Kabanata 5

880 30 0
                                    


Janna POV

Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko simula pa kanina, kung bakit ba kasi ang lakas ng saltik ng babaeng to gusto na ata pumanaw ng maaga pero unfairness mukhang type siya ni boss

"Ano bang uri ng nilalang iyon at tila takot na takot ka?" Nalunod ako sa mga sinabi niya ah ang lalim

"Yung lalaki kanina na sinigawa sigawan mo Mafia boss yon isang pitik nalang non tumba kana" kita ko naman ang pagkunot ng noo nito, pustahan di nito nagets Omaygoshhh naman kasi saan ba to nanggaling parang high na high palagi

"Explain ko sayo ng maayos ah, kasi yung lalaki kanina ano yon nakakatakot na tao, pumapatay at gumagawa ng iligal naiintindihan mo ba?" Kita ko naman ang pagtango niya, haysstt buti naman

"Ibig bang sabihin ay maaari niya akong paslangin dahil sa kalapastanganang ginawa ko kanina?paano nayan Janna hindi ko pa ibig ang pumanaw kailangan kong makabalik sa aming lugar" natatakot nitong saad sa akin

"Kaya nga wag kang magpapakita don eh magtago ka tapos sasabihin ko nakaalis kana at bumalik sa inyo" sobrang kabado siya ngayon, gusto ko sana isigaw na beh kasalanan mo yan beh ikaw gumalit sa kanya beh bakit kasi ganon beh

(KINABUKASAN)

Busy ako sa pagwawalis ng natanaw ko ang mga tauhan ni Boss Clifford halaaa lagot na natunton na bahay namin. Agad akong pumasok sa loob ng bahay para sabihan si Azulan na magtago.

"Azulan!!" Sigaw ko ng pangalan nito

"Bakit ba ikaw ay sumisigaw? Kay aga aga pa Janna" sabi nito habang hawak ang kaldero

"Dumaan ka sa likod ng bahay magtago ka nandito ang mga tauhan ni boss Clifford "

"Sinong Kli-pord ba ang tinutukoy mo?' nakakunot noo na tanong sa akin

"Gaga yung lalaki kahapon yung sinabi kong papatay sayo" agad namang nanlaki ang nata niya at sinunod ang utos kong pumunta sa likod ng bahay at doon dumaan

Agad akong lumabas upang ako ang mapag tanungan ng mga tauhan ni Boss Clifford

"Hi Ms. diba ikaw yung kasama nong babae kahapon?nasaan na siya?" Tanong nong isang men in black

"Ah ayong babae ba pasensya na nakauwi na siya ng probinsya nila sa takot sa boss niyo sinubukan kong pigilan kasi sayang ang trabaho kaso di nagpapigil eh" nilungkutan ko pa ang mukha ko para makumbinsi sila

"Halughugin ang bahay"

"HUH??" Shutakels naman bakit ba ang titigas ng mga taong to nasabi ng wala eh

Nag pasukan ang mga MIB sa bahay namin at nagsimulang mag halughog, bumaba ang isang lalaki galing kwarto sa taas

"negative wala nga dito"

"Oh ha sabi ko naman sa inyo eh masyado kasi kayong pabida oh edi nahirapan lang kayo?titigas kasi ng bungo niyo eh" mapang insultong sabi ko huh anong palagay niyo sakin bobo?syempre uunahan ko kayo sa plano niyo Hindi ko ibibigay beshywaps ko sa boss niyo kahit gwapo pa siya

Clifford POV

I'm here at my office in the mansion, my head is aching so bad because I can't sleep last night d*mn I badly wanna see her, I miss her so bad. This is the first I feel this way so no matter what happen I should get her. While trying to rest my men enter

"Sorry po boss pero negative wala siya sa kasama niya paparito ang sabi nakauwi na daw po sa probinsiya sa takot sa inyo" agad nag init ang ulo ko sa narinig

"What the f*ck?hanapin niyo wag kayong titigil hanggang hindi niyo alam ang exact location I want it until 6pm now go" d*m woman you really think you can get away from me? Think twice no matter how far you are I will still find you, wait for me my love

Azulan POV

kanina pa ako palakad lakad dito sa dalampasigan, wala na kaya ang mga masasamang nilalang na iyon? Nais ko ng umuwi nagugutom na ako

"Nais ko ng kumain sapagkat ako'y gutom na ngunit paano ako uuwi?baka nandoon pa ang ang masasamang nilalang at kuhanin ako"

"Nakaalis na sila"

"Talaga buti nama-" naputol ang sasabihin ko ng aking makita kung sino ang nasa aking harapan

Ama, ina, aking mga kapatid, Janna at Kuya Jeff kung di man ako sapitin ng bukas nais kong malaman niyong mahal na mahal ko kayo

"So habang naghahanap ang mga tauhan ko sa ibat ibang probinsya you're here enjoying the scape" malamig ang pagkakasabi nito ngunit hindi ko lubusang naunawaan

"Patawad ngunit hindi ko lubusang maunawaan ang iyong tinuran" kita ko ang paglapit niya sa akin, sobra nitong lapit na pwede ko siyang mahalikan kapag gumalaw ako

"Ang sabi ko wag mo na ulit susubukang tumakas dahil kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita" pagkasabi ng mga linyang iyon at bigla niya akong hinalikan, paulit ulit akong nagpumiglas ngunit ayaw niya akong bitawan, bastos ang mortal na ito napaka sama ng ugali niya, matapos niyang ikulong ang mga isda ngayon ay ninanakawan niya ako ng halik

Nong naghiwalay ang aming mga labi ay agad ko siyang sinampal

"Bastos kang tunay mortal kung kaya't hindi mo ako masisisi sa magagawa ko sa inyo" sabi ko at agad ikinumpas ang kamay ngunit walang lumalabas na kapangyarihan, hindi, hindi ito maaari bakit nawala ang aking kakayanan?ibig ba nitong sabihin ay tunay akong mortal? Sinubukan ko ulit ikumpas aking kamay ngunit kinuha lamang niya ito at dinala sa labi upang halikan

"Next time don't try to hide I will always find you" sabi nito at muli akong hinalikan sa aking labi. Dahil sa kanyang ginawa ay agad kong sinipa ang kanyang gitnang parte kita kong nasaktan siya ng lubusan hindi ko naman alam kung ano ang aking tinamaan. Habang dumadaing siya sa sakit ay tumakbo ako papalayo

"Comeback here d*mn make sure you hide better cause when I find you I'll never let you go" Sabi nito ngunit hindi ko pinansin dahil sa bukod sa Hindi ko maunawaan wala rin akong pakialam

Pagkarating sa bahay ay agad kong tinawag sina Janna

"Beshywaps ok kalang ba?wala bang nakakita sayo?" Tanong nito

"Nakita ako nong sinasabi mong klipord ngunit muli akong nakatakas" hingal pa ako dahil sa aking ginawang pagtakbo

"Maghanda ka isasama ka ni Kuya papunta sa probinsya ni nanay doon ka muna para dika niya mahanap dadalawin ka nalang namin kasi hindi natin alam kung anong gagawin sayo no Boss Clifford pag nakuha ka lalo na't ginalit mo siya" ngumiti pa ito at parang sinasabi sa aking magiging ayos lamang ang lahat

"Maraming Salamat Janna ikinagagalak kong makilala ka sa mundong ito" niyakap ko siya pagkatapos kong sabihin iyon

"Ako rin masaya akong nakilala kita"

************************************

Enjoy Reading 😘

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon