Kabanata 21

542 20 0
                                    

Hi mga bebs pafollow po ako😊Enjoy reading 🥰 pagpasensyahan niyo na ang ating Bida sabog Talaga siya madalas HAHAHAHAHAHAHAHA


Azulan POV

Nakatulugan na ni Clifford ang pagkakasandal sa aking balikat at pagkakayakap sa aking bewang, dahil siguro sa sobra nitong pag inom kaya madaling nakatulog ganoon daw kasi yon sabi ni Kuya Jeff.

Kanina pang natutulog si Clifford, sa totoo lang ay nangangalay narin ang aking balikat ngunit ayaw ko naman siyang gisingin sapagkat mababakas sa kanyang mukha ang pagod at kakulangan ng tulog. Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng silid kung nasasaan kami at bumungad sa akin si Jasper

"ma'am Azulan kami na po bahala muna kay boss iaakyat na po namin sa higaan para makatulog siya ng ayos at para rin makapagpahinga na ang balikat mo" sabi sa akin ni Jasper na agad ko namang tinanguan

Lumapit siya sa aming pwesto kasama ang dalawa pang lalaki na sa pagkakatanda ko ay si Jake at blake, kinuha nila si Clifford at dahan dahang inilagay sa kamay

"Mukhang madami talagang nainom si boss hindi man lang namayalan ang pagbuhat natin" saad ni Jake

"Eh paanong Hindi malalasing yan ilang araw na nag iinom akala ata vitamins ang alak inaraw araw" sabi naman ni Blake habang nakatingin sa mga boteng nainom ni Clifford

"Nandito na si Azulan kaya ok na yan pamihado andiyan na ang gamot niya" nakangising sabi ni Jasper sabay tingin sa akin "sige Azulan una na kami" muli nitong saad at naglakad na palabas kasama sina Blake at Jake

Lumapit ako kay Clifford at kinumutan ito pagkatapos ay lumabas narin ako upang magluto. Susubukan kong gawin ang mga pagkaing tinuro sa akin ni Janna, bukod sa madali ay kakaunting kasangkap lamang ang kailangan

Pagkadating ko sa kusina ay bumungad sa akin si Aling Berna, siguradong magiging masama na naman ang pagbati nito sa akin gaya ng palaging nangyayari.

"Ah aling Berna maari ko bang mahiram ang kusina nais ko lamang magluto" mahinang pakiusap ko dito

"Hindi" masungit na sagot ni Aling Berna, kay sama talaga ng ugali nito

"Pangako aling berna mabilis lamang ako aalis din ako agad pagkatapos ng aking gagawain" muli kong pakiusap

"Pag sinabi kong hindi eh hindi nga tsaka bakit kaba magluluto?magpapabida ka?magpapasikat?o baka gusto mong lagyan ng gayuma ang pagkain ni sir Clifford" sigaw ni Aling berna sa akin, aba talagang ginagalit niya ako, napakasama ng ugali nakuha pa akong insultuhin

"Una sa lahat Aling berna matandang balyena Hindi ko talaga alam kung bakit tila napakalaki ng galit mo sa amin ni Janna gayong wala naman kaming ginagawang masama sa iyo ikaw lamang ang nag iisip ng negatibo tungkol sa amin, pangalwa hindi ko na kailangan ng gayuma sapagkat gamit lamang ng aking kagandahan ay mapapaibig ko na siya masyado kang gumagawa ng sarili mong desisyon aling berna eh hindi nga kita isinusuplong kapag hinahanap ni Gio ang mga nawawalang panloob niya kahit kitang kita ko na ikaw ang kumukuha" masungit din na sigaw ko dito, anong akala niya magpapatalo ako at magpapaapi sa nilalang na wala namang ibang ginawa kundi akoy galitin at kutyain

"Ikaw bata ka bastos ka talaga subukan mong isuplong ako makikita mo ang hinahanap mo" galit na sigaw nito sakin, talaga?makikita ko ang hinahanap ko kapag isinuplong ko siya?sa isiping iyon ay agad akong napatakbo palabas ng kusina at nagtungo kay Gio

"Gio" sigaw ko rito ng nakita ko siyang nakaupo sa lamang sa hardin kasama si Janna, Ace at Kuya Jeff

"Oh bakit maam Azulan?" Tanong nito

"Kilala ko kung sino ang nakuha ng iyong mga panloob" nakangiti kong sabi, isusuplong ko si Aling berna upang makita ko ang aking hinahanap na lagusan

"Sino beshywaps ha?sino??sabihin mo Azulan sino" sigaw na tanong sa akin ni Janna habang inaalog ang aking balikat, bakit tila galit si Janna?mas galit pa ito kay Gio na ninakawan

"Si aling berna" nakangiti kong sabi, mamaya din ay pupunta na ako sa dagat dahil makikita ko na ang hinahanap ko

"Nasaan siya?" Galit na tanong ni Gio

"Nasa kusina iniwan ko siyan doon nagmamadali kasi akong naghanap sa iyo ng sabihin niyang makikita ko raw ang hinahanap ko kapag isinuplong ko siya kaya agad ko siyang isinuplong sa iyo may bagay kasi akong kay tagal ng hinahanap eh" masayang wika ko rito, sinundan ito ng malalakas na tawa ng mga taong naroroon

"Hay naku azulan patawa ka talaga kahit kailan" sabi ni Janna habang patuloy parin sa pagtawa

"Ngunit hindi naman ako nagpapatawa" seryosong sabi ko sa mga ito, bakit ba sila tumatawa?alin ba sa aking mga sinabi ang nakakatawa?

"Tara na nga lang sundan si Gio at baka sumabog na yon sa galit" wika ni Ace kaya't sinunod nalang namin ang kanyang sinabi

Sumasabog pala ang mga mortal kapag nagagalit?nakakatakot naman

Pagdating namin sa kusina ay naabutan namin si Aling berna at Gio na nagsasagutan nandoon nadin si Jasper

"Alam mo po ba kung magkano ang brief ko aling berna? 1000 isang piraso non tapos nanakawin mo lang?" Galit na sabi ni Gio kay Aling berna na hindi makatingin ng deretso

"Tanggalan mo ng isang zero tol masyado kang mayabang" sabi naman ni Jasper kay Gio

"Shut up tol yung brief ko ang kaso dito hindi ang presyo" muli nitong tiningnan si Aling berna "ngayon nasaan ang mga brief ko?tsaka bakit mo ba kinukuha?"

"Kasi ano eh crush kasi kita" nakayukong saad ni aling berna

"Aba pigilan mo ako beshy talagang aagawan pa ako ng matandang to" mahinang bulong ni Janna na para bang nais sumugod

"Wag mo akong pigilan beshywaps susugudin ko siya" pabulong na saab ni Janna sa akin, umakto na susugod ngunit tila ba may pumipigil

"Wag mo akong pigilan beshy"

"Ano ba beshy wag mo nga akong pigilan susugod ako"

"Ngunit wala namang pumipigil sa iyo Janna" tumingin ito sa akin at mas lumapit pa

"Pigilan mo ako"

"What's happening here?" Malakas na sigaw ng kadarating lamang na si Clifford, nakahawak pa ito sa kanyang ulo na tila masakit

"Boss si Aling berna ninanakaw mga brief ko" nakasimangot na sabi ni Gio

"What? why would she stole your brief Santiago?" Muling sabi ni Clifford ngunit hindi ko naman maintindihan

"Crush daw niya ako boss eh"

"Is that true aling berna?" Kita ko naman ang naging pagtango ni aling berna sa sinabi ni Clifford

"You know I don't tolerate that kind of action here in my territory, tanggal kana sa trabaho" walang mababakas na emosyong saad ni Clifford, bumaling sa akin si Aling berna na tila umaapoy ang mga mata dahil sa nakakapaso nitong nga titig

"Sinabi ko na sayo makikita mo ang hinahanap mo kapag sinuplong mo akong baliw kan-"

"Talaga?makikita ko na ang aking hinahanap?kay galing naman salamat" natutuwang saad ko dito

Kita ko namang mas lalo siyang nagalit sa aking winika, bakit?may mali ba sa aking nasabi?sa aking tingin ay wala naman, nagpasalamat pa nga ako sa kanyang tulong

"Bwisit kang baliw ka" sinugod ako ni Aling berna ng kutsilyong nakuha niya sa kanyang tabi at akmang iaatake ito sa akin ng hinarang ito ni Clifford

"No one will hurt my beloved, how dare you tried to harm her, Jasper, Gio, Ace lock this woman in the X prison" galit na sigaw ni Clifford, ano kaya ang kanyang sinabi at bigla na lamang dinampot nina Jasper si Aling berna, sumisigaw pa ito habang pilit na kumakalas sa pagkakahawak

"Ayos kalang?" Tanong sa akin ni Clifford gamit ng kanyang boses na may halong lambing, kinikilig talaga ako

"Ayos lamang ako, salamat sa pagligtas ng aking buhay" ngumiti lamang ito sa aking sinabi at hinalikan ang aking pisngi

"No one will hurt you as long as I'm here"



******************************
Makikita kaya ni Azulan ang hinahanap niya?HAHAHHAHAHAHAHA

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon