Kabanata 15

652 24 0
                                    


Azulan POV

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin, Hindi ko alam ngunit tila hindi ko matanggal ang napakalaking ngiti sa aking labi tila kusa itong gumagalaw. Bakit ba ako masaya?dahil ba kagabi? Noong maalala ko ito ay bigla muli akong napangiti ng mas malapad. Sa kalagitnaan ng aking pagiisip ay may tumama sa aking ulo

"ikaw Azulan kanina pa kita tinatawag hindi mo ako sinasagot tapos ngiting ngiti kaba diyan aba ang sabi mo hindi mo pa nasusuko ang brelyante bakit tila lumulutang ka riyan nakuuu Azulan sinasabi ko sayo mahal ang gatas, mahal ang diaper, mahal ang gamit bg baby tapos masakit din manga-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Janna sapagkat wala na naman akong maunawan sa sobrang bilis niyang magsalita "ano bang brelyante ang iyong sinasabi?wala nga ako non eh"

"Ewan ko sayo talaga beh bilisan mo na at mahuhuli na tayo sa mansion balita ko andoon yung matandang balyena magsusungit na naman yon sa atin galit pa naman yon sa magaganda" ani Janna at lumabas na ng kwarto ako naman ay dali dali ng naghanda upang hindi mahuli

Pagkababa ko sa kusina ay nakita ko si Janna na naghahain ng umagahan

"Janna tulungan na kita" nakangiti komg Sabi sa kanya na agad naman niyang inilingan "umupo ka nalang at kumain para makaalis na tayo" sagot naman nito

Lumapit ako kay Janna at yumakap sa kanya "ang bait bait naman ng maganda kong kaibigan kaya mahal na mahal kita eh" sabay halik sa kanyang pisngi na kinatawa naman nito

"aayyy ang sweet naman ng Azulan nayan naglalambing na siguro sinuko mo talaga ang brelyante noh?" Napakunot muli ang aking noo sa kanyang sinabi

"Janna wala nga akong-"

"Oo na oo na wala ka ng brelyante upo kana diyan kakain na tayo masarap ulam natin ngayon" saad ni Janna at nilagyan din ang aking pinggan

Pagdating sa mansion ay agad na kaming pumunta sa aming tatrabahuhin mahirap na at baka mapagalitan muli kami ng matandang balyena

Sa kalagitnaan ng aking paglilinis ay nakita ko si Jasper tulala ito at nakatulala lamang, sinundan ko kung saan siya nakatingin at doon ko nakita si Ace na nakikipaglaro kay Brusco (aso ng Mansion). Kakaiba ang uri ng tingin ni Jasper, mabigat at malalim.

"Jasper ayos ka lamang?" Tanong ko rito, agad naman siyang natauhan at napatingin sa akin

"Ayos lang ako ma'am Azulan wag mo akong intindihin" nakangiti nitong saad ngunit ang ngiting ito ay kakaiba sa mga ngiti niya noon

Muli akong tumingin Kay Ace "may pagtingin ka sa kanya tama?" Napatingin naman sa akin si Jasper at biglang tumawa

"Ano bang sinasabi mo ma'am Azulan malabong mangyari yon lalaki siya lalaki din ako Hindi kami talo" sabi ni Jasper ngunit halata namang pinepeke niya ang kanyang emosyon, prinsesa ako kaya sanay na akong bumasa ng tunay na emosyon ng isang nilalang

"Hindi mo naman kailangang magsinungaling sa akin, kita ko ang kislap sa iyong mga mata sa tuwing ika'y nakatitig sa kanya, mahal mo siya hindi ba?" Muli kong tanong dito

"Siguro?oo?kung ano mang nararamdaman ko hindi na yon mahalaga hindi kami pwede, Hindi niya ako magugustuhan at isa pa hindi ito matatanggap pamilya ko" mababakas sa mata ni Jasper ang iba't-ibang emosyon, lungkot, sakit at panghihinayang malayo sa dating Jasper na napakamapaglaro.

"Mapapahamak lamang siya sa akin Ma'am Azulan" saad muli ni Jasper, ngumiti ito sa akin at nagpaalam na para gawin ang napakadaming utos ni Clifford

Ace POV

"Aww Aww Aww"

"Brusco comeback here I'm tired already" pakiusap ko sa asong makulit pero hindi naman ito nakinig at lalo pang tumakbo

Hingal na hingal ako ng makarating sa garahe sapagkat dito nagpunta ang aso na yon maya maya pa ay may narinig akong tahol kaya't sinundan ko ito at doon ko nakita si Brusco na hawak ni Jasper

"Akin na si Brusco dude baka mahawaan pa ng galis mo" pang aasar ko dito ngunit walang sabi sabi lamang nitong binigay sa akin si Brusco, wala itong imik hindi gaya dati na nakikipaglaban talaga siya sa akin, seriously what's his problem?noong isang araw pa ito ah

"Where are you going?" Tanong ko dito nong makita kong papasakay siya ng sasakyan

"On a date" sagot nito ng Hindi man lang ako tinitingnan, ano ba talaga nagawa ko dito?did I said something wrong? something that can offend or hurt him?oo madami pero I'm sure he's aware that it's only a joke

Napasimangot na lamang ako bago sumagot "ingat tol galingan mo performance mo ha para matanggap ka break a leg" sa halip na sumagot sa sinabi ko ay inirapan lamang ako nito at pumasok na sa sasakyan bago ito matulin na pinaandar

"Ang yabang talaga ng lalaking yon buti pa ako macho gwapito at maginoo emzzz"

Pumunta na akong muli sa tambayan ko kanina pagkatapos ay binalik si Brusco sa kulungan

"Pareng Ace" tawag ni Gio sa akin sabay hampas sa balikat ko

"Aray tang*na ka pre masakit" reklamo ko dito taennaa akala ba niya malambot at magaan ang kamay niya?

"Ang OA mo dude mahina lang naman"

"Ano ba kasing kailangan mo at nambubwisit ka na naman?" Nakasimangot kong tanong sa kanya, haysstt lahat nalang ng kasapi ng mafia sakit sa ulo, kasi naman boss wala ka nabang mahanap na matino? kailangan ba lahat may sayad?

"Ang init na naman ng ulo mo dude dinaig mo pa nireregla itatanong ko lang naman nasan si Pareng Jasper" sagot ni Gio

"Yung aso na yon?may kadate daw malantod eh" naiirita talaga ako pag naaalala ko yung mayabang na yon

"Hay naku baby Ace selos ka naman agad baka naman misyon lang" saad ni Gio na agad namang kinainit ng ulo ko

"G*go kaba??bakit naman ako magseselos?hindi ko siya type noh ang gusto ko yung babaeng sexy, maganda, matalino tsaka walang sayad na gaya niyo" sigaw ko dito huh ang kapal ng mukha seriously ako?selos?no freaking way

"Ang defensive mo naman masyado pre joke lang naman diyan ka na nga ang hirap mo kausap" saad nito sabay alis

'lalaki ka Ace lalaki ka itatak mo yan sa isip mo hindi pwede si Jasper hindi pwede'



********************************
Enjoy reading 🥰 follow me po☺️

Mafia Series 1: The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon