Azulan POVNarito kami ni Janna at Kuya Jeff sa hapag kainan kita ko ang saya nila ng makitang napakaraming pagkain ganoon din ay may mga bago silang kasuotan
"Ang galing talaga mukhang mananaba ako nito aba palagi ba namang supply ng masasarap na pagkain G na" saad ni Janna habang puno ba ng pagkain ang bibig
"Umayos ka nga Janna para kang timang diyan napapaghalataan kang patay gutom eh" napasimangot naman si Janna sa sinabi ng kapatid
"Ikaw talaga kuya no. 1 basher kita" tumawa lang si Kuya Jeff at hindi na sumagot
"Sasama kaba sakin mamaya Azulan?" Tanong sa akin ni Janna habang puno muli ang bibig
"Saan?" Wala naman akong naalalang may lakad siya ngayong araw
"Sa mansion ni Bossing Clifford tutuloy ko na trabaho sayang kita" sabay kagat ng sinasabi nilang pritong manok
"Sige sasama ako tutal ay wala naman akong gagawin dito" nakangiting kong sagot sa kanya, ayaw ko rin namang maiwan dito sa bahay habang sila ay kumakayod, una sa lahat ay nakikisilong lamang ako sa kanilang tirahan kaya't dapat ay gumawa ako ng bagay na maaaring makatulong sa kanila
"Bilisan mo na Azulan baka mamaya pagsungitan na naman tayo ng matandang mayor doma don" agad kong binilisan ang pagkain ng maalala ang matandang balyena, masama pa naman ang ugali niya
Matapos kumain ay agad kaming nagtungo sa mansion swerte na lamang at wala ang matandang balyena kaya hindi kami napagalitan kahit na huli kami ng pagdating
Nagsimula na kaming maglinis, pinili ko ang baba sapagkat mas marami ang lilinisin dito ayaw ko namang mapagod ng sobra si Janna
Makalipas ng ilang oras ay natapos din ako, ramdan ko pa ang sakit ng aking tagiliran, siguro ay dala ng pagod.
"Tapos kana ba Azulan?" Tanong ni Janna habang pababa ng hagdan
"Oo katatapos ko lang may lilinisin pa ba?" Ngumiti siya sa akin at hinila ako sa kusina
"Ito magmeryenda muna tayo bago magpatuloy sa pagtatrabaho baka mamaya mahimatay ka diyan sa pagod" sabay subo ng tinapay sa kanyang bibig at subo ng isa aa akin
Habang kumakain kami ay nakarinig kami ng ugong, kita kong agad nataranta ang nga katulong at naalerto naman ang mga tagabantay
"Nandiyan na si bossing the great takot ng mga tao noh?baka kasi mabugahan ng apoy" sabi ni Janna habang patuloy parin sa pagkain
Maya maya ay pumasok na si Clifford, biglang bumilis ang tibok ng aking puso noong nakita ko siya ngunit agad din iyong nawala noong nakita ko na may kasunod siya
"Honey wait for me masyadong mataas ang heels ko bagalan mo lang" tila may problema ang babaeng ito sa kanyang katawan at patalsik talsik ang bewang habang lumalakad
Bakit ba tila nasasaktan ako?ano bang magagawa ko kung siya ay may kasintahan?hindi naman niya ako pinangakuan ng kahit ano. Ang bastos na mortal na ito palagi niyang pinapainit ang aking ulo
"Sino ang babaeng iyan?kasintahan ba ni Clifford?" Mahina kong tanong kay Janna na nakapagpatawa dito
"Yang babaeng yan?naku hindi papatulan yan ni bossing, hindi niya yan kasintahan , palagi ko yang nakikitang kasunod ni bossing tuwing pupuntang isla, makapal ang mukha eh hindi makaintindi na ayaw nga sa kanya" kita ko naman ang kanyang pag-irap sa babaeng kasama ni Clifford
"Wag mo problemahin yan mas maganda ka diyan talampakan mo lang yan" muling sabi ni Janna
"Ano ang kanyang ngalan" sabay tingin muli sa babae na ngayon ay nakakapit na sa braso ni Clifford
Humarap siya sa akin at ngumiti ng malawak "Hipon beh hipon itawag mo diyan tutal tapon ulo naman siya eh"
"Tara namang bumalik sa trabaho busog na ako hayaan nalang natin sila" sinundon ko ang aking sinabi ng mapait na ngiti, hindi ko ito dapat maramdaman sapagkat balang araw pag alam ko na kung paano ay babalik ako sa aming lugar
Habang nag pupunas ng sahig may may bigla akong nasagi
"What the hell" sigaw nito
"Naku paumanhin po hindi ko po sinasadya, hindi ko po kasi napansin na kayo'y nariyan" nababakas ko ang galit sa kanyang mga mata
"Are you saying it's my fault?" Patay na hindi ko maunawaan ang kanyang sinasabi
"Paumanhin po ngunit hindi ko kayo maintindihan" nakayukong sabi ko
"Ang bobo mo naman bakit kaba tinanggap dito?" Nakapamewang pa siya at tumataas ang isang kilay
"Pasensya na po Talaga binibining hipon hindi na po mauulit" kita ko ang pagkabigla sa kanyang mata na agad napalitan ng galit
"Anong tinawag mo sakin?" Nanggagalaiti nitong tanong
"Binibining hipon po?hindi ba iyon ang iyong ngalan?" Magalang na saad ko, magsasalita muli sana ako ng bigla niya akong sabunutan
"You b*tch ipapatanggal kita sa trabaho mo isusumbong kita kay Clifford ang bobo bobo mo" pinagsasampal pa ako nito, dahil sa kanyang ginagawa ay hindi ko mapigilang maiyak, sa buong buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakaranas ng ganitong pang aapi
"How dare you call me Hipon, sino ka ba ha?katulong kalang dito kaya matuto kang lumugar, ako ang mapapangasawa ng may ari ng mansion na to kaya matuto kang rumespeto" sabay hagis sa akin, dahil dito ay bumagsak ako at hindi sinasadyang tumama ang ulo sa patusok na gilid ng lababo
Sa ngayon ay hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang akin bang ulo o ang katotohanang ang babaeng nasa harapan ko ang mapapangasawa niya. Bago pa tuluyang dumilim ang aking paningin ay nakarinig ako ng mga boses
"Azulan OMG anong ginawa mo sa kanyang hipon ka!!!"
Janna POV
Kakatapos ko lang maglinis ng panibagong parte ng bahay, pupuntahan ko na si Azulan para makauwi na kami baka mamaya magkalat na naman si ate mong girl dito at mawalan na kami ng trabaho
Habang papuntang kusina kung saan naglilinis si Azulan ay nakakarinig ako ng sigawan kaya tumakbo na ako para malaman ang nangyayari. Pagkadating ko ay nakita ko si Hipon na nakatayo habang si Azulan ay mapula ang pisngi, dumudugo ang gilid ng noo at Puno ng kalmot.
"Azulan OMG anong ginawa mo sa kanyang hipon ka!!!" dinuro duro ko pa itong hipon na to
"It's her fault she's so bastos she called me hipon buti nga sa kanya" sarap dukutin ng eyeballs ng babaeng ito napakasira ulo, baliw
Muli kong tiningnan si Azulan na walang malay, ang kaibigan ko, ang kawawa kong kaibigan sabi na't baliw talaga ang babaeng hipon na to
"Azulan maghintay ka hihingi ako ng tulong kay Kuya Jeff dadalhin ka namin sa pagamutan" pagkatapos ay tumingin ako sa babaeng hipon
"Hindi ba tayo tapos babae ka" akmang aalis na ako para tawagin si kuya Jeff ng biglang pumasok sa kusina si Bossing Clifford
"What the f*ck is happening here?why are you all shouting?" Pero bago pa ako makasalita pabalik ay nanlaki na ang kanyang mata ng makita si Azulan, agad niya itong nilapitan
"Who the f*cking f*ck did this to her d*mn I'll surely kill that sh*t"
Agad akong lumapit kay hipon girl na ang totoong pangalan ay Cristy sabay bulong "dinig mo yon?patay kang hipon ka mailalaga kana"
************************************
Thank you sa mga nagbabasa labyaaa💕
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid
FantasyA princess of the sea who accidentally become human, because of her stupidity about her new world she has business to deal with the most dangerous mafia boss. As feelings continue to grow choosing will be harder, will she stay in her new world or w...