RIEX SORIANO POINT OF VIEW.
Malalim akong napabuntong hininga at napailing. Nawala yata ang kalasingan ko dahil sa ginagawa.
Tinignan ko si Grezen na mahimbing ng natutulog ngayon, yes he passed out again. Bago ko ilipat ito sa kama ay pinalitan ko muna ito ng cover dahil sa katas nito.
Hinawakan ko ang buhok nito at marahang sinuklay iyon.
"Let me handle your case, baby."Sambit ko dito habang sinusuklay ang malambot nitong buhok gamit ang aking kamay.
Tinignan ko ang mukha nito, hindi na ako magtataka kung bakit hulog na hulog dito si Mazine, he is beautiful creatures of god. Ang pula nitong labi ay naka isang linya, ang kilay nitong makapal na kulay brown na brown, ang ilong nitong mataas ang tulay at ang pilikmata nitong makapal na mahaba. Bumaba ang tingin ko sa leeg nitong maraming kulay pula.
Wala sa sariling napangiti ako dahil doon.
Tsk, tsk, tsk, I think you gonna wear turtleneck long sleeve. Marami iyon dahil siguro sa panggigigil ko kanina ay hindi ko na namalayan na napaparami na pala ang paglalagay ko dito.
I can't stop myself for biting his long neck. Hindi ko alam kung bakit sobrang ganda sa paningin ko ang leeg nito.
Lumipas ang minuto na pinagmamasdan ko lang ang maganda nitong itsura hanggang sa maalala kong nasa ibaba pa nga pala si Adriel.
Napipilitan man ay hinalikan ko muna ang noo at labi nitong mapula bago ako umalis sa kama at kinuha ang mga damit na nagkalat.
Napatingin ako sa kamay kong may bahid ng dugo dahil sa natamaan ito ng bote kanina.
Ayan emote pa.
Sinuot ko ang boxer at lumabas ng walang saplot sa itaas na lumabas ng kuwarto. Mula sa hambaan ng hagdanan ay nakita ko si Adriel na mukhang tapos na sa paglilinis.
Mabilis lang din akong nakita nito dahil salamin lang naman ang pasilyo ng hagdan at ang hanggang beywang na salamin na pumapagitan dito.
"Bakit hindi kapa umuuwi?"Tanong ko dito nang makababa ako, nagtungo ako sa kusina at kumuha doon ng tubig bago ako bumalik sa kinaroroonan nito.
"Mamaya na, ayokong mapagtripan nanaman nung tatlo."
Mahina akong napatawa dahil sa boses nitong parang nanunumbong.
"Mahirap ba?"Tanong ko dito.
Walang pag-aalinlangan itong umiling, at ngumiti.
"Aaminin kong mahirap sobra, but when you see their happiness and laugh? Wala na bawing bawi kana sa lahat. Hindi naman lahat madali at masarap, even Zarrella and Alkez is not mine once you truly love the person wala ka nang magagawa, you can't run or escape to that. When loves attack you, wala ka ng magagawa kung hindi ang sumuko,"
"You are deeply inlove huh."Masaya ako para dito, kahit noon ay hindi ko nakitaan na may kasama itong babae, meron mga nagkakandarapa dito pero hindi nito iyon pinapansin.
"Well, no words can describe how I'm in love to Avian,"tumingin ito sa akin na may ngiti sa labi.
"Too, when love hit us, you can't escape from it."ngumiti ako ngunit nawala din iyon ng tumunog ang linya ng telepono na nasa gilid na katabi ng malaking screen ng tv.
Iisang tao lang ang tumatawag kapag sa landline ko. Nagtataka man ay tumayo ako at agad na nagtungo sa telepono at agad na sinagot iyon.
"Señyorito! Si Madam!"
Agad akong kinabahan nang marinig ang boses ng katulong sa bahay.
"A-anong nangyari...?"
"Señyorito, s-si M-madam w-wala na po..."
Para akong nang hina dahil sa narinig. Nabitawan ko ang telepono at wala sa sariling napatingin sa kawalan.
"Riex, ayus ka lang?"
Dahil sa tanong ni Adriel ay tuluyan ng tumulo ang aking luha.
Is this real? Is this fucking real!?
Kinuyom ko ang kamao, alam ko kung sino ang maykagagawan nito. Maglalakad na sana ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa lamp side, naglakad ako patungo doon, nakita kong unknown number ang nakalagay kaya agad kong sinagot iyon.
"Sabi ko naman sayo, kaya nga hindi na binubuksan ang kasong iyon diba Soriano, anyways condolence to you, you know my next target is?"
"Kilala mo ako Montividad. Isang buhay ang kinuha mo sa akin, ihanda mo ang buong angkan mo."Pinatay ko ang tawag at mariin na napapikit.
Sandali akong tumingin kay Adriel na may katawagan na ngayon sa cellphone nito. Nang matapos iyon ay tumingin ito sa akin ng malungkot.
"I know what's happens, balita na sa HQ. Want me to help you? Alam kong nasa selda ngayon si Prison at hindi ka matutulungan."Kung kanina ay masa ito ngayon ay walang emosyon ang mukha nito na laging nakangiti.
"Tatawagan ko muna si Nicodemus, He will help us."Malamig na sabi ko dito, tumango ito.
Matapos kong matawagan si Nico ay mabilis akong umakyat sa taas ngunit hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may nauna ng nagbukas noon na pupuyos puyos pa ang mukha.
Kinagat ko ang labi dahil naguumpisa na naman na tumulo ang aking luha.
"I'm going s-somewhere."Hinawakan ko ang kamay nito at mabilis iyong dinala sa aking labi. Tumingin ako sa mga mata nito na ngayon ay magpagtataka na.
"Where?"Kunot noong tanong nito sa akin.
Ayokong magsinungaling dito pero ayoko din munang sabihin dito, tsaka na pagkatapos nito.
Umiling ako dito bago ko mahigpit na niyakap ito, binutawan ko ang kamay nito at hinawakan ko ang mukha nito bago ko ito binigyan ng isang halik sa labi.
"I can't tell you now, pag natapos na sasabihin ko sayo,"Hinawakan ko ang kamay nito at pinakatitigan ito ng seryoso."Sasama ka sa akin ngayon, I want you to be safe, tawagan mo si Famil at si Tito Doc."Dadalhin ko ito sa kung saan ligtas na lugar.
Kita ko sa mga mata nito ang pagtataka, takot at kaba. Tumango ito at agad na pumasok sa kuwarto para magbihis.
Ganun din ang ginawa ko, wala akong oras na maligo pa, sinuot ko ang itim na long sleeve at jeans na kulay itim din.
Kinuha ko ang briefcase na iba ang laman. Tinignan ko iyon kung kumpleto. Kinuha ko ang isang sniper at ang AK‐47.
Kinuha ko ang case ng bala at nilagyan iyon pati narin ang sniper barret, sinipat ko iyon ganun nadin ang scope noon. Kinuha ko ang pistol at dual kris vector. Kumuha ako ng apat na bomba.
Nang matapos ako ay binuksan ko ang closets at nakita ko ang hindi maiwasang pagsuyod ni Grezen sa dala ko.
"Even you didn't tell to me, I'm always here okay?"humakbang ito patungo sa akin at mabilis akong hinalikan.
"Sasabihin ko din sayo, wala akong balak na itago, pag tapos ngalang nito."
Tumango ito, iginaya ko ito upang makabababa na kami, nakita ko si Adriel na seryosong nakatingin sa akin at agad na bumaba ang mata nito sa aking mga dala.
"It's gonna be exciting."
BINABASA MO ANG
OVERDOSE (BXB 3) ✔
RandomGrezen Pelosi. [BxB] He is Psychiatric Doctor. He help people who deal with the mental health conditions. He help the people who suffering Depression, Anxiety. Because he was in that situation when he was 18 years old. He suffered to that kind of p...