess of the sea who accidentally become human, because of her stupidity about her new world she has business to deal with the most dangerous mafia boss. As feelings continue to grow choosing will be harder, will she stay in her new world or w...