"Ibang level na ng kademonyo-han mo ito Soriano."Tumingin ako kay Adriel na umiiling ngumit patuloy parin sa pagsunod sa ginagawa naming dalawa.
Tumingin ako sa paligid kung saan ang Mansion ng mga Montividad, may naisip akong magandang paraan.
"Aakyat ako, I'm going to see what in the inside, if you want to follow me then be my guest."I said to Adriel before I climb the tall tree, na nakatapat sa bintana na mukhang budega.
Dahil iyon lang ang bukod tanging walang ilaw sa buong palapag. Nasa ikalawang palapag ang gusaling iyon.
Tumalon ako sa binta bukas na binta at ng makapasok ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.
What the hell is this?
Hinawakan ko ang nakatakip sa bulletin board, nanlamig ang aking katawan nang makita ko ang mga nandodoon.
This is their victims, maraming mga litrato doon at isa na kami sa mga kasama dito.
Lumunok ako ng matindi dahil sa nakaramdam ng kaba. They are not a human! Their are a fucking demon!
Iginala ko ang aking paningin at parang gusto kong mawalan ng dugo dahil sa mga nakikita.
Nandodoon kung paano ng killer papatayin ang mga nasa bulletin board. May mga nakalagay ma doon at planado na 'yon. May date narin kung kailan nila kukunin o papatayin ang mga taong nandodoon.
Mas lalo akong nanggigil sa galit dahil sa mga nakikita, inalis ko muna ang mga litrato doon bago ko ibinalik ang telang makapal doon.
Mabilis kong kinuha ang kris vector sa aking likuran, mabilis akong naglakad patungo sa pintuan, maliit kong binuksan iyon at nang makitang walang taong naglalalad ay mabilis akong lumabas.
Puros kulay itim na naghahalong kulay brown ang kulay ng hallway, agad akong nagtago sa malaking vase na naka display.
Isang lalaki ang paparating at hindi ko ito kilala o namumukaan man lang. Nang makalagpas ang lalaki ay agad ko iyong sinundan.
Lilingon na sana ang lalaki ngunit mabilis kong hinawakan ang bibig nito at binigyan ng isang malakas na siko sa likod nito dahilan para mapadaing ito at mawalan ng malay.
Hinila ko ang lalaki patungo sa isang kuwarto na kulay puti ang buong silid.
Mabilis kong hinawakan ang doorknob at inilocked, tinignan ko ulit ang paligid ng makitang wala naman paparating ay mabilis akong nagtungo sa sumunod na papalapag.
Ngunit hindi pa ako nakakahakbang paalis sa isang silid ng may marinig akong mga nag-uusap na mga tao.
"Kailangan na natin na madaliin ang mga plano."
"How! My father died and my two uncle too!"
"Huminahon ka Ija, makakasama iyan sayo."
"Anong kailangan nating gawin ngayon?"
"Doon parin tayo sa plano natin."
"You, Cristine pagpatuloy mo ang ginagawa sa mga bata. Ikaw naman Fred, ipagpatuloy mo lang ang pagdedeliver ng mga baril at droga."
"Paano si Kuya?"
"He can handle himself. Nakikipag usap na ito sa mga taong matataas."
Narinig ko ang mga yabag ng mga ito mukhang nagmamadaling umalis sa silid na pinagusapan.
Nandidito lang pala ang mga ito, hindi na ako mahihirapan na isa-isahin at hanapin ang mga ito kung nasaan mang lupalop na lugar.
Huling lumabas ang isa sa mga Montividad na lalaki, mabilis akong lumabas sa hallway at walang pagaatubiling hinampas ko ang leeg nito dahilan para mawalan ito ng malay.
Tulad ng nauna ay kinaladkad ako ang lalaki patungo sa kuwartong nilabasan nito.
Tatayo na sana ako upang umalis ngunit may nagsalita sa aking likuran.
"Akala mo hindi ka namin nakita?"
Mabilis akong bumaling sa nagsalita ngunit agad din akong nawalan ng malay ng may itinurok ito sa akin.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong walang malay na gising nalang ako nang may bumuhos sa mukha ko ng tubig.
"Gising!"
Malakas akong napa daing dahil sa isang hampas ng makapal na kahoy sa aking tuhod.
"Ayan, tangina mo ka!"
Isang hampas pa ang ibinigay nito sa aking tuhod sa hampas na iyon ay hindi ko napigilang mapasigaw sa sakit.
Wala akong makita sa paligid ko dahil sa inilagay na panyo sa aking mga mata.
"Akala mo hindi kami makakaganti sayo!?"
"Arg!!"malakas na palahaw ko dahil sa hampas ulit nito sa aking tuhod.
Hindi ko na maigalaw iyon dahil sa sakit, hindi ko narin nararamdaman ang isang tuhod ko dahil sa malalakas na paghampas ng kahoy doon.
May luha ng bumabagsak sa aking mga matang natatakpan ng panyo. Alam kong wala na akong ligtas ngayon, gusto kong makawala ngunit hindi ko magawa.
May malakas na sumabunot sa aking buhok dahilan para mapatingala ako.
"What if I inject this drugs to you? Like your gay boyfriend."Malakas na tumawa si Cander.
Kilala ko ang boses nito. Hindi ako magkakamali.
"Patay na ang ina mo pero heto ka ngayon, susunod sa kanya,"
"Do it."Malamig na sambit ko dito.
Umalingawngaw ang tawa nito sa buong silid, napaliyad ako ng naramdaman ko ulit ang tatlong paghampas nito sa aking tuhod.
Masakit. Sobra.
Hindi ko na maramdaman ang aking mga tuhod at alam ko kung saan patungo iyon.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Grezen kaya kahit pa-paano ay nagkaroon ako ng konting lakas.
Kung kanina ay nawawalan na ako ng pag-asa ngunit ngayon ay muling na buhay iyon.
Nagtaka ako kung bakit nawala bigla ang mga nagsasalita o baka naman umalis na sa silid na ito.
Nakaramdam ako ng isang presensya ng tao na nakatingin sa akin.
"Ang hilig mong sumabak sa laban, bakit ba ayaw n'yo akong isasama?"
Tila huminto ang aking paghinga dahil sa narinig na boses! Hindi pwede dahil naka kulong ito!
"P-prison?"
"Yes, my dear cousin?"
Inalis nito ang piring sa aking mga mata at doon ay nakita ko si Prison! Nakasimangot ito ngunit kita sa mga mata nito ang galit.
"P-paano?"hindi ko magawang i-ayos ang aking salita dahil sa pagtataka.
Tumingin ito sa akin, lumuhod ito at tinanggal ang mga taling naka palibot sa aking katawan.
"Panandalian, I can't let you go doing this kind of case, ikaw nalang ang nag-iisang malapit na kamag-anak ko sa akin tapos mawawala kapa?"nang matanggal nito ang mga nakatali sa akin ay mabilis itong naglakad patungo sa pintuan.
Wala sa sariling tumayo ako ngunit hindi ko nagawa. Mabilis akong sumalampak sa sahig kung hindi ko pa naituon ang aking kamay ay susubsob ang aking mukha sa sahig.
"Anong nangyari sayo!?"
Tumingin ako sa pinsan ko, hilam ang aking mga mata, hindi ko gustong makita ako nitong naiiyak o umiiyak pero ngayon ay ibinaba ko ang sarili ko dito, lumuha ako dito.
"I-i c-can't s-stand..."Kinagat ko ang labi dahil sa sinabi ko.
Mabilis ako nitong tinulungan, pinatahiya ako nito at pina-upo. Hinawakan nito ang jeans na suot ko bago itinaas iyon, malakas itong napamura dahil sa nakitang kulay namumuong dugo at ang iba ay lumalabas na doon, iba nadin ang kulay ng aking tuhod.
Tumingin ito sa akin, kung kanina ay galit lang ang nakikita ko ngayon ay nagbabaga na iyon sa gigil at galit.
BINABASA MO ANG
OVERDOSE (BXB 3) ✔
RandomGrezen Pelosi. [BxB] He is Psychiatric Doctor. He help people who deal with the mental health conditions. He help the people who suffering Depression, Anxiety. Because he was in that situation when he was 18 years old. He suffered to that kind of p...